"Cassy! LET'S TALK!"
Bungad na sigaw sakin ni daddy pagkauwi ko.. At ano nnmng sasabihin nya? na dinidissapoint ko nnmn sya? hayys makapunta na nga lang sa kwarto
"Cassy! wag mo akong talikuran! kinakausap pa kita"
nakakasawa ng pakinggan lahat! alam ko lang nmn sasabihin nya eh na pabigat ako?
"I'm Tired"
Kung alam nya lang kung bakit ako nagkakaganito..
Kung alam nya lang kung pano ako naiinis tuwing nakikita kong parang wala lang sa kanya kapag kasama nya si mommy..
Naiinis ako kung bakit nagkakaganito..
ayokong masira ang pamilya namin dahil lang dito..
naglakad na ako papunta sa kwarto.
Sumabay pa yung past ko dito sa bagong problema ko.. Nakakainis na naaalala ko nnmn yun.. Andaming nabago sa 3 years na yun at dahil yun lahat sa kanya!
Makatulog na nga lang hayyys...
******Kinabukasan****
"CASSSSSSS GUMISING KA NAA"
Nagising ako sa ingay ng kapatid ko
sya si John lourenz villanueva kuya ko
"I'm still sleepy"
Babangon na sana ako pero..
"Bumangon ka na ikaw nalang hinihintay namin sa baba magagalit nanaman si daddy nyan sayo! breakfast time naaaa"
So andyan pala sya! Aba himala
Nagtalukbong ulit ako ng kumot.. Hayys, di ko feel kasama yun sa umaga ko.. Baka kung ano nnmng masabi ko. Hindi lang magiging maganda ang umaga ko
"CASSSS bat matutulog ka ulit babangon ka na sana eh! Tara na hinihintay ka na sa baba! oyy!"
Pilit akong niyuyugyog ni Kuya pero di ko talaga feel bumangon
"Ahh alam ko na kaya ka siguro humiga ulit kasi narinig mong andyan si daddy??
Pansin kong umiiwas ka talaga sa kanya.. Cass ano bang mali? kapatid mo ako sabihin mo sakin kung anong problema"Dahil sa narinig ko nagpagpasyahan kong tumayo magkakaron nnmn ng kadramahan ang aga aga.
"Oo na susunod na ako"
naramdaman kong umalis na sya kaya naghanda na ako para bumaba
Wow! ang ganda ng eksena
napairap ako sa kawalan
"Im so proud of you John! ang tataas ng grades mo anak! "
Mukang labas ako sa usapan alam ko namang pagdating sakin eh puro negative nnmn ang sasabihin nyan. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko habang nakikinig sa usapan nila
"Hahaha thank you dad! syempre mana sayo"
At nagtawanan na sila
Wow ang saya nila sana palaging ganito..
yan ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanila ang totoo dahil ayokong masira ang pamilya namin..
Wala na akong ganang kumain kaya nagdecide akong tumayo na lang pero..."Anak ubusin mo yang pagkain mo halos wala kang nabawas sa mga yan"
Biglang napansin ni mommy.. Naknang! napansin pa talaga tss -_- Kaya wala akong nagawa kundi umupo ulit at kumain nalang..
"Cass bakit antahimik mo? nakakapanibago? samantalang ikaw ang nagsisimula ng ingay pag gantong nag uusap usap tayo.. may problema ka ba? "
Nagulat ako sa sinabi ni kuya..
"Wala nmn, ahh busog na ako kakain na lang ako mamaya"
pagkasabi ko tumayo na ako pero napatigil ako...
"Anak mag usap tayo mamaya"
napatigil ako ng marinig ko yung word na "anak" Nakakamiss...
Pero mas nangingibabaw sakin yung sama ng loob ko...
Di nya alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito..
Ang hirap..
bat ba kasi ganito?
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko..
*Tok* Tok*
"Bukas yan"
"Baby"
Si mommy pala
"Why mommy?"
Sabi ko ng nakangiti
"Anak may problema ka ba?? anak anong nagyayari sayo? ibang iba ka na sa dati..
Hindi ka na masaya.. Ramdam kong malungkot ka"Napatigil ako sa sinabi ni mommy
"Hindi na ikaw yung dati na masayahin.. Bakit feeling ko lumalayo na yung loob mo sa daddy mo?"
Kung alam mo lang mommy....
pero hindi ko pwedeng sabihin..
may tamang pagkakataon para dito
"Bakit feeling ko lumalayo na yung loob mo samin.. Hindi ka na masaya"
Umpisa ng umiyak si mommy niyakap ko nmn agad sya ...
Ang sama sama ko na palang anak..
ayokong nakikitang nagkakaganito si mommy ..
"Mommy masaya nmn ako eh"
Oo totoo yun ngumingiti nmn ako..
masaya ako.."Iba yung saya mo dati kesa ngayon anak.. gusto kong ibalik mo yun dati.. Nauubusan ka na ng oras samin halos ayaw mo ng umuwi eto na nga lang ulit yung pagkakataon na dito ka natulog lagi kang nasa mga kaibigan mo"
Oo tama.. Di ako palaging nandito lagi akong nasa bahay nila Maine bestfriend ko.. dahil ayokong makitang andito si daddy.. malalaman nyo din ang dahilan..
"Sorry mommy..."
Sumabay nadin ako sa pag iyak ni mommy
parehas na kaming umiiyak ..isa lang ang naiisip ko sa mga oras na to.. Gusto kong magbago
Pero paano??
"Kakausapin ka daw mamaya ng dad mo. . para sayo di yun anak.. para sa pagbabago mo.. sana pagbalik mo katulad ka na ulit ng dati.."
pagkasabi ni mommy iniwan nya na ako..
Anong pagbalik??
********
Abangan nyo kung anong mangyayari sa susunod na chapter! bwahaha im sure na maganda mangyayari sa susunod.. Kaya sana suportahan nyo padin thank you!
YOU ARE READING
Unexpected Person
RomanceIsang babae ang galing sa sakit ng nakaraan at pilit na kinakalimutan ang lahat ng nangyari..Nakamove on na nga, pero trapped padin sa nakaraan.. maging sya ay naguguluhan din sa sarili. tuwing maaalala nya ang lahat ay nasasaktan padin sya.. Pero...