(FHADGK Fanfic) - Andy.

2.9K 51 51
                                    

Fanfic. :) Andy <3

_________________________________________________________________________________

"Hindi ko alam, Dana.."

Yan na lang ang nasabi ko nung umamin siya sa akin na mahal niya pa si Cyriel. Umiiyak siya ngayon sa harapan ko.. Naluha na din ako. Nasasaktan ako dahil hindi ko pa din pala lubusang naangkin si Dana..

"Andy.. Mahal din naman kita e."

Pinilit kong ngumiti. "Pero mas mahal mo siya.." Hinaplos ko yung buhok niya at pinunasan ang

mga luha niya..

Lalo lang siyang umiyak...

Inisip ko 'tong mabuti bago ko pa man sabihin sa kanya..

"Dana, you know I love you. I will, always. Kahit alam kong simula pa lang, walang papalit sa pwesto ni Cy sa puso mo."

My voice broke..

"M-m-masaya ako na kahit sa sandaling panahon, minahal mo ako.. Ano pa bang mahihiling ko? I'll do anything for you to be happy. Wag mong pigilan yang nararamdaman mo, baka bigla yang sumabog."

Andito kami sa kwarto niya. Nakaupo siya sa kama, ako, umupo sa may sahig, sa paanan niya..

Nilagay ko na yung dalawang palad ko sa mukha ko. Isinandal ko na yung siko ko sa tuhod ko.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Andy.." Hinimas niya yung likod ko...

"I'm sorry..." Sabi niya. Shit. Ayoko ng ganito e. Para akong pinupunit paunti-unti. Hinawakan ko yung isang kamay niya. Habang yung isang kamay ko, asa mukha ko pa din. Hindi ko gustong ipakita na nasasaktan ako pero f*ck, ang sakit talaga e. Worse pa dun sa unang heartbreak. Ganito pala. Matindi pa sa namatayan..

Niyakap niya ako from behind at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko..nagulat ako sa binulong niya..

"Can I still have you? Pwedeng mahalin mo pa din ako? 'Wag mo 'kong iwan?.."

Hindi ako nakasagot...

"Andy..."

Umiling ako..

"Andy..." tapos umiyak nanaman siya..

"Dana, I won't settle for anything na hindi buo.. sinubukan ko naman e.. tignan mo kung asaan tayo ngayon"

Tuloy tuloy na yung pag-iyak niya..

"Alam mo ba kung ano yung hinihiling mo sakin?"

Hindi ko na talaga mapigilan yung mga mata ko sa patuloy na pagluha.. Tumayo ako at tumabi na sa kanya.. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat..

"Hinihiling mong mahalin lang kita.. Pero bakit pa? Hindi mo ba nararamadaman? Ever since, yun na yung ginagawa ko.."

"Hindi, Andy.. I--I'm a-a-as-asking you to hold on to me.. to us.. Siguro nga mahal ko pa din siya pero ayoko na Andy.. ayoko na.. ayoko na sa kanya.."

Niyakap ko na siya.. Ano bang gagawin ko? For Pete's sake andito ang babaeng pinakamamahal ko..may ibang mahal pero gusto pa din ipagpatuloy kung anong meron kami..

Dahan dahan kaming humiga.. tinitigan ko siya at pinunasan ang mga luha niya.. I kissed her.. she smiled...

"I know I'm good at it and it's the only thing that can make you smile for now." I said bitterly..

Ngumiti lang siya at yumakap sa akin..

"Do you still love me?" Tanong niya sakin..

"Andrei Louie.." Tinawag niya pa buong pangalan ko. Lalo akong nanghihina..

"Dana, hindi naman nababawasan yun e. Hindi din nagbabago at hindi magbabago."

"Bakit?"

"Tanong ba yan?"

"Sige naaaaaa.."

"Wag mo kaming ikumpara ni Cyriel, Dana. Kaya kitang mahalin kahit hindi ko na kaya."

Umiyak nanaman siya.. "I'm sorry.."

Ang daming tumatakbo sa isip ko.. Pano kung magpatuloy lang kami? Kailan niya ako matututunang mahalin? Hanggang saan pa ang kaya kong ibigay?

Niyakap ko lang uli siya..

"Dana, sabihin mo lang, pakakawalan na kita.." Bulong ko. Masakit mang magpatalo pero kung lagi namang ganito, wag na lang.

"Ayoko Andy.. Ayoko.."

"Ayoko ding maging manhid sa kung anong nararamdaman ko Dana.. Kailangan nating maghiwalay..That's the best way to gauge ourselves. Pero tandaan mo, ang pag-ibig, hindi yan parang asukal na tinitimbang at hindi din yan distansya na sinusukat.. Posibleng may dalawa kang mahal at totoo ding dalawa kaming nagmamahal sa'yo pero sa ganitong sitwasyon, isa lang ang kailangang masaktan..

Humarap ako sa kanya..

..at handa ako doon"

Hinalikan ko siya sa noo.. Tumayo na ako at nagpaalam.. Hinila niya yung kaliwang kamay ko.. Tinignan ko siya..

"Don't worry.. kung ano man yung sagot mo, handa na akong tanggapin. Hihintayin ko yung araw na desidido ka na" Ngumiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit bago ako umalis.. baka ito na din kasi ang huli.

Naglakad na ako palabas ng kwarto niya. Sinara ko ang pinto.. Nilabas ko ang phone ko at nagtext..

To Dana: Remember, I love you. :) Whatever happens, it won't change. :) So smile. :D It hurts to see you like that. Wag kang umiyak. Papangit ka. :) Good night! I'll see you when you're ready. :D

At bago pa man ako tumuloy sa bahay para mag.. ewan ko mag muni muni siguro.. tatawagan ko muna siya..

*Calling*

Sinagot niya.

"Hello?"

Takang taka siguro to.

"Cy, bibitawan ko na.. hablutin mo na agad at wag mong pakawalan"

With that, I ended the call and went straight home crushed.

(FHADGK Fanfic) - Andy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon