Shiro's POV
Nakangiti ako habang tumitingin sa aking paligid. Sa bago kong school. Kita ko na bawat taong nadadaanan ko ay tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
Ako si Shiro Kobayashi, half jap-half fil, 3rd yr highschool, 15 yrs old.
Deretso parin ako sa paglibot ng buong school ng may biglang kumalabit sa akin.
"Shiro?" Tumingin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.
"Uy Carl! Long time no see!" nag-bro hug kami at sabay kaming naglakad.
Siya si Carl Ortega. isa siya sa mga childhood friend ko. Huli ko siyang nakita eh nung graduation ko pa.
"Shiro daw pangalan ni pogi!"
"Oo! Sabi ng President ng Student Council na nagmamay-ari ng puso ko"
"Omg! Shiro babes---"
"Akin siya oy!"
"Not bad for a new student huh." sabi ni Carl na natatawa-tawa pa pagkatapos niya tumingin sa mga babaeng naguusap sa may likod namin.
"Hahaha. President ng Student council ka pala ah parang dati lang ang tahi-tahimik mo." sabi ko sa kanya at tumawa.
"Shhh! hahaha. Anyway, welcome and enjoy your first day here" Sabi naman niya.
"President na president ah. Hahaha." sabi ko at tinap siya sa balikat.
"Syempre. sige. Mauna na 'ko, may pupuntahan pa 'ko eh." Tumango ako at kumaway bago siya naglakad paalis.
Pinagpatuloy ko na lang paglalakad ko. Napatingin ako sa hawak kong papel. Ang schedule ko at map patungo sa classroom ko. Sinunod ko naman yung way na nakalagay sa map papunta sa room.
"Hoy Shiro! Gago ka talaga! Hindi mo kami hinintay!" Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.
"Oo nga! tss. Iniwan mo kami ah!" sabi pa ng isa. Humarap ako sa kanila at nag-peace sign. Ang babagal kasi nila kumilos kaya iniwan ko na.
"Bagal niyo eh!" sabi ko naman.
"Kahit na! Eto kasing si Kyle eh! Talo pa babae kung maligo!" Sabi ng kaibigan kong si Josh.
"Ako pa ngayon Josh? Eh ikaw nga ulyanin eh! Hinintay ka pa tuloy namin ni Drei sa lobby!" sabi naman ni Kyle.
"Luh? Sapakin kita eh! Edi sana kung saglit ka lang maligo eh nacheck ko pa sarili ko!"
"Tss. Aga aga ang ingay niyo. Parehas naman kayong mabagal kumilos." Sabi naman ng kaibigan ko na si Andrei, Drei for short.
Sasabat pa sana yung dalawa pero inunahan ko na. Baka magrambulan pa yan dito sa hallway eh.
"Gegege. Tara na sa room. 8 minutes na lang malalate na tayo." Sabi ko sa kanila at naglakad na.
Pagkarating namin sa room eh biglang naging tahimik. Kanina naman ang ingay ingay nila. Rinig na agad habang papadating pa lang kami.
Nakapako lahat ng paningin sa amin na para bang isa kaming anghel. Ngumiti lang ako at naghanap ng bakanteng upuan.
Nakakita ako sa pinakalikuran na limang bakanteng upuan. Meron sa harapan pero isa lang.
Naglakad na ako doon habang yung tatlo nakasunod lang din sakin. Puro naman bulungan yung kaklase namin.
"Ang pogi nila!"
BINABASA MO ANG
A Dare Kiss
Teen FictionShe hates almost everything, while he loves and enjoys almost everything. Yan ang pinagkaiba nila. Maari kaya silang magkasundo? O puro away na lang?