HeY GuYs! :-)
Its my first time writing on Wattpad!
Maikli lang ito pero sana ma-appreciate niyo. HeHe :-)
*********
"Hannie!" napatigil ako sa paglalakad. Kahit kailan talaga ang lakas ng boses netong si Darryl. Napatingin tuloy yung ibang mga estudyante sa kanya.
"Ang kulit mo din ano?! Sabi na ngang hindi ko gagawin yun eh!"
Nakakainis talaga 'tong bestfriend ko na to! nung isang araw niya pa kasi akong pinipilit na ibigay ko daw sa crush niya yung sulat na ginawa niya. Eh anong magagawa ko? mahal ko siya eh! masakit na ngang may gusto siyang iba mas masakit pa lalo kung ako yung magiging daan kung paano sila magkakatuluyan if ever. Ni hindi ko nga inaalam kung sino yung mystery girl eh. Sa tuwing susubukan niyang sabihin ay nagwa-walk out na agad ako.
Bitter. >_<
"Eh sige na best! Promise hindi na kita kukulitin after this!" nakanguso pa ang walangya.
Hangkyut niya! :-)
"Fine! Pero hindi ako ang magbibigay! Akin na yung sulat" labag man sa kalooban ko, sino ba namang makakatiis sa sobrang poging Darryl Fortalejo na ito?
"Yes! Thank you so much Hannie babe!" inabot niya saken yung sulat. Nag-blush ako nung niyakap niya ako.
Hannie BABE?! ^_^
"Ehem?! Baka langgamin kayo diyan?" tatawa-tawang lumapit sa amin si Kaila, my other bestfriend.
Pinandilatan ko siya.
"Mauna na kami Darryl! may tatapusin pa kasi kaming project!" pulang-pula na ang mukha ko. Hinila ko na palayo si Kaila bago pa man makareact si Darryl.
"Project? May sarili ka bang klase?" tatawa-tawa pa rin ang loka-loka.
"HeH! Tumahimik ka na nga lang! Ang wrong timing mo talaga kahit kailan!"
"Hay Naku! Johannie Kristin Rivera! Kung sinasabi mo na lang kasi kay Darryl yung tunay mong nararamdaman eh di happy happy! Di ba?!" dumiretso na kaming dalawa sa isang fastfood chain at umorder na ng makakain. We settled sa isang couch.
"Alam mo naman kasing hindi pwede di ba? Best-"
"Bestfriend lang ang turing niya sayo?" pinutol niya ang sasabihin ko, "For Pete's sake! Can you please come out of your comfort zone?! What if gusto ka rin pala niya?! Its better na sinabi mo kahit masaktan ka kesa you did nothing at all!"
Napayuko ako.
"Yun na nga eh, he likes someone else, in fact pinabibigay niya itong sulat na ito para sa taong yun" inabot ko sa kanya ang sulat.
Tinignan lang ni Kaila ang sulat at humarap sa akin, "Dahil dito susuko ka na?! For six years since highschool hanggang ngayon na college na tayo nagtiis ka tapos ganito?! Kung alam ko lang na sulat lang ang makaka wakas sa kahibangan mo eh di sana nung una pa lang nagimbento na ako!"
Tumaas na ang boses niya, napayuko tuloy ako lalo.
"Ano naman bang laban ko sa babaeng yan? Sigurado naman akong wala pa ako sa kalingkingan niyan kahit hindi ko pa siya nakikita.Ano bang magagawa ko?"
"Hannie, hindi mo ako matatawag na bestfriend kung sa simpleng mga love problems na ito ay hindi kita kayang tulungan!" hinawakan niya ang mga kamay ko, "I swear with all my heart that I'll make sure na masasabi mo ang feelings mo kay Darryl that will knock him off his feet!"
And for the millionth time in ten years, I was glad I met Kaila Esguerra. My bestfriend in the world!
BINABASA MO ANG
Love Letter
Short StoryAnong connect ng isang Love Letter sa story ng love life ko? Secret! :-) Read it to know! All I know is, it is not the typical love story na nakikita at nababasa niyo! _Hannie_♥