Here I go again, hehe.
Hello po sa inyong lahat!
Isang pasaway na bata nanaman po ang nakaisip nanaman ng gagawin niyang On-Going Story at si Kimchi iyon! :">
Sana hindi po kayong magsawa sa kakulitan ko!
Sana po magustuhan niyo ang story na ito. :)
Please Comment your thoughts about this story and Please sabihin niyo po ang nararamdaman niyo tuwing binabasa o babasahin niyo po ito.
Read-Comment-Vote-Enjoy! <3
Thank You, Lovelots XOXO ---iieternity
*****
Prologue
I am lonely, I am oh so lonely. I don’t know what to do but just eat, study, work and live.
Did you ever experienced to feel such heartbreak like it will lose your soul? Well, I indeed experienced that.
Did you already feel how gentle pain hurts like? Likewise, I always do.
What else can I do? I will always feel the same way what I feel everyday.
By the way I am Patricia Lorraine Santiago.
Again, I am all alone! Wait, now, I am bored.
CUT! Itigil ang kadramahan ko
“Patricia, ano nanaman ba iyang iniisip mo?” ano daw sabi ng katabi ko dito? “PAT! Anak ng tinapa, sagutin mo naman itong tanong ko sayo!” ah-huh?
“Ano ba kasi ang tinatanong mo?”
“Gusto mo ba talagang mag-aral o ibabagsak mo nalang ang Physics subject mo!” pagbabanta niya sa akin
“Chelsea naman, ikaw na nga ang top 1 sa klase tapos ganyan ka pa! What a friend.” At sabay na inirapan ko siya
“Naku! Inirapan mo pa ako, eh kung hindi kita tulungan diyan!”
“Eh kung iwanan kita sa ere at mawalan ka na ng kaibigan?” pagbabanta ko naman sakanya
“What a friend pala ah, pasalamat ka mabait ako sayo kung hindi, alam mo na ang mangyayari sayo.” Nagpause muna siya saglit bago niya itinuloy ang sasabihin niya, habang ako nakataas lang ang isang kilay ko at sinusungitan siya. “I can dump you in many ways!” sabay tumayo siya at aakmang aalis pero “Dali na! sagutin mo na kasi yung mga tanong ko sayo para matapos na tayo dito sa pisting Physics na ito na pasakit sa buhay!” nagkibit balikat na lamang ako
“Wow english, saan mo naman nakuha yan at kinabisado mo pa?” pagbibiro ko sakanya
“Nahiya naman ako sayo ah, eh bagsak nga rin English Subject mo eh!” pagmamayabang niya
“OO na, sige na.”
“Sasagot ka pa ah, unang tanong” ayan na, kinakabahan na ako. “Who discovered light?”
“Jusko! Yan lang pala ang tanong mo!” napalo ko ang noo ko at nagmamayabang sakanya
“Dali, anong sag----.”
“Malamang… sino pa ba edi si GREEN LANTERN!” taas noo kong sagot ko at nagpameywang
“Anak ng… hindi mo na nga ako pinatapos sa sasabihin ko tapos---ANG TANGA MO NAMAN! Ako pa ginawa mong ewan.” Napalo niya rin ang noo niya at umaarteng masakit na ang ulo niya sa akin
“Eh!”
“Anong eh ka diyan?
“Ayoko ng ganyang tanong, gusto ko ung 1 + 1 = Magellan. At least, kahit ilang ganyan ang ibigay mong tanong sa akin masasagot ko.”
“Bahala ka na nga!” inirapan niya ako bago siya napatingin ng deretcho sa akin ulit “Hindi ka lang makapag-aral ng maayos dahil….” Ano ba yan, pabitin effect nanaman siya
“Dahil ano!?”
“Malamang, hindi ka nanaman mapakali dahil sa naaalala mo yung rejecting scene niyo ni Christian Levi Ramos.”
“HOY hindi ah!” pinalo ko siya sa braso niya ng mahina… hmpff! Pang-asar siya ah “Kapal talaga ng pagmumukha mo Chelsea ah! Bahala ka diyan kakain na ako at wala akong ihahanda para sayo!” tumayo ako sa kama at umalis sa kwarto ko
“Okay gutom na ako, tara kain!” sumunod naman sa akin si Chelsea Serad at sinabing “Kalimutan mo na siya kasi ang taong pinagtutulakan ka na palayo ay never ka na hahatakin pabalik na parang yoyo na kahit anong gawin mo ihahagis ka parin niya kahit saan para paglaruan o gawing libangan lamang at dahil narin sa hindi ka niya masusuklian ng katulad sa nararamdaman mo sakanya!” napatigil ako saglit sa pagbaba sa hagdanan at napaisip ng sandali… tama naman siya “Bakit mo pa kasi inaalala, joke ko lang eh. Elementary pa tayo nun ah! Don’t panic it’s organic!” wait, anong connect ng ‘Don’t panic, it’s organic.’ Niya?
“Kailan kaya ako makakatagpo ng taong kahuhumalingan ko na masusuklian rin ang nararamdaman ko sakanya?” bulong ko sa aking sarili “Joke! Meron na!” natawa nalang ako sa sinabi niya at nagmadaling bumaba ng hagdanan ng hindi nililingon si Chelsea
BINABASA MO ANG
Four Leaf Clover (FLC) [ON-GOING]
Teen FictionI am lonely, I am oh so lonely. I don’t know what to do but just eat, study, work and live. Did you ever experienced to feel such heartbreak like it will lose your soul? Well, I indeed experienced that. Did you already feel how gentle pain hurts lik...