TRW 10

27 0 5
                                    


dedicated to: Elaine0323 salamat sa pagfollow :)

~~~~~~*


Madaling natapos ang klase namin ni Jacob at niligpit ko na ang aking libro at kwaderno.

"Ano kaya ulam ngayon sa canteen?" tanong ni Jacob ng makalapit na sa akin at umupo sa aking tabi.

Nginitian ko siya at tumayo na. "Tara na. Baka maubusan na naman tayo," aya ko sa kanya na siya namang tayo at nagsimula na kaming maglakad palabas ng silid.

I was scanning my bag for my phone when I suddenly noticed someone leaning on the door. "You're done?"

Napatingin na ako ng tuluyan at napahinto naman si Jacob sa paglalakad. Napalingon ako kay Jacob ng may pag-aalinlangan at binalik namang muli ang aking tingin kay Will. "Uh – huh," yun na lang ang nasagot ko at dahan-dahang tumango.

Inabot niya ang bag ko at kinawit niya sa kanyang balikat. "Let's go?" aya niya.

Magsasalita na sana ako pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Nilingon ko si Jacob na nakatingin sa akin ng may katanungan base pa lang sa pagtaas ng kanyang kilay.

"He could tag along," napalingon naman ako kay Will na ngayon ay nakatingin kay Jacob.

He snaked his left arm to my waist. "Let's go, the gang is waiting for us," saad niya at nagsimula na kaming maglakad at sumabay naman sa amin si Jacob.

We headed to the canteen at panaka-nakang sumusulyap ako kay Jacob na siya namang tinataasan ako ng kilay saka dire-diretsong naglakad.

Sinalubong kami ng ingay ng mga estudyante sa loob ng canteen. Ang iba ay nakapila sa harap ng food counter para kumuha ng kanilang order, ang iba naman ay nasa mga table kasama ang kanilang mga kaibigan, pero mas naagaw ng pansin ko ang nasa kanang dulo ng canteen habang tinatahak namin ang kahabaan ng canteen.

Nakikita kong kumakaway-kaway na tumayo si Jamie sa kanyang upuan na nakatingin sa aming direksyon. "William, Rein, dito," masayang turo niya sa kanilang mesa.

Nang marating na namin ang kanilang gawi ay dali-dali siyang nagbeso sa akin. "Buti na lang at napilit ka ni William na sumama," nakangiti niyang saad sa akin at saka tumingin kay William.

Napalingon na din ako sa kaliwang bahagi ko kung saan si Will nakatayong nakatingin sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay.

I sighed at tumingin muli kay Jamie na ngayon ay nakatingin sa gawi ni Jacob.

Pinalapit ko si Jacob sa amin. "Uh - ," panimula ko ng maagaw ko na ang atensyon nilang lahat dahil abala sila sa pakikipag-usap kay Will. "Guys, this is Jacob," sabi ko sabay turo kay Jacob. "Jacob, this is Jamie, this is Theo her bf, this is LJ and Penn his fratmate, this is Kent, and this is Bembem, they are my friends," pakilala ko sa kanila isa-isa kay Jacob.

May sumilay na ngiti sa labi ni Kent nang bumaling siya sa akin. "Boyfriend?" tanong niya kay Jacob ng makipagkamayan siya dito.

Napaawang ang aking labi. Umiiling na sinagot ni Jacob ang tanong ni Kent at nagpatuloy sa pakikipagkamay sa iba pa.

Hinawakan ako ni Jamie sa aking braso. "Gwapo ha," pabulong niyang saad habang nakatingin kay Jacob.

Pinulupot naman ni Theo ang kanyang braso sa bewang ni Jamie kaya naalis nito ang pagkakalupot ng kanyang kamay sa aking braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRWS: The ManipulatorWhere stories live. Discover now