Entry Four ☜
Dear Notebook,
Yung sakit ba na nararamdaman ko malalaman niya? Hindi! Kahit kelan hindi niya malalaman yun! Wala naman kasi siya pakialam sa nararamdaman ko. Sarili lang niya yung iniisip niya. Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko?
Minsan kahit na gusto mo pa din sumuko, wala ka pa din magawa kasi yung puso mo pa din ang masusunod. Yung kahit sobrang sakit na, pinipilit mo pa rin yung sarili mo kasi alam mo na doon ka rin sasaya. Yung kahit sobrang sakit na, ngitian mo lang siya akala nila okay na ulit ang lahat. Yung mga katulong nga may day-off diba Nobo? Pwede ba kahit minsan mag-pahinga din ako kasi nakakapagod na. Nakakapagod ng patunayan sakanya na mahal mo siya. Yung akala mo hindi niya nararamdaman yung mga pinapakita mo sakanya. Yung lahat ng effort na ginagawa mo. Akala mo lang pala. Puro akala kasi alam niya pala lahat ng mga katangahan na ginagawa ko pagdating sakanya. Yung bang nakikita na nga niya pero dinededma lang niya.
Sobrang sakit isipin lahat ng mga bagay na ginagawa mo parang isang hangin lang na dumaan sa harapan niya. Naramdaman man niya pero wala siyang ginawa kundi isnabin at hindi pansinin. Para akong isang asong nag-papacute sa harapan niya, alam niyang nandun ako pero wala pa din siyang pakialam. Mahirap ba talaga ko mahalin? Bakit nagawa niyang isumbat sakin lahat ng yun? Dahil lang sa isang pagkakamali ko? Ang dami na niyang nasabi. Nakakapagod na...
- Summer
**
Pagtapos kong magsulat kay Nobo, natulog muna ko saglit. Nagising lang ako sa pag-tunog ng cellphone(samsung galaxy hoppin) ko.
Riel KO calling..
Seriously? Ngayon lang ata siya tumawag sakin. Like OMG! Excited na ‘kong sagutin yung tawag niya nung bigla ko maalala yung nangyari kanina. Magpapakatanga na naman ba ‘ko sakanya? Ang sabi ko nga pala kanina magpapahinga muna ‘ko. Kailangan ko din naman ng break no? Hanggang sa nawala na.
108 missed calls
52 sms received
Grabe naman! Sino kaya ‘to? Riel? Mia? Unknown number? Sino naman kaya yung number na tumawag sakin? Binasa ko yung mga messages ko.
“Summer, please answer the phone.” - Riel
“Sum, nasaan ka ba? I'm worried.” - Mia
“Elle, pick up the phone. Please!” - Unknown number
Halos pare-parehas lang yung mga text messages sakin tapos yung iba group messages lang. Papatayin ko na sana yung phone ko nang bigla ulit ito nag-ring.
Unknown number calling..
Huh? Sino naman kaya ‘to?
“Ah yes? Hello? Who’s this please?”
[“Kev Zyril.”] Wow ah. Akala mo text lang e, tipid magsalita. Samantalang pag sa school kung daldalin ako e.
“What do you need?” Cold na sagot ko sakanya. Ewan ko ba pero feeling ko inis na inis ako sa tao na ‘to.
[“I-I just want to know if you’re okay.”] It hits me! Okay ba ‘ko? O talagang niloloko ko lang yung sarili ko. Ganun naman talaga ko pagdating kay Riel. Isang araw lang okay na ulit ako. Yung tipong makita ko lang siya masaya na ulit ako. Oo, ganyan umiikot ang buhay ko sakanya.
“Bakit naman hindi magiging okay?” I lied.
[“You can’t lie to me Elle, i’ve known you from the start. And the fact that i saw the two of you arguing. Now tell me that i’m wrong.”] Speechless. Tama naman siya lahat pero ang pinagtataka ko lang bakit parang alam niya pag nagsisinungaling ako o hindi. Kilala ko ba siya dati pa? Bakit wala akong matandaan?
BINABASA MO ANG
Hands to Heaven
RomanceChoose who you want to spend your life with or let the heaven decides what or who is the best for you?