Chapter 1

7 1 0
                                    

"Bella! Gising na! Andiyan na sa baba si Max!" Agad naman akong napabangon.

"Oo ma! Teka lang"
Agad akong naligo at nagbihis at bumaba.

"Oh Max? Kanina ka lang? " Tumango naman ito at lumabas, hudyat na lalabas na rin ako

"Sungit naman , "pumasok naman ako sa kotse niya

Ako nga pala si Bella, Herabella Garcia . Kababata ko tong kasama kong asungot nannagdadrive ngayon si Max, Killian Maxwell Fuentebella. 17 ako , 19 naman itong mayamang driver ko ngayon. Paano kami nagkakilala? Best friends ang mama ko at mama niya, mayaman nga lang ang napangasawa ni tita Kyla at si ang papa ko naman ay tama lang, hindi mayaman , hindi naman mahirap. Ewan ko , pero kahit minsan lang nagsasalita tong asungot nato , lagi naman kaming magkasama. No choice naman kasi eh yun lagi ang sinasabi ni tita at mama na dapat daw magkasama kami lage.

"Hera. Wake up" agad akong nagmulat. Nakatulog pala ako sa byahe

"We're here, we're already late. Hurry up"
Tila naiinis nitong sabi. Agad naman akong lumabas sa kotse niya at sumunod naman ito.

"Sige Killian punta na ako sa room namin"
Hindi kami magkaklase , ahead siya ng One year sa akin . 4th year ako at 1st year college naman siya. University kasi itong paaralan namin, may high school at college na. Actually, Sila ang may ari ng University na ito. Hindi nga lang pinaalam sa iba upang mapanatili ang katahimikan niya dito. Ang lolo niya talaga ang namahala nito si Don Teodore.
Fuentebella University ang name ng school namin.
Ohmygosh nasa room na pala ang prof namin.

"Good morning, maam" bati ko dito

"Good morning miss Garcia, pasok ka"
Mabuti naman mabait tong si Miss Andres. Agad akong pumunta sa aking upuan at nakita ko naman ang kaibigan ko.

"Hi bes, bakit ka late?"
Tanong nito

"Puyat ako kagabi." Sabi ko naman

"Pinuyat ka ni Mr. Fuentebella?" Tanong nito na may nakakalokang ngiti.

"Gaga hindi nuh. Kaibigan ko lang iyon"

"Aysus , deny pa" ani nito, inirapan ko naman siya.

Pagkatapos dalawang subject naman ay recess na kaya agad naman kaming pumunta sa cafeteria, gutom na gutom na talaga kasi ako. At pagdating namin ay agad kong hinanap si Max.

"Bes, ayun si Max oh" turo niya sa bandang kaliwa ng Cafeteria. Nakita ko itong kasama si Luke at isang babaeng maganda hindi ko ito kilala, para itong model ng Victoria Secret, pagtingin ko kay Max , nakatingin ito sa babae na parang may gusto ito rito. Kumirot ang aking dibdib.

"Nagseselos ka niyan , Bes. Sus! Maganda ka pa diyan" sabi nito

"Sira ka! Hindi nuh. Lika punta na tayo sa kanila"

"Uy! Aria , Bella!" -Luke. Napatingin naman si Max sa amin at ang babaeng katabi nito.

"Hi Luke, sino tong babaeng kasama niyo?" Tanong ni Aria sa kanila

"Ah si Zoe, pinsan ko galing America. Transfer na siya rito" Ah , kaya pala parang di pamilyar mukha niya. Kinain ko nalang ang bread na binili ko at hindi na nagsalita. Ewan ko nawalan ako ng gana.

"Tahimik mo bes" bulong sa akin ni Aria

"Ah. Wala masakit lang ang ulo ko" tumingin na lang ito sa akin na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Pero tumango naman ito.

"Ahm, Max . Pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin mamaya." Sabi ni Zoe na bagay sa Zoo. Tumingin sa akin si Max.

"Ah, Max. Ihatid mo nalang si Zoe . May gagawin din kasi kami ni Aria"
Tiningnan ko naman si Aria at nilakihan ng mata

"Ah-Oo Max tama siya" tumango nalang si Max

"Okay Zoe, ihahatid kita" kaswal na sabi nito at ikinasakit naman ng damdamin ko.

•••••

"Oh anak bakit parang hindi ka hinatid ni Killian"
Napatingin ako sa mama ko

"Ah-eh ma, hayaan mo na yun. Dumidiskarte lang yun sa bagong chick sa paaralan namin"

"Ano? Aba bago yan eh. Bukod sayo wala nayong sinasamahang ibang babae" umupo naman ako sa sofa namin

"Syempre naman ma. Binata na sya. Malay mo baka bukas ako naman ang may manliligaw."

"Aba anak, bago may manligaw sayo dapat ligawan na muna niya kami"

"Grabe naman ma"

"Aba dapat lang. Ay anak tumawag ang papa mo kanina. " ay oo nga pala . Ang papa ko ay isang aircraft mechanic. Nasa USA siya ngayon. Isang beses lang syang umuuwi sa amin kada taon.

"Oh ano sabi niya ma?"

"Kinamusta tayo. Tapos ano daw gusto mong pasalubong?"

"Ay. Siya na po bahala ma" ngisi kong sabi nito at agad naman akong pumunta sa kwarto ko.

•••••
"Hay nako Killian, itext mo naman ako oh"
Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa iPhone ko.

"Ano ba, ano ba Bella . Matulog ka na nga lang."

"Baga niligawan na niya yung babaeng hilaw"

"Ahhh! Ano ba Bella bakit mo kinakausap sarili mo. Baliw ka na ba?"hayy. Agad naman akong humiga at natulog. Sana sunduin niya ako dito bukas.

*******
First

Uy! Crush Kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon