TRW 1
Oh love. Love makes the world complicated aside from money that makes the human evil, tss.
Tama naman ako diba? Kung hindi pera ang problema ng isang tao, pag-ibig naman. Hindi porket ang dalawang nilalang ay nagmamahalan ng wagas ay wala ng problema doon, naisip din ba nila na may nasasaktan sila? Tss.
Gaya ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Gusto ko ng isubsob ang mukha niya sa mesa dito sa canteen sa mukha niyang ipinapakita niya sa akin ngayon.
"Jacob Hernandez, move on." saad ko sa kanya habang panguya-nguya ng bubble gum.
He sighed. "I just can't, Reina Mondragon."
Napataas ang aking kilay sa kanyang sagot. "Eh 'di paghiwalayin natin silang dalawa, gusto mo?" I look at him sarcastically.
At sa wakas! Naagaw ko ang atensyon niya at bigla siyang napatingin sa akin. "Thanks for the suggestion Rein," he smiled "but I don't want to ruin anyone’s relationship."
"Huh?!" That answer of him makes me roll my eyes. "Kesa naman sa nagkakaganyan ka eh 'no?"
He flashed a smile again but not as genuinely as before. "Alam ko makakaya ko 'to. I'll just avoid her as what Stefan requested."
WTH?! "Wha- what did you just say? Bakit mo naman iiwasan si Royalty eh you're the best friend here in the first place?"
"Best friend lang ako, Rein. Boyfriend niya si Stefan. Wag mo ng problemahin yun, ako ng bahala."
I just roll my eyes on him.
Ano ba ang pinag-uusapan namin dito? Eto kasing kaibigan kong si Jacob, may girl bestfriend na nagngangalang Royalty Concepcion. They've been what-- three years best of friends at bigla na lang susulpot ang kapatid nitong si Jacob na si Stefan at ang worst pa niyan nagpaalam pa sa kanya kung pwede daw ba niyang ligawan ang bestfriend nitong si Royalty. At eto namang si Jacob my friend iba ang naramdaman ng malaman niyang may gusto ang kapatid nitong si Stefan kay Royalty. So syempre dahil kapatid niya naman ito, pinayagan ng mokong na Jacob ang kanyang kapatid. As the day goes by, na-realize na ni Jacob na mahal na pala niya na pala ang kanyang best friend. At ngayon, yan ang pino-problema niya ngayon.
Natuon ang atensiyon ko sa dalawang taong kakapasok lang sa canteen. They look so sweet na nakakairitang makita.
"Jac," tinawag ko si Jacob habang nakatuon pa din ang aking pansin sa dalawa na kakatapos lang mag-order na ngayon ay naghahanap ng mapupwestuhan para umupo.
"Ano?"
Nang makaupo na ang dalawa saka ko tiningnan si Jacob. "Kilala mo ba yung babaeng kasama ni William?"
Tumingin naman si Jacob sa table na itinuro ko sa may 'di kalayuan. "Your ex." he smiled. A sarcastic one.
I rolled my eyes. "Yeah, yeah, my ex. My great ex. So ano na? Kilala mo ba ang kasama niya?" pinandilatan ko na siya para malaman niyang seryoso ako sa tanong ko.
"Hmmn," he glanced again to the girl "she's Sheila. Third year student, a shifter to our course from BS Nursing," then he looked at me. "Bakit mo naitanong?"
Napangiti ako pagkatapos magsalita ni Jacob. "Nothing much," nadako muli ang aking tingin kay Jacob na hanggang ngayon ay nakasalumbaba pa din habang nakatulala sa kawalan. "Wait, pano mo siya nakilala?"
He stared at me confusingly. "Why not? She's popular here. Every boy's crush. Kahit ako crush siya."
What? "Popular siya? Ba't 'di ko siya kilala?" I ask him while staring at the laughing couples.
YOU ARE READING
TRWS: The Manipulator
ChickLitShe is Reina Mondragon but called as Rein. From her name itself, she wanted to be treated like a queen, rule as queen, and wanted to be pleased. What she wants, she gets is what she accept as true. She'll do anything to make the people believe to he...