Chapter 16

2 1 0
                                    

Diko alam kung kaya ko pa ba harapin si Blake pag uwi ko ng pinas, eto naman kasing Jace kung anu ano pinopost ahyts diko na alam gagawin ko bahala na nga

"Hoy bat parang problemado ka jan" sigaw ni Xyla nung pumasok siya sa kwarto ko

"Wala iniisip ko lang yung project natin" sagot ko naman sa kanya, sasabihin ko na lang mamaya sa kanilang dalawa

"Oo nga pala muntikan ko nang makalimutan haha, buti na lang kasama ko si Mia" napasimangot naman ako

"ka group mo si Blake diba?" inirapan ko na lang siya bago dumapa sa kama, tatanong tanong alam naman niya sagot

"Asan ang mga bata?" iniba ko na lang ang usapan

"nasa baba dumating yung kuya mo at ang asawa niya" sagot naman niya bago humiga sa tabi ko

"Eh si Mia asan ba?" tanong ko ulit

"Nasa may kusina tumutulong ata magluto" tumayo na ako at iniwan siya doon.

Pagka baba ko nakita ko sila kuya at ang mga bata nanonood ng disney channel, kaya tumuloy na lang ako sa kusina

"Oh Blare anong gusto mo kainin?" tanong bigla ni ate czy

"Kahit ano na lang jan ate, kayo na bahala" sagot ko bago ako umupo, habang tumutulong sa ibang lulutuin si ate czy sa mga kasambahay, si mia naman ay abala sa pagtikim ng linuluto ng isang kasambahay.

Habang busy sila sa pagluluto nag cellphone na lang ako, binuksan ko ang IG ko at nakita kung maraming comment at like yung pinost ni Jace, in off ko kasi yung notification ng IG ko kaya walang nag notif sa akin ng like at comment tyaka lahat ata ng social media naka off notif except sa facebook ko na hindi naka off, ayoko kasi ng tunog ng tunog ang cellphone ko, binabasa ko ang comment ng bigla kung makita yung comment si Drake

@quinesdrake
"Wow may hawig yung batang babae kay Blake"

Paano ko ba idledlete to eh nakita naman nang karamihan, gunggong tlga si Jace nakakainis! Pag nakita ko tlga yun sasapakin ko! Bat kasi dina lang siya naiwan sa U.S naku naku!

"Blare tawagin mo na sila at kakain na tayo" tumayo na at naglakad papuntang salas, ganun parin ang naabutan ko nanonood parin sila pero ngayon nasa single sofa na si xyla

"Kakain na tayo!" sigaw ko sa kanila kaya naman tumayo na si kuya, nag ssshhh sign ang dalawang bata at si xyla naman sinamaan ako ng tingin

"Mommy ang ingay mo" nakasimangot na sabi ni yen at nagtataka naman si Kurt kung anong sinasabi ng kapatid niya kaya lumapit na lang ako sa kanila at pinanggigilan ko ang mga pisngi, ang cute kasi parang siopao hahaha

"Come on let's eat" naintindihan ni kurt kaya humawak na siya sa kamay ko at binuhat ko naman si yen papuntang kusina

"Bat binuhat mo pa yan eh matanda naman na" sabi ni kuya ng makitamg buhat buhat ko si yen

"Tito I'm still a baby! I'm not that old" nagtawanan na lang kami, umupo na ang dalawa at inasikaso ko na ang mga kakainin nila

Past Is FutureWhere stories live. Discover now