Pag-amin?

62 1 0
                                    

"Are you sure this is a good idea?" kinakabahang tanong ko kay Kaila. Papunta na kami noon sa classroom nina Darryl. After a day nung nagusap kami, naisip niya na mas maganda kung ganito na lang kasimple ang lahat at wala nang paligoyligoy pa.

"Yes I'm sure!" pangiti-ngiti pa ang loka-loka. Hindi niya ba alam na halos lumabas na yung puso ko sa kaba?

"Baka kasi ano.."

"Ayan ka na naman Hannie eh! Basta! kung tanggihan ka niya just run to me nasa labas ako ng building sa bench, ok? Sige! Bye!"

Hayyy! I'm all alone na para gawin ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin. Kinuyom ko ang panga ko at huminga ng malalim. Architecture ang kinukuha ni Darryl kaya nakita ko kaagad ang room niya. Ang laki kaya ng sign. Nasa labas ang ibang mga estudyante. Wala ata silang professor.

"Excuse me?" kinalabit ko ang isang gwapong chinito.

"Hey!" nginitian niya ako, "You're Hannie right?" tumango ako. Pano ako nakilala neto?

"I'm Kevin" nakipagkamayan siya saken, "Kaya pala lagi kang nababanggit ni Darryl ang ganda mo pala talaga!" nagblush ako dun ah! Wait! .. Laging nababanggit ni Darryl?!

"Ah.."

"I'm pretty sure siya ang hinahanap mo, he's inside" tinuro ni Kevin ang pinto kaya dumiretso na ako dun. Pagbukas ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May nakaupo sa lap niyang babae! Napaawang ang bibig niya nang makita ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat kaya't tumayo siya kaagad.

"H-Hannie! anong ginagawa mo dito?!"

Hindi na ako nakapagsalita. Tumakbo na ako papalabas ng building. Narinig ko siyang tumatawag sa akin pero hindi ko siya nilingon. Sumunod siya saken. Masyadong masakit para saken yung mga eksena. Dumiretso ako sa bench kung nasaan si Kaila at niyakap siya. Bumuhos lahat ng luha kong kanina ko pang pinipigil. Hindi na siya nagtanong. Alam kong nagets niya kaya mas niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hannie!" hingal na hingal na lumapit sa amin si Darryl, "Bakit-" napatigil siya sa pagsasalita nang makita akong umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong niya.

"Wala ka na dun!" inirapan ko siya, "Halika na Kaila!" hinila ko na ang bestfriend ko.

"Wait! if this is about dun sa girl wala-"

"Hindi yun tungkol sa kanya!" pinutol siya ni Kaila.

"Ano ba talagang problema Hannie? pupuntahan mo ko tapos bigla kang magwa-walk out sa nakita mo! Tell me please!"

Nilayo ko ang tingin ko sa kanya. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"May sasabihin lang sana ako sayo, yun lang yun" halata sa mukha niya na hindi siya satisfied sa sagot ko.

"Ah .. ano ba yun?"

"K-kasi a-ano .." kasi ano?! kailangan kong magimbento, "Yung sulat! ipapabigay ko na sa kanya mamaya! ayan si Kaila! itext mo na lang sa kanya kung sino at anong course!" at nagwalk out na ako. Tuloy tuloy pa rin ang pagiyak ko.

Bwiset ka Darryl Fortalejo!

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon