Clover 4: That Guy, That Patricia

132 9 4
                                    

(2/21/14)

Heyah!

How's your day?

Now, it's Friday again and it's time for me to Update a new chapter.

Here's the 4th Chapter of Four Leaf Clover!

I hope you like it! :)

Read-Comment-Vote-Enjoy! <3

Lovelots XOXO ---iieternity

*****

Naglakad kami pabalik sa building ng hindi nagkikibuan hanggang sa makapasok kami sa hospital…

I have no choice kundi ako na ang unang mag-approach sakanya…

“Patricia” tawag ko sakanya

Lumingon naman siya sa akin “What?”

“Hmm, pumunta ka na sa office ng dad mo at babalik na ako sa kwarto ko.” Tumalikod na ako ng dahan-dahan sakanya at naglakad

“Saglit lang.”

“Hmm?” tumingin ako sakanya ulit

“Salamat, Denzel.” Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako bilang tugon

Umalis na ako pagkatapos at naglakad patungo sa kwarto ko nang makasalubong ko ang isang grupo

“Denzel!” tawag sa akin ng isa sakanila

“Kamusta ka na Meman?” pangungumusta naman ng isa nilang kasama

“Wala namang nagbago, ganun parin naman ang buhay ko…” sagot ko sakanila

“Pabalik ka na ba sa kwarto mo?”

“Parang ganun na nga, saan ba kayo pupunta?” tanong ko sakanila

“Bibisitahin sana namin si Vincent at si Denver…” Vincent, ahhh…

Teka, ano daw, Denver ba kamo?

“Anton, sino si Denver?” pagtatanong ko agad ng makatapat ko na sila

“Si Denver…. Hmm, bago lang siya dito sa hospital nung isang buwan at nakilala ko siya dahil kay Vincent pero matagal na siya sa school natin…” school?

“Saan?” karagdagang tanong ko pa dahil wala talaga akong kilalang Denver… hmm about Vincent naman, who cares about him anyway?

“Yung gwapong, mayabang at maangas sa paningin naming magkakaibigan na laging pinagakakaguluhan sa hallway tuwing umaga…” pagpapaliwanag naman ni Francis

“Ahhh, pinagkakaguluhan ba? Magagalit pa kayo eh hindi naman dapat kayo pagkaguluhan, istura niyo palang… well, anong nangyari sakanya?”

“Yabang mo kahit kailan noh, pagbigyan ka lang namin dahil hindi ka pa nakakalabs dito, hindi tulad namin mapayapa na ang buhay sa labas ng hospital.” Naiinis na sabi ni Anton at nagsalitang muli “Sinugod daw bigla dito sa ICU eh”

“Balak sana naming puntahan kaso parang hindi nalang, babalik nalang kami kay Vincent…” dagdag naman ni David

“Sige mauuna na kami ah…” sabi ni Francis at ipinatong niya ang kanang kamay niya sa balikat ko at naglakad na siya

Four Leaf Clover (FLC) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon