Mabigat ang mga paa kong tinahak ang daan papunta sa gate ng school. Napagdesisyunan ko nang harapin si Darryl kaya't pumasok na ako. I'm pretty sure na kaya niya ako gustong makausap ay dahil gusto niyang ipaliwanag saken yung tungkol sa babaeng pagbibigyan niya ng letter na ngayon ay mahigpit kong tinatangan. Hinanda ko na ang puso ko pati ang teinga ko sa mga maaari kong marinig mula sa kanya.
Hindi pa man ako nakakalapit ng lubusan ay natanaw ko na siya. Nakita niya rin ako at nakangiting kumaway sabay takbo papalapit saken.
"Hannie! akala ko wala ka nang planong siputin ako! I missed you so much!" niyakap niya ako ng over sa higpit.
Namiss din kita sobra Darryl. Yung amoy mo, yung ngiti mo, lahat lahat! Pero hindi ko iyon pinahalata tumayo lang ako na parang tuod.
"I .. uhm .." kinagat ko ang labi ko. kumalas siya sa akin at tinitigan ako hinihintay ang sunod kong sasabihin.
"P-pumunta lang ako dito dahil gusto kong sumama ka sa pagbibigay nitong sulat na isang linggo na sa bag ko" yumuko ako.
Bumuntong-hininga siya, "I want to hear it from you Hannie" seryoso ang mukha niya.
"H-Ha?" ano daw?!
"Alam kong alam mong sinabi saken ni Kaila na gusto mo ako, I want to hear it from you" hinawakan niya ako sa magkabilang braso.
"H-hindi k-ko alam yan!" kinakabahan ako I always get this feeling whenever he's around.
"Gusto kong malaman kung totoo nga! Kung parehas talaga tayo ng nararamdaman!" napatulala ako sa kanya. Mahal niya ako?! Nagwala na ang puso ko! All my life I've waited for this moment.
"A-ano?!"
"Alright! Fine! Mahal na mahal kita Johannie Kristin Rivera mula pa nung highschool tayo! I admit naging torpe ako! and yung girl na nakita mo sitting on my lap? Si Charmaine yun obssessed siya saken nagulat ako nung bigla na lang siyang umupo sa lap ko"
Nagtitinginan na saamin ang mga estudyanteng dumadaan. Napangiti ako. Pero I remembered something kaya kumunot ang noo ko. Bigla akong nainis.
"Eh gago ka pala eh! Susulat ka sa ibang babae and then sasabihin mo na mahal mo ako?! Are you even a human being?! Pinaglalaruan mo ba ako?!" magwo-walk out na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko.
"I want you to open the letter in front of me Hannie, pwede mong punitin after you read it"
Lumunok ako, "Pero para-"
"It doesn't matter anymore ayaw niya saken" malungkot ang mga mata niya.
Kahit inis na inis na ako sa kanya ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Isang gwapong katulad niya tinanggihan? Pero na-confuse ako sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang sulat. Saglit niya akong pinigilan, "I just want you to know that I meant every word I said" and with that, he walked away. Lalo akong na-confuse.
Nang mabuksan ko ang sulat ay hindi ko na napigil ang mga luha ko.
To My One and Only Love,
Hannie Rivera ..
P-para sa akin ang sulat?!
All along para sa akin?! Kaya ba araw araw niya na lang akong kinukulit about dun?!
Dear Hannie babe,
I know na writing a letter for the person you love is just too .. you know .. old-fashioned but I wrote it anyway. More than six years tayong naging magkaklase pero ngayon lang ako nagka-courage to tell you how much I love you. I know! Torpe ako! Baka kasi hindi na maging maayos ang samahan natin eh, pero I'm taking the risk. Sabi nga nila, it is better to have loved and lost than never to have loved at all. Hindi ko din alam pero sayo ko lang nararamdaman yung fear at kaba. I Love you so much Hannie! I don't know kung paano ako mabubuhay ng wala ka.
Love,
Darryl Fortalejo
~For Love is a battle to win and to die for ..
I'm willing to do anything for you to prove myself ..
Nanginig ang buong katawan ko. I need to get to him. Mabilis akong tumakbo. Sana hindi pa siya nakakaalis! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mas wild pa kesa noon.
Naabutan ko si Darryl na pasakay na sa kotse niya.
"Darryl babe!" lumingon siya at abot teinga ang ngiti.
"Babe?" tatawa-tawa ang mokong.
"May sasabihin pa ako" iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"What is it?" tumaas ang kilay niya pero nakangiti pa rin.
"Wala! Nevermind!" pakipot pa ako!
"Say it please?" nag-puppy eyes siya.
"Okay! Fine! I Love you too Darryl Fortalejo! Totoo lahat ng sinabi ni Kaila na-"
Hindi na niya ako pinatapos. Hinalikan niya na ako. ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/12121284-288-k185615.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Letter
Short StoryAnong connect ng isang Love Letter sa story ng love life ko? Secret! :-) Read it to know! All I know is, it is not the typical love story na nakikita at nababasa niyo! _Hannie_♥