Part 3

16 0 0
                                    

Sa sobrang curious ko kung ano yung sinasabi ni mommy na "PAGBALIK" ko daw ? parang may sariling utak ang mga paa kong patungo sa restroom at tama ako andito nga si daddy..

"Andito ka na pala Cassy maupo ka muna may mahalaga tayong pag uusapan hahaha sabi na at madali mong malalaman kung nasaan ako"

Alam ko nmn kasing dito lang yung favorite nyang tambayan duh!!

Napairap ulit ako sa kawalan

Umupo na ako at pinakinggan ko na lang ang sinasabi nya.. wala akong balak magpaligoy ligoy pa

"3 years na ng lumipas cassy, anlaki na ng pinagbago mo"

Patuloy lang akong nakikinig at tahimik.. ano nnmn bang palabas to?

"At sa 3 years na yun ramdam kong lumalayo din sakin ang munti kong prinsesa"

Di padin ako nagsasalita hinahayaan ko lang sya pinipilit kong palagpasin sa kabila kong tenga ang lahat ng naririnig ko pero hindi ko magawa... Ganun ba talaga kalaki ang galit ko sa kanya??


"Alam mo anak namimiss ko na yung mga panahon na ang sweet sweet mo samin ng mommy mo"


Nanghihina ako sa mga naririnig ko....

nagbago na ba talaga ako??

"Namimiss ko yung mga panahon na halos mainis na kami dahil sa sobrang kulit mo, yung mga panahon na wala ka pang iniisip na problema.. Namimiss ko na yung dati kong Cassy na laging nag o-open ng problema or sa bawat nangyayari sa buhay nya"


Gusto kong umiyak.. Nanginginig ako..

Pero kailangan kong matapang

Lumapit sya bigla sakin at hinarap ako

"Etong mga matang to.. Hindi yan ang anak ko.. Hindi yan si Cassy..
Si cassy, hindi sya natatakot ipakita ang totoo nyang nararamdaman"





Tinabig ko ang mga kamay nya sa muka ko at tumayo na..




"So eto lang pala yung sasabihin nyo sakin? para sumbatan ako? Dad! Andami ng nagbago hindi nmn habang buhay na magiging ganyan ang ugali ko! People's Changed! may dahilan ako sa lahat"




Tama ba ako ng nakikita? umiiyak si daddy??.. gusto ko syang lapitan..

NO! bat ko sya lalapitan? sya may gawa ng lahat ng to! lahat ng pagbabago..



"Ibang iba ka na cassy, sinasagot mo nadin ako.. Hindi na ikaw ung cassy na may pangarap , mataas ang grades, at magalang anak, pwede mo namang sabihin saakin kung may problema ano bang problema?"

"Cassy kung dahil lang to sa pagbbreak nyo ng boyfriend mo kaya ka nagbago at nagkakaganito please magmove on ka na 3 years na cassy Ano bang problema?"



Kaya kong pigilin ang galit ko...

Ayokong may masaktan

Pero kailangan kong sabihin to..


"PROBLEMA?? IKAW? ALAM MO KUNG BAKIT DAD?? HALOS AYAW KO NG UMUWI DAHIL SAYO! ALAM MO BANG DAHIL SAYO KAYA AKO NAGBAGO?"


Napasigaw na ako sa sobrang galit ko.. Di ko mapigilan ang sarili ko... Kaylangan ko ng sabihin lahat ng kinikimkim ko ..
Dumating nadin si mommy at kuya para pigilan ako.

Nagulat si daddy sa sinabi ko.. Maging si mommy at si Kuya na kanina pa pala nakikinig ay nagulat din

"KASI MAS PIPILIIN KO NG MAWALA AKO DITO KESA NAKIKITA KITANG PARANG WALA LANG SAYO LAHAT! DAD DI KA BA NAKOKONSENSYA? NILOLOKO MO SI MOMMY! ANG PAMILYA NATIN?? DAD 3 YEARS KONG KINIMKIM LAHAT NG TO! NAKIKITA KITA! KITANG KITA KO LAHAT NG GINAGAWA MO AT NG BABAE MO! SINIRA MO ANG PAMILYA NATIN"

napahagulhol na ako at napaluhod.. Maging si mommy ay napaiyak na din sa nalaman nya..

"NOW TELL ME! SINONG DI MAGAGALIT SA GINAGAWA MO! MAS MASAKIT TO SA NANGYARI SAMIN NI ZEKE 3 YEARS AGO DIN! KAKABREAK PALANG NAMIN NI ZEKE NUNG SATONG NAKITA KITANG KASAMA MO YUNG BABAE MO! ALAM MO BANG HALOS MAGPAKAMATAY NA AKO NUN? DOBLE YUNG SAKIT DAD"




ngayong nalabas ko na lahat ng saloobin ko.. Gumaan na ang pakiramdan ko..

Si Dad di makapaniwala sa mga narinig nya.. Sinundan nya si mommy dahil nag walk out ito.. habang si kuya at pinapatahan padin ako...

Dumating na ang tamang panahon para sabihin ko ang lahat




"Cassy... Ngayong nasabi mo na ang lahat ng ito, Sigurado akong di mapapatawad ni mommy si dad.. Magkakawatak watak na tayo.. Alam ko din ang tungkol dito matagal na"

Nagulat ako sa sinabi ni kuya..

"Alam mo din?? Bakit di mo sinasabi?"

"dahil kagaya mo ayaw ko di masira ang pamilya natin.."

umiyak lang ako ng umiyak kay kuya..

"Cassy, hindi natuloy sabihin nidad to sayo. kaya ako nalang ang magtutuloy
Gusto ka naming patigilin muna sa pag aaral mo dahil wala lang ding nangyayari. nababagsak mo din nmn kada sem so gusto ka naming magbakasyon muna sa isang resort sa Ilocos kasosyo natin ang may ari nun kaya di na tayo mahihirapan.. Gusto naming lahat na bumalik ka sa dati cass... Tulungan mo ang sarili mo.. Hihintayin namin ang pagbabalik ng dating cass"

Yun lang ang huling sakitang narinig ko kay kuya bago nya ako iwanan dito..

So yun pala yung ibig sabihin ni mommy..

Ano nmng magiging buhay ko dun??







******




Abanga


Unexpected PersonWhere stories live. Discover now