TRW 7

13 3 2
                                    


Pumunta kami sa university para ihatid si Shiela. 

Kasama niyang bibiyahe papuntang Manila ang mga iba pang kalahok para sa iba't ibang paligsahan. May iba akong kilala na kumakaway-kaway sa akin at ang iba naman ay kay William.

"Naks! Hinahatid si girlfriend," tanong ng nakaakbay na lalaking kaibigan ni Will habang tinitingnan si Shiela na busy makipag-usap kina Mhyrr.

Sinulyapan ako ni Will na may ngiti sa kanyang labi. Kahit kinakausap siya ng kasama niya ay hindi pa din niya inaalis ang tingin sa akin. Nang mapansin iyon ng kanyang kasama ay napatingin na din siya sa aking gawi kaya minadali kong nilipat sa ibang direksyon ang aking paningin.

Lumapit sa akin si Jamie na halatang inaantok. "Bakit ba kailangan pang kasama tayo sa paghatid dito?" naasar niyang bulong sa akin.

Napangiti na lang ako sa kanya. "Sandali lang naman ito. Malapit naman silang umalis dahil andyan na ang driver ng bus," saad ko sa kanya sabay turo sa kararating lang na driver.

Napatingin ako sa nakangiting papalapit na sina Shiela at Mhyrr pagkatapos maglagay ng maleta sa may compartment ng bus. Naramdaman ko namang nasa may gilid ko na si Will kaya hindi ko na siya sinulyapan.

"Salamat sa paghatid guys," masayang saad sa amin ni Shiela. Tumingin siya kay Will at siya naman nitong dinaluhan at pinadausdos ang kamay sa kanyang bewang.

I can feel his stares on me, pero hindi ko siya binawian ng tingin. I smiled to Shiela na masayang nakatingin kay Will at yumakap sa gilid nito. "It's okay Shiela dear. Wala naman kaming ginagawa ngayong araw, diba Rein?" nakangiting-taas kilay na tanong ni Jamie sa akin.

Napalingon ako sa kanyang gawi sa pagtataka and simply took a deep breath and faced Shiela with an assuring smile. "And besides, we want to express our support through this," saad ko sabay lahad ng dalawa kong palad para tukuyin ang paghatid namin sa kanya.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiting-aso ni Nick at tumingin kay Mhyrr na siya namang tumawa ng mahina.

I sighed deeply at pinanatili ang aking ngiti.

Nagulat ako ng bigla akong yapusin ng yakap ni Mhyrr ng mahigpit at tumawa. "Ah. Nakakaoverwhelmed naman," sabay layo sa akin pagkatapos niyang sabihin sa akin at bumalik sa tabi ni Will.

Napatingin ako kay Will na nakatunghay sa akin at napataas ang kanyang kanang kilay.

May tumawag kay Shiela na isa sa mga papasakay na sa bus, hudyat na papaalis na sila kaya napatingin kaming lahat sa kanya at siya namang masayang maluha-luha.

Hinarap niya si Will at niyakap nito ng mahigpit. "Take good care of yourself," sabi ni Will sa kanya habang hinahaplos ang buhok nitong may haba hanggang balakang.

It made me smirk while watching what are they both doing in front of us. Hindi ko lang alam kung parte ba ito ng pagpapanggap ni Will pero kung kagaya lang ako nina Mhyrr at iba pa na walang kaalam-alam sa ginawa naming pagkatapos ng party nya, mapapaisip din akong totohanan na nga sila.

Bumusina na ang bus kaya naglakad na si Shiela patungo doon at winagayway ang kanyang kamay para muling magpaalam sa amin. Nang makapasok na siya at makaupo ay nagsimula ng umalis ang sasakyan nila so we waved our hands while plastering our smiles.

Napagpasyahan naming umuwi na muna dahil na din sa may pasok pa kami bukas at may mga dapat pa kaming ayusin para sa ibang major subjects namin.

Naabutan kong walang tao ang apartment. 

TRWS: The ManipulatorWhere stories live. Discover now