Kinabukasan →

64 1 0
                                    

"Pag bestfriend, bestfriend lang wag na mag hangad pa ng iba."

Minsan hindi mo kayang pigilan ang nararamdaman mo, lalo na sa taong lageng nanjan, lageng nag papasaya sayo ..

Ano ba magagawa ko simula nung mga bata pa lang kami siya na talaga ang gusto ko, hindi ko lang maamin dahil alam kong iiwasan niya lang ako.

*Kinabukasan

Michelle's POV

Dito na ako dumiretso sa gym ng school namin, may game kasi sila romeo ngayon. Ayaw nga niya ako manood e, kasi may klase pa kame kaso siya excuse at ako? Cutting! Ang boring naman kasi dun pag wala siya e.

"Ang galing mo Romeo!! Waaaa Mahal na mahal talaga kita!!!!!" Girl1

" Wooo! Ang galing mo Papa Romeo!!!" Girl2

"Pakasal na tayo Romeo!" Girl3

Mga sigawan agad ang narinig ko. Nag sisimula na kasi yung laban nila sakto lang ang pagdating ko. Si Romeo ang MVP sa team ng school namin pero hindi siya yung captain dahil tamad yon mag training.

"Nakakabwisit tong mga babae na to, kung maka sigaw sa bestfriend ko .. papakasal papakasal tss" Bulong ko.

"Hindi mo sila masisise gwapo at magaling naman kasi talaga ang 'Bestfriend' mo" Narinig pala nung nasa likod ko.

"Tssss." Yan na lang ang nasagot ko.

Oo nga gwapo at magaling naman talaga ang bestfriend ko hindi ko ba alam sakanya, minsan na ngang pumasok sa isip ko kung lalake ba talaga tong bestfriend ko. Antagal na naming mag bestfriend pero hindi nag kekwento sakin kung meron man siyang nagugustuhan o crush man lang pero ayos na yun kesa naman . . . . Mag selos ako..

------------------------------

---

OUT OF REACHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon