Paano Nga Ba Ha?

14 0 0
                                    


Kapag tinapos mo ang lahat sa atin ngayon

Paano nga ba ha? Kung gayong bulong lang ng kaepokritohang-

handa ka na sa paglisan, sa paghakbang

papalayo sa mga pag-asam na, maging tayo ulit

na maging magkalapit muli ang ating mga damdamin

Kahangalan? Kahangalan ba ang umasa?

ang maghangad muli ng langit sa piling ko?

Paano mo nasabing, ako ay sumuko na?

Samantalang ikaw ang nagpasyang lumayo

Ang layuan ang isang tulad kong hinamak din ng paninibugho

sa mga sandaling yakap at usal ng mga labi ko-

ang mga pinagdaanan nating pilit mong isinasantabi?

Ikaw ba o ako ang hangal?

Marahil, pareho tayong nagmamalaki lamang

Parehong nabubuhay sa ating mga nakaraan

Ang noon nating tayo ang pinakamaligaya

Ang noon nating puno ng pangarap

Ang noon nating tayo lang dalawa ang humihinga

ang may malusog na isip at pusong bumubuo ng bukas.

Oo, bukas tayo at tayo parin ang magkasama

Bukas na tayo ang nagpasyang hindi magkakahiwalay.

Hindi tadhana ang maglaan para tayo'y paglayuin

Kundi tayo, tayong hindi naging matatag.

Ang tayong hindi nag-aksaya ng panahon-

para buohin muli ang mga sandaling balot tayo ng pagmamahal,

pag-unawa at tiwala sa isat-isa na walang makahahadlang-

sa ating kasiyahan, sa ating makulay na pag-iibigan.

Hindi ka na sana laging nagsusumbong sa buwan

at nanghihingi ng simpatiya sa mga talang maniningning

at ako rin na laging ramdam ang lungkot mo't paninimdim.

Paano mo nga ba tatapusin sa gabing ito ang lahat sa atin?

Paano? H'wag kang pasisiguro!

Hangga't may mga ngiti sa labi ko....na lagi mong tinatanaw.

ni: Ligaw Makata'81
:)
Excerpt Comment sa spokenword poetry ni SiangMakata titled: "Kapag Tinapos ko Ang Lahat Sa Atin"

Thoughts, Emotions, ImaginationsWhere stories live. Discover now