"Sa mag bestfriend, hindi laging masaya mayroon pading tampuhan."
Still Romeo's POV
Pagkatapos naming manood ng movie, hindi na kami masyadong nakakapag usap kapag pinupuntahan ko naman sa bahay nila laging wala siya. Nandito ulit ako sa bahay nila, nag babakasakaling maabutan ko siya, pero wala parin kaya paalis na sana ako ng biglang nakita ko si Michelle na bumaba ng kotse .. Teka kotse ni Ryan?
"Uy Mich .." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad naman siyang nag salita.
"Uy Romeo, next time na lang ha? napagod kasi ako e. Sige ingat byeee" Pumasok na lang siya ng bahay nila na parang wala lang ako ...
Umuwi na lang ako, at dun nag mukmok.
Michelle's POV
Kakatapos ko lang maligo sakto naman na tumatawag si Ryan, agad ko naman itong sinagot. Nag kakayayaan daw ang team nila na mag vacation ng 2 days dahil holiday naman daw, pwede naman daw ako sumama kaya go naman ako. Hinanda ko na yung gamit ko dahil bukas ng madaling araw kami aalis para daw mag relax at mag enjoy.
*Kinabukasan
Romeo's POV
Pag gising ko naligo agad ako at nilagay ang gamit sa sasakyan then dumiretso na kela Michelle para sakin na siya sumabay namimiss ko na kasi siya e. Pag dating ko sa bahay nila sakto naman na kakalabas lang niya ng gate nila, agad ko naman siyang tinawag at ningitian niya ako, nag lalakad na siya patungo sa kinatatayuan ko .. teka akala ko sakin siya papunta pero nilagpasan niya lang ako at kay ryan siya dumiretso ..
------------------------