Prologue

89 5 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's beautiful imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Copyrights © Istroberrilabs. All rights reserved.







Prologue






I was with him, we're happy together. We're laughing and he's enjoying our moment. I can see it. Nagkwekwento siya sa mga nangyari sakanya sa opisina. Hindi ko alam kung matatawa ko o ano dahil he's not like that. Nung college days namin ay siya ang worst enemy ko at napakalimit niyang magsalita. Look at us now. We're here at the bachelor's party. Ang gwapo niya talaga! Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya.







Kumunot ang noo niya at nahinto siya sa pagkwento. Napansin niya sigurong natahimik ako at nakatingin lang sakanya. Ang sungit pa din pala niya. Hindi ko mapigilan na hindi mapangisi sa reaksyon niya, sa unti-unting pagdikit ng dalawang kilay niya.







“What are you staring at?” Takhang tanong niya sakin. Napahagikgik naman ako ulit kasi hindi na maipinta ang mukha niya.







Napaawang naman ang bibig ko sa biglaang pagtayo ni Kevz. Napasobra na yata ako sa pantritrip sakanya. I just find him cute when he just like that.







“Kukuha lang ako ng drinks, I'll be back, you stay here,” seryosong sabi niya sakin. Nagalit talaga siya?







“Wait Babe, sama na ko sayo. Sorry na,” nakanguso na sabi ko sakanya.





Umiling lang siya sakin “You're not paying attention. At pinagtritripan mo lang ako,” iritadong sagot niya tsaka ako iniwan at umalis. I don't know where is he. Kasalanan ko din naman yun.





I just can't help it. Hindi lang talaga ko makapaniwala that he is my boyfriend. Napangiti ako ng wala sa oras. Hahanapin ko na nga lang siya.







Naglakad-lakad ako at natagpuan ko siya sa kumpol ng mga tao. Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko ang pinsan niyang si Blake na may hinahalikang babae. Wth!





“What the hell couz, get a room!” Narinig kong sigaw ni Kevz.







“Babe!” Sigaw ko sakanya. Lumingon naman siya pero nakakunot pa din ang noo niya. Galit pa din siya.







“Ang sabi ko diba doon ka lang! Paano kung may makasalubong kang lasing habang naglalakad ka? Hindi ka ba nag-iisip ha?” Mahabang litanya niya sakin. Hindi ko naman mapigilin ang hindi ngumiti. He cares a lot. Lumingon naman ako dun sa babaeng hinahalikan ni Blake. Nagtataka lang ako, hindi ba sila napapagod?







Bumalik lang ako sa wisyo nung inakbayan ako ni Kevz. “Ang kulit mo talagang babae ka. Tss! Let's go home.”







Nagising lang ako na nasa kwarto na ako. Hindi niya na siguro ako ginising. Nagshower muna ko saglit tsaka lumabas ng kwarto. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Habang bumababa ako ay parang kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ganun ang lakas ng tibok ng puso ko.





Nagkakaingay sa baba at lumalakas na ngayon malapit na ako.







“Gising ka na pala baby, may bisita ka,” nakangiting bati sakin ni Daddy nung nakita niya akong nakatayo sa tabi ng hagdanan. Kumunot naman ang noo ko at unti-unti na namang lumalakas ang kaba ng dibdib ko. May nakita nga akong lalaking nakatalikod sakin na nakaupo sa malambot na sofa namin. Nagtatawanan sila ni Daddy at maraming gamit at pagkain ang nakalagay sa maliit na lamesa sa gitna. At kung hindi ako nagkakamali they are all from abroad. Don't tell me that he is.. B-back? N-No!







Parang nag slow motion ang paligid at dahan-dahan ang paglingon ng lalaking nakatalikod sakin kanina lang. Parang naubusan ako ng hangin sa katawan at kahit magsalita ay hindi ko magawa. Hindi ko marinig ang mga sinasabi ng magulang ko tungkol sa lalaking kaharap ko ngayon. Tila naputol ata ang aking dila at kahit isang letra ay walang lumalabas sa aking bibig. Nanigas ang aking katawan sa paglapad ng dibdib niya sakin. Hindi ako makagalaw. Kahit ang ipagtulakan siya ay hindi ko kinaya. Nalalanghap ko ang pabango niyang kay tagal kong hindi naamoy.







“I missed you,” at duon ay bigla akong natauhan at buong pwersa ko siyang tinulak. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. Ano gusto niya? I-welcome ko siya with my wide arms open? Don't expect me to do that!









“Fuck you! Get lost!” Gigil na sabi ko at mabilis na lumabas ng bahay. Sasakay na ako ng kotse ko biglang may pumigil at humawak sa braso ko. Napangiwi ako sa higpit ng hawak niya. Shit!







“Gabi na Summer, saan ka pupunta?” Tanong niya na akala mo may pakialam siya sakin. Madilim din ang mukha niya at nakakunot ang noo.







“Shut up! Susubukan kong hanapin ang paki ko sa kunwaring pag-aalala mo!” Galit at poot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at mabilis na sumakay sa kotse ko. Sigaw siya ng sigaw at wala akong pakialam.







“Open this goddamn door Summer! Don't be a hot headed girl! Open this!” Sigaw niya at mabilis kong hinarurot ang kotse palayo sa bahay namin. Palayo sakanya. Narinig ko pa ang pagmumura niya. Dahil ba hindi ko siya sinunod ngayon? O dahil hindi niya inaasahan ang violent reaction ko sa biglaang pagdating niya? Wag niya nga ako patawanin!














Bumalik lahat ng sakit. Lahat ng dinanas ko nung umalis siya. Nung nagmakaawa ako para wag niya ko iwanan. Lumandas ang mga luha sa mga mata ko at hindi na napigilan pa ang humagulgol. Akala ko okay na. Akala ko tapos na. Akala ko hindi na masakit. Pero nung nakita ko ulit siya naramdaman ko ang lahat ng pangungulila sa pagkawala niya at pagbalik niya. Yung sakit na nararamdaman ko ay wala ng mas sasakit pa. Hindi ko na din makita ang dinadaanan ko dahil nahihilam na ko ng sarili kong luha. Huminto ako sa gilid ng kalsada at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikiramay ata sa paghihinagpis ko. Pigilan ko man ang pag-iyak ko ay mas lalo lang akong humahagulgol. Masakit sa puso. Parang pinipiga at tinutusok ng ilang milyong karayom. Bakit bumalik pa siya? Bakit nandito siya ulit?













Bakit pakiramdam ko mahal pa din kita Riel Jake Zarosa?

Hands to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon