Chapter 3

7 0 0
                                    

Blare POV

*yawn* nagising ako ng maaga dahil ayaw kung malate, kahit second day pa lang naman, baka kasi may terror na teacher haha, dumeretso na ako sa banyo upang maligo

*ligo..ligo..ligo*

*bihis...ayos..suklay..**

Ayan tapos na ako, bumaba na ako upang kumain ng agahan ng maabutan ko si nay melda sa kusina

"goodmorning nay" bati ko sa kanya sabay yakap

"asus! Good morning rin, Nanlalambing ang alaga ko, anung gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin. Siya kasi yung nag alaga sa akin mula bata pa ako at si nanay celia naman kay casimir

"tinapay na itlog po yung palaman at milo po nay" pagkasabi ko nun ay umalis na siya para gumawa, habang hinihintay ko siya ay nagtwitter muna ako,pag open ko ay nakita ko yung tweet ni drake sa akin

@drakkyyy: @BlareAthena at dimo sinabi na dumating kana

@drakkyyy: @BlareAthena akong pasalubong😔

Hahaha mareplyan nga

@BlareAthena: @drakkyy bat dimo tinanong si @LuckyCasimir😂

Pagkatapos ko replyan ay nag scroll ako at sakto namang dumati yung pinagawa ko

"hindi ka ba kumakain ng kanin sa umaga anak?" Tanong ni nay melda sa akin pagkalapag niya ng tinapay sa harap ko

"hindi po nay eh, sanay akong milo at tyaka tinapay, kahit doon po" sagot ko naman, tumungo na lang siya at umalis, ako naman ay kumain na lang ng pinahanda ko

"bat ang aga mong nagising?" Tanong ng kakapasok na si casimir

"trip ko lang bwal ba?" Inirapan lang niya ako sabay tawag sa katulong para mag pagawa ng pagkain niya

"sasabay ka sa akin ngayon" aba himala ang isang to ah

"anong nakain mo at naisipan mong isabay ako?" Haha tamang tama kasi tinatamad ako mag drive

"si Dad" maikli niyang sagot, akala ko naman naisipan niya talaga akong isakay, hindi na lang ako sumagot at tumngo na lang.

Pagkatapos ko kumain at umakyat na ako sa kwarto upang magtoothbrush at mag ayos, paglabas ko sa kwarto ko ay sakto namang lumabas si casimir sa room niya kaya sabay kaming bumaba, naunang pumunta sa garahe si casimir samantalang ako ay nagpaalam pa kila nay celia at melda bago sumunod sa kanya
------------
Pagka park ng sasakyan ay bumaba na ako pero andaming babaeng nakatingin sa akin sabay bulong bulong'an, diko narin pinansin, bumaba naman si Kambal sa saksakyan at sabay na kaming pumasok sa hallway, habang naglalakad kami may narinig akong nagbubulungan

"Ang kapal ng mukha niya"

"Tama! Sino ba siya at sumakay siya sa kotse ng prinsipe natin"

"Kay bago bago, anlandi na agad"

Kunti pa lang yan ah! Akmang papatulan ko ng pigilan ako ng kakambal ko, naghiwalay lang kami ng demertso ako sa room at sya naman aa tambayan ng mga kaibigan niya.

Pagdating ko sa room halos lahat sila tumigil sa ginagawa at tumingin sa akin, diko na lang pinansin at naglakad na papasok pero bago pa ako makarating sa upuan ko ay hinarangan naman ako ng tatlong clown (ohgosh😱 binabawi ko na ang kasabihan kung lahat ng tao ay maganda, kasi ang nasa harapan ko ay mukhang ewan😅✌️)

"Sino kaba sa inaakala mo?" C1

"At may gana ka pang sumabay kay prinsepe casimir" C2

"Kay bago bago mo alam mo ba yun? At lumandi ka na!" C3

Diko na lang sila pinasin at lalampasan ko na sama sila ng bigla naman hinawakan ng isa ang kamay ko

"Kapag tinatanong ka! Matotoo kang sumagot!" C2

"At wag na wag mo kaming tatalikuran kapag kinakausap ka namin!" C1

"Sino ba kayo para pagsabihan ako? Atyaka inggit lang ata kayo eh!"

Bitch mood na ako, nakakainis sila eh

"sinong nagturo sayo na sagot sagutin mo kami?!" C3

"Hindi bat kakasabi niyo lang na sumagot ako sa mga tanong niya at ngayong sumagot ako ganyan sasabihin niyo, psshh utak niyo po asan?!" Diko na control ang sarili ko kaya nasagot sagot ko sila, akmang sasampalin ako ng mas matangkad sa kanila ng bigla namang may nagsalita

"Ni lamok nga di naman pinapadapuan sa knya, kamay mo pa kaya?" Pagtingin ko sa nagsalita ay sila kambal at ang mga kaibigan niya

"Tama!" Pagsisingit ni drake

"Eh prince, nabalitaan naman na sumabay siya sayo at sumakay pa sa kotse mo" paliwanag ni C2

"Ano namang pake alam niyo kung sumabay siya sa kambal niya?" Sagot na pabalang ni Dustin

"What?! Wait! Siya ba yung kakambal mo Prince Casimir?" Nagtatakang tanong ni C3, tumungo naman ang apat

"Siya ba si Blare Athena Ramirez?" Tanong bigla ni C1

"Tanga ka ba? Alangan naman na siya si Blare Athena Ramirez na kakambal ni Kevin Lee" sulpot naman bigla ng babae na si Mia sa usapan kasama niya si Xyla ng bigla na namang may mag salita sa likod ni Xyla

"Oh anyare dito? Bat kayo naka tayong lahat?" Tumingin lang kami sa knya at nag si upuan na

Past Is FutureWhere stories live. Discover now