Sinabi Mo?!

25 1 0
                                    


Isang linggo akong di pumasok magmula nung nangyari sa amin yun ni Darryl. Tinatawagan niya ako pati na rin ni Kaila at iba ko pang mga kaklase pero di ko sinasagot. Tinatadtad din nila ako ng text.

*Hey Hannie babe! Ba't di ka pumapasok?!

*Uyy!! Best!! pumasok ka na! miss na miss na kita!! Uwaaa!! :-)

Napangiti ako. Kahit kailan talaga si Kaila.

*Hannie Babe!  Magusap tayo!

*Best! Sorry na kung pinilit kitang gawin lahat yun kahit alam kong masasaktan ka lang!

"Hannie babe mo ang mukha mo!" tinapon ko ang cellphone ko sa kama. Makaligo na nga lang. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Maga ang mata ko kakaiyak. Magulo ang buhok na parang hindi nagsusuklay at malalim na ang eyebags ko. Naiidulot talaga ng pagibig!

"Hannie, anak! May naghahanap sayo!" narinig kong tumawag si Mama mula sa sala.  Sino naman kaya yun?!

"Sige po!" Inayos ko ang sarili ko para naman hindi ako mukhang tanga pag humarap sa kung sino mang bumisita saken. Dumiretso na ako sa baba.

"Beesssttt!!" hindi pa ako nakakababa sa last step ng hagdan ay tumakbo na kaagad si Kaila para yakapin ako, "Ang pangit mo best! haggard ka!" tatawa-tawa pa ang shunga.

"Harhar! So pumunta ka lang dito para pulaan ako?"

"Hehe! Hindi best! na-miss kita! pumasok ka na kasi!"

"Oo na! Huli na ako sa mga topic sa school!' umupo kami sa sofa.

"Uhm Best .. Si Darryl nga pala .." parang nagaalinlangan si Kaila na sabihin saken pero nakinig ako, "Ilang araw niya na akong kinukulit na tulungan siyang makausap ka gusto niyang makipagkita ka sa kanya sa may gate ng school mamayang hapon"

"Ano namang paguusapan namin? wala namang nangyari ah?! umiyak lang naman ako at wala akong nabanggit sa kanya!" ayan na naman si ako! bitter ampalaya na naman!

"Eh kasi ano best ... di ko sinasadya na ano! .." parang may LBM 'tong babaeng 'to! HaHa! nerbiyos na tumatawa.

"Na ano?" pinigil ko ang tawa ko. HaHaHa!

"N-nasabi ko kay Darryl eh!"

Nalaglag ang panga ko!

"Sinabi mo?!!!!" hysterical kong tanong sa kanya. :O

"Nadulas lang naman ako eh! Sorry!" yumuko siya, "Ang nasabi ko lang naman ay yung tunay na dahilan kung bakit ka pumunta sa room nila nung time na iyon!"

"Kahit na!! Nalaman niya pa rin!! Ano nang mukha ang ihaharap ko dun?!!"

"Isang mukhang nagmamahal!" aba! at kumindat pa ha!

"Che! Kung alam ko lang eh di sana ako na mismo ang nagsabi sa kanya nung mga oras din na yun! at ang masama sayo pa nanggaling!" May sumpa ba ako?! HuHu! puro kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay ko!

"Actually, I did you a favor kahit papaano at least di ba hindi mo na poproblemahin kung paano sasabihin sa kanya?!"

Kaila's right. Pero paano na ito?! Magbago kaya ang tingin ni Darryl saken?!

One thing's for sure, wala na akong takas dito.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon