Entry Two ~

53 4 0
                                    

Entry Two

Dear Notebook,

Ayoko na maglagay ng date kasi makakalimutin ako. Hays! Alam mo ba nakakapagod? Kasi kahit anong gawin ko di pa din nya ko pinapansin. Simula nung gabi na yun. Iwas na sya ng iwas sakin.

One time nga nobo(short for notebook) nung tinanong ko sya kung kahit konti ba may nararamdaman sya sakin ayaw nya daw sagutin. Bakit ganun? Pangit ba ko? Pero bakit nya ko hinalikan? Waaaaaaaaaah! I remember that kiss again. Mali ba ko ng taong minahal? Nakakafrustrate naman talaga oh! -_-

Mamaya nalang ha Nobo! Labyu! ♥

- Summer P.

Hays, ang hirap nga naman ng buhay oo! Si Nobo nalang napagsasabihan ko ng lahat. Too bad! Omo! I'm so effin dead! May klase pa pala ko.

Sa pagmamadali ko..

*blag*

Ouch ha! Grabe naman talaga si tadhana. Kung kelan ako nagmamadali tsaka umeepal. Grrrr! Pagtayo ko isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko.

"Miss are you okay?"tanong nya sakin.

"Ha? Ah.. O-Oo.."huy gising Summer! Bakit ba nauutal ka ha?

Nag-smile lang sya sakin tapos.. tapos.. tapos piniga nya yung pisngi ko.. Pusang-gala naman oh! Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko..

"Ang cute mo magblush!"what? Waaaaah! Lupa kainin mo na ko ngayon. Okay parang tanga na. Hahaha! Tapos umalis na sya. Leshe ang sexy ng likod nya. Shemay!

Oo nga pala late na ko. Patay na ko. Argh! Pagdating ko ng room, wala pa yung Prof. My goodness! Salamat naman.

"San ka ba nagpunta ha Summer?" ayan na naman po sya. She keep on asking me where the hell i am! Irritating!

"Cares who?" bitch please. Sorry. Ayaw ko lang talaga ng palatanong. Kahit na best friend ko sya.

"Hays.. Sorry i'm just worried."i just rolled my eyes. Nakakairita sya e! Pinagbabawalan nya kasi kong pumunta kay Riel. Kaya ganyan ako sakanya. Yun na nga lang ang happiness ko.

Madali naman natapos ang klase. Buti naman. Pupunta pa ko sa CHE bldg. Gosh! I'm so excited to see him cook. Chef boy Negro. Bwahahaha!

"Summer, where are you going? Sakanya na naman? Hindi ka ba napapagod?" here we go again. I told you that before. She's annoying! Hindi ko sya pinansin. Patuloy lang ako naglakad.

"Sige gawin mo gusto mo! Diyan ka naman masaya diba? Wala ka ng ibang iniintindi kundi sya. My goodness Summer Rainelle Alonzo Perez!"uh-oh. She's totally mad but i don't care. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Hays!

**

College of Home Economics

Dumeretso agad ako sa pantry. Alam ko kasi madalas sya dun magluto pag ganitong uwian. Ewan ko ba, mayaman naman sila pero dito pa sya nagsasanay. Nakita ko agad sya. Nanlaki yung mata ko nung makita kong may kasama syang babae na nanunuod sakanya. Hindi nya ba alam na nagseselos ako? Nakakainis naman sya.

Hindi ko makita yung babae dahil nakatalikod sya. Gusto ko na nga sya saksakin e. Para mawala na sya sa paningin ko. Ang flirt nya!

Nanunuod lang ako habang nagluluto si Riel. Ang gwapo nya talaga kahit na may pagkatan ang kulay nya. Kelan kaya sya mapapasakin? *sigh*

Ayoko na. Ayoko ng makita. Tss! Ganyan ba talaga sya kamanhid para di nya maramdaman na nasasaktan ako. Siomai naman oh! Umuwi nalang ako at agad kong hinanap si Nobo(notebook). Oo nga pala, nakalimutan kong nagpapanggap akong hindi ko na siya mahal. I totally forgot! Sheez!

Hands to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon