Prolugue:
Define "Bestfriend" yung taong hindi ka iiwan sa bawat segundo ng buhay mo, Kaya kang tulungan sa mga problema mo, Kaya kang ipagtanggol sa mga kumakalaban sayo.
Pero ang iyo iba ang definition ng bestfriend para sayo. Yung gusto mo higit sa kaibigan ang turing niyo sa isa't isa, Nagmamahalan, Nagtatampuhan, Nagaayaw, Nagbabati, Yung ipapakilala ka sa pamilya at barkada bilang girlfriend/boyfriend at marami pang iba. Halos lahat ng gusto mo may connected sa pakikipagrelasyon.
Pero may time na kailangan mong masaktan dahil hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sayo FRIENDZONED kumbaga. at ang pinakamasakit MAY MAHAL SIYANG IBA. Ang sakit pakinggan na may mahal na iba ang taong mahal mo diba samantalang ikaw nagpapakatanga at umaasa na lang at siya naman nagpapakasaya sa mahal niya at nagpapakamanhid.
Mahirap na sitwasyon ay mainlove ka sa bestfriend mo. Lalo na yung hindi ka gusto at may mahal siya iba. Pero yung iba nagiging bestfriend hanggang sa naging sila na. Masaya diba pero yung sitwasyon ng iba mahirap,masakit syempre.
Mahirap rin magtapat ng nararamdaman mo sa bestfriend mo dahil baka mamaya magiba ang tingin niya sayo, Layuan ka, at kung ano ano pa.
Sa storyang ito iba. Kahit anung gawin niyang paraan hindi epektib. Masakit sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya ng taong mahal niya.
Pero hindi siya susuko kahit takbuhin niya manila papuntang mindanao, lumangoy sa pacific ocean papuntang america at kahit masira ang nabuo nilang friendship o magiba man ang tingin sa kanya nito.
Siya si James Marcus San Jose at ang taong mahal niya ay ang bestfriend niya.