(2/10/14)
Hey there everyone! :)
How do Patricia and Dr. Santiago II bond?
Read the 2nd chapter of FLC, Clover 2: Dad and daughter's bonding :)
We'll see :)
Read-Comment-Vote-Enjoy! <3
Lovelots XOXO ---iieternity
*****
Pagkabalik namin ni nurse maiko sa building at sa office ni daddy…
Pagbukas ko ng pintuan ng office ni daddy ay sumilip muna ako ng kaunti at isinara ulit ang pinto… kinakabahan ako sa mga maaaring bumungad sa akin!
Malamang naman sa alamang na si daddy ang bubungad sa akin, pero syempre ang iniisip ko ang magiging una niyang reaksyon kapag nakita na niya ako.
“Nurse Maiko, busy si daddy sa mga papeles na hawak hawak niya sa loob baka naman puwedeng ikaw muna ang pumasok sa loob?” pagtatanong ko kay nurse Maiko
“Ako?” sabi niya habang turo turo ang sarili niya gamit ang kanyang hintuturo “Serisously, ako---kanina ako ang pinagtitripan mo sa mga kalokohan mo. Ngayon, hindi ka makapasok sa office ng daddy mo tapos ako ang isasalang mo sa galit niya, naku, naku, naku! Tsk. Tsk. Tsk.” Umiling-iling muna siya bago itinuloy ang mga sasabihin niya “Hindi puwede sa akin yang ginagawa mo ah! Hindi ako pumapayag!”
“Ayaw mo o isusumbong kitang ginaganyan mo ako, tapos matatanggal ka sa trabaho mo sabay wala kang ipangtutustos sa mga magulang mo at mga kapatid na ipinapaaral mo pa tapos napakabata nila para tumigil sa pag-aaral tapos pagtatrabahuhin mo sila?! Naku! Sakin ata hindi puwede yun!” ang dami kong alam tungkol sa kanya ano? Eh kasi naman sa kadaldalan ni daddy marami talaga siyang nakukwento tapos si nurse Maiko ay isa sa mga assistant nurses niya.
Nakita ko sakanyang mga mata ang takot at ang kaba… pinagpapawisan na siya… bigla niyang hinawakan ang braso ko… naku! Nanlalamig na siya! Hahahahaha! Ang galing kong manakot ano? Actually, panakot na nga ang pagmumukha ko sakanila eh!
“Hindi naman kasi sa ganun Patricia, sa susunod kasi wag ka ng masyadong matuwa sa kalokohan mo tapos idadamay mo pa ako, okay?” tumayo siya ng matuwid at binitawan na ang braso ko…
Sabay huminga siya ng malalim ng sobrang lalim
“Ako na ang magsasabi…” asus! Yun naman pala eh! Madali lang pala siyang kausap eh! Siya rin pala mag-eexplain kay daddy… after all ng mga pinagsasasabi ko!
Kumatok muna si nurse Maiko bago buksan ang pinto… OH SHOCKS! Kinakabahan talaga ako!!! Huhuhuhuhuhu!!!
Oh heavenly father who reigns forever…
Pagbukas niya ng pinto ay pumasok naman siya agad agad…
Who guide us everyday and----
Umikot naman agad ang upuan ni daddy para harapin kami… oohhmyynaasshh!
Ang dumatnan sa amin ay ang---
Ay ang galit na mukha ni daddy! >w<
Lechon na talaga ang aabutin ko! Sa lapad at laki ko pa naman ngayon handa na akong gawing pulutan anumang oras ngayon!
“Ah kasi Doc-----.”
“Sige na nurse Maiko, makakaalis ka na…” mahinahong sabi ni daddy kay nurse Maiko
BINABASA MO ANG
Four Leaf Clover (FLC) [ON-GOING]
Teen FictionI am lonely, I am oh so lonely. I don’t know what to do but just eat, study, work and live. Did you ever experienced to feel such heartbreak like it will lose your soul? Well, I indeed experienced that. Did you already feel how gentle pain hurts lik...