Clover 3: Him

219 10 16
                                    

(2/14/14)

Happy Valentine's Day Everyone! <3

Grabeh, nasaktuhang Valentine's at Friday pa, update time kasi... :)

Saktong sakto rin na about something ang chapter na ito... :)

So Special Chapter na ito :) para sa inyong lahat!

"Being with him is an opportunity."

Read-Comment-Vote-Enjoy! <3

Lovelots XOXO ---iieternity

*****

Here we are at the Lifetime International Hospital!

Hawak hawak ni daddy ang makinis kong kamay. Kakalagay ko lang kasi ng lotion kanina sa loob ng kotse.

Heto nanaman kami, mag-aaway dahil ayoko pa talagang…

“Daddy please kahit ngayon lang talaga payagan mo na akong mapag-isa!”

Napalingon naman si daddy sa akin kahit alam kong nakukulitan siya nag-ayos talaga siya ng mukhang ihaharap niya sa akin.

I know and he knows na hindi parin kami pareho nakakalimot sa nangyari kagabi.

“Hindi.” Yan ang tanging sagot niya lamang sa akin

Pagkatapos ay naglakad na muli si daddy at iniwan na ako sa kinatatayuan ko. Hinabol ko naman si daddy at hinawakan agad ang braso niya nang maabutan ko siya.

“Daddy please, I am sorry about last night. Eh kasi naman eh pinagtitripan niyo ako na parang baboy.” I said it with pagtatampo sa boses ko…

Humarap naman agad agad si daddy sa akin

“Anak, wala na sa akin ang nangyari kagabi. Ang sa akin lang ay hindi ka parin puwedeng maggala o kaya mag-i-iikot sa kalsada o kahit na nandito ka sa hospital. Wala ka ng ibang pupuntahan kundi ang opisina ko at ang nurse station. Naiintindihan mo ba?” sa pagkakasabi niya ng mga iyon, halatang pinaghihigpitan niya ako at parang ayaw niya talaga akong magkaroon ng masayang buhay dito sa mundong ibabaw ko kaya naman magkaroon ng mga kaibigan kahit na lamang dito sa hospital.

Wait.

Speaking of friends

“Naiintindihan mo ba?” mas lumapit pa sa akin si daddy at tiningnan ako mata sa mata.

“Opo, daddy” yan na lamang ang nasagot ko dahil ayokong humaba pa ang usapan namin.

Pagkatapos ay tinalikuran na lamang niya ako.

-Sighs-

Napabuntong-hininga nalang ako ng napakalalim dahil hindi ko na maintindihan si daddy dahil patanda ako ng patanda pahigpit naman siya ng pahigpit.

Ano naman kasing pinoproblema niya? I mean, ano naman kasi ang mga naiisip niya?

11 years old na ako, grade 6 student…

Hindi naman ako mabubuntis dahil anti-Teenage Pregnancy ako… hindi rin naman ako sang-ayon sa Pre-marital sex.

-Sighs-

Napabuntong-hininga nanaman ako…

Iniangat kong muli ang ulo ko, wala na nga talaga si daddy sa harapan ko. Paniguradong nasa opisina na iyon at nag-aayos ng mga papeles ng mga pasyente niya o may inaasikasong mga pasyente.

Naglakad lakad ako hanggang sa may bench akong nakita at umupo ako doon.

Nakayuko lamang ang ulo ko at nag-iisip ng puwede kong gawin. Hindi naman na ako bata para gawin pa yung mga gawain ko noong bata pa ako…

Four Leaf Clover (FLC) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon