"Ang taong akala mo laging nanjan sayo ay kaya ka rin pa lang baliwalain .."
Romeo's POV
Nakarating na kami sa resort nila Ryan, ayun ganito lang ako nag hihintay na mapansin niya, na maisip niya na kasama din ako. Tumambay na lang ako sa labas ng rest house nila ryan, pinag masdan ang mga alon at ang mga nag sesexihan na mga babae ..
"Hi, nag iisa ka jan ha? Pwede ba tumabe sayo?" Gabe na kaya hindi ko masyado makita yung mukha ng babae pero na aaninag ko naman na maganda ang kutis niya.
"Rachel nga pala, kinakapatid ni Ryan." Dugtong pa niya.
Ningitian ko lang siya dahil wala naman ako sa mood makipag usap sa iba ..
Tumayo siya at nag ayang mag libot sa resort agad naman akong sumunod dahil wala rin naman akong gagawin kung nandun lang ako.
"Kanina kapa tahimik jan ha, may problema kaba? Ano nga pala pangalan mo?" Pag uusisa ni Rachel.
"Ah, ako naman si Romeo. Wala lang ako sa mood, sumama lang kasi ako sakanila para bantayan ang bestfri .. uhm kaibigan ko .."
Nag kwentuhan at nag tawanan lang kami ni Rachel, namiss ko lang tumawa ng ganto, parang antagal ko na hindi sumaya kaya ngayon sinusulit ko ang masayang araw na ito kasama ang babaeng muling nakapag balik ng mga ngiti ko.
Michelle's POV
Lumabas muna ako para sana mag pahangin at tumingin tingin ng tanawin. Nakita ko si Romeo may kasamang babae, hindi ko masyadong maaninag yung kasama niya pero nakikita ko na masaya sila, kamusta na kaya siya? kamusta na kaya ang bestfriend ko? Naging sobrang saya ko simula nung dumating si Ryan kaya hindi ko na masyadong nakakausap si Romeo, pano ba naman kase pag gising at bago matulog hindi nakakalimutan ni Ryan na pangitiin ako. Dati hate na hate ko siya pero ngayon na nakilala ko na siya, masaya pala siya kasama kahit minsan bolero na maganda daw ako, na crush daw at higit sa lahat MAYABANG!! eto talagang gorilya na to e, kung hindi lang siya pogi tss ...
Ryan's POV
Hinahanap ko si Romeo para sana kausapin at humingi ng permiso para ligawan ang bestfriend niya, agad ko naman itong tinawag nung nakita ko ito.
"Uy Romeo ..." Lumapit naman ito ng narinig niya ako tawag ko.
"Romeo, gusto sana kita makausap alam mo naman siguro kung bak .." Hindi na niya ako pinatapos ng sasabihin dahil agad naman siyang nag salita.
"Alam mo pare kung tungkol ito sainyo ni Michelle, ayos lang sakin nakikita ko naman na masaya siya e, yun lang naman ang tungkulin ko bilang bestfriend niya e, ang makita siyang masaya .. Pero pare ang gusto ko lang kahit hindi mo naman higitan ang pag aalaga ko sakanya basta irespeto mo lang katulad ng pagrespeto mo saakin, wag mo lang subukan paiyakin at lokohin ang bestfriend ko... Dahil hinding hindi ako mag dadalawang isip na bawiin siya sayo .." Seryoso niyang sabe na parang kinabisado pa niya ang bawat linyang sasabihin niya.
----------------------------------