Chapter 3.5

71 3 0
                                    

Autumn's POV

OK! Mag stretching stretching muna ako ang bilis ng panahon noh!?! Bukas ay klase ko na so what shall I do, Lubos-lubusin ang panahon ngayon especially ngayong wala na akong panahon upang mag-enjoy na walang iniisip sa next day kundi ang happiness ko lamang, ngunit kong may klase ang iniisip bukas may quiz bah? Kailangan ko ba ng ballpen, ay wag na manghihiram na lang ako. May assignment bah? Masakit tuhod ko ngopya nalang ako... Hhahayzzz... buhay estudyante.

So this morning I am planning to have a little walk. Linapitan ko si Mamang ofcourse dapat tayong lahat magsabi sa ating parents kung saan tayo pupunta, to lessen their worries. Oh diba!?! tama ako, at sa ganoong paraan masisiyahan sila.

I saw mamang cooking because it's almost time for breakfast, nilapitan ko siya and hugged her at the back.

"Mamang, can I go outside just a little walk lang po, alam mo na para ma-exercise ako kasi alam mo na bukas hindi na ako makaka-exercise kasi klase na. So what sige na please." with matching smiley face.

"Ok, but before you go dapat kumain ka muna ng iyong breakfast so call your Papang and tell him to go here because breakfast is ready as soon as both of you arrive, nakahain na ang pinakamamahal na putaheng ginawa ko."

"Ok Mamang, I'll call Papang right away." so hinanap ko si Papang and dragged him to the kitchen hindi pa lamang kami nakakalapit sa kitchen ay naaamoy na namin ang mabangong gawa ni Mamang and I know what it is, it is our family's favorite food.

Kaya yung si Papang na kagigising lamang ay nagging active na like practically he was so energetic and ako naman ay nagactivate na ang mga energies sa body ko.

At alam na namin ni Papang kung anong mangyayari susunod nito at para bang mga runners sinabi ni Papang sa akin.

"On your mark get set I goooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!" at  ayun nag-unahan na kami ni Papang patakbo sa kitchen hanggang nakita na namin ang dining area unahan sa pag-upo at....

"BOOM! Patas na naman ang laban walang nanalo like father like daughter talaga." si Mamang palagi ang judge namin, so ayun as of the record wala pa ring nanalo palaging patas. pumunta si Mamang ulit sa kitchen and Mamang brought the foods at ang paborito naming Chicken with Malunggay o mas kilala sa pangalang Kinamunggayang Manok (ang mga Bisaya kilala ito hi! *waves) ang inihain ni Mamang.

"Let us eat!" sigaw ni Papang na halatang pagod na pagod sa kakatakbo laban sa akin.

Tinabig ni Mamang na kakaupo lamang ang kamay ni Papang na halatang napagod sa kakatakbo. "Hoi magdasal muna tayo bago kumain." Natakot din naman si Papang kaya nagsimula na kaming magdasal matapos naming magdasal ay kumain na kami.

Ang saya-saya ko talaga kapag kasama ko ang pamilya ko parang humihinto ang oras sila lamang ang nakikita ko, sila lamang ang nakakasama ko. I will never ever forget these precious times. And I will never lose them. i love them so much.

"Hoi, Autumn kain na" na-shock ako kay mamang nambibigla ba naman, hahayz. At ayun nagsimula na kaming kumain natapos ang oras na iyon na masaya akong umalis para magjogging but ofcourse before I bid goodbye nagkiss muna ako sa cheeks nila.

And so  lumakad na ako atsaka sinama ko si Ming-ming sorry nakalimutan kung i -introduce ang aking one and only cute little cat na si Ming-ming kasi noong una naming pagkikita ay tinawag ko siya ng napakaraming mga pangalan like Wonder Cat, Cat Girl, Cat Woman, Kitty Cat ngunit neh isa noon hindi siya lumapit. Kaya ginaya ko nalang ang sound na ginagawa niya kaya Ming-ming at wala pang isang second eh!? lumapit na siya sa akin. Aba'y tuwang-tuwa ako sa resulta. Napatalon ako at simula noon tinawag na namin siyang Ming-ming haba ng istorya noh!?

< Sa multimedia ay si Ming-ming >

And so sa aming paglalakad ay may nakita akong isang babae na todo kapit na parang isang linta sa isang lalaki papalapit pa lamang ako ng ma-realize ko kung sino ang lalaking iyon si Travis nga! Nagtataka na ba kayo kung bakit na memorize ko ang pangalan niya, sino ba naman ang hindi makakamemorize sa taong palagi mong nakikita. Nakaka-awa naman siya halatang ayaw niya sa babae kasi nga yung babae ay hindi naman kagandahan. Bigla-bigla ay lumundag si Ming-ming.

"Ming saan ka pupunta, ming!" Oh no! patakbo siya patungo kina Travis at sa babae oh my! And score kasi malapit kasi yung babae sa puno at tinuruan ko si Ming-ming nang proper etiquette na huwag na huwag mag-pee sa loob nang bahay. Halatang nasira ang mukha noong babae atsaka...

"MING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" tumakbo ako patungo kay Ming-ming alam niyo bakit matapos umihi ni Ming-ming ay nasira ang mukha noong babae at kinick niya si Ming-ming si Ming-ming ay nakahiga na sa sahig walang energy matamlay ngunit nakabangon naman siya after ilang seconds.

"That serves you right for ruining my new sandals." sabi noong si Ursula I mean noong linta. Si Travis ayon walang ka-emosyon emosyon. 

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

"Hoi babae! Na kamukha ni Ursula!" -ako

"How dare you!" at tinuro niya ako.

"Hindi how dare you!" -ako

"Sinira ng pusang gala mo ang new sandals ko. Bayaran mo ito."

"Woah! Kung ikaw kaya ang ipakulong ko dahil sa pagkick mo sa pusa ko, alam mo bang bawal yan. Aber!"

"Ikaw kaya ang ihian."

"Hindi mo na sana siya kinick. Tinuruan ko ng proper etiquette ang pusa ko."

"Wala akong pakialam. Makaalis na nga" at umalis na siya.

Tiningnan ko si Travis ayun nakahalumpak na sa sahig dahil sa kakatawa. "Hoi lalaki bakit ka nakatawa diyan." at tinuro ko siya.

"Kasi... kasi.... hahahahha"

"Ano nga?" iritang-irita na talaga ako.

"Kasi nga ikaw... hahahhaha" alam niyo ba ang feeling na gustong-gusto mo na talaga malaman kung ano ang kasunod ngunit yung kausap mo mas pinangungunahan ang kanyang tawa.

"Bahala ka na nga diyan mukha kang shunga!" at aalis na sana kami ni Ming-ming.

"Kasi nga proper etiquette ba yung pusa mo, proper etiquette ba iyong nag-iihi lang kahit saan."

"Ok, fine alis na ako mag-jojogging na ako sama si Ming-ming."

"Pasyal muna tayo." parang bata itong si Travis

"Sorry talagang busy lang ako"

"Basta next time ha!?"

"In your dreams.!" at umalis na ako.

Umuwi na ako to have lunch. At pag-uwi ko ready na ang food.

"I'm home!!!" sabi ko.

"Welcome back anak." sabay sila while preparing the foods.

At ayun nagsimula na kaming kumain ng seafoods. Ang sarap talagang magluto ni Mamang kahit ano napapasarap niya.

"Mamang, Papang punta muna ako kina Aling Bebang matapos kumain kasi gusto ko munang maglaro." todo smile para todo convince sila.

"Ok!" sabay silang dalawa niyan.

"Yehey! Thank you."

Love Leehegi

Thank you guys sa pagsupport nakakaflatter talaga na-aapreciate ko talaga yung mga silent readers thank you talaga yung mga active reader thank you din. Love you all just keep on supporting 'cause that's the only reason why I have the courage to continue thank you ulit. And an endless thank you from me to all of you. Mag-comment kayo ng inyong feeling.

Finding AlistairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon