Chapter 2

23 0 1
                                    

Shiro's POV

Inaayos ko ngayon mga gamit ko. P.E kami ngayon kaya magdadala ako ng extra t-shirt. Yung iba lalagay ko sa locker.

Time check: 6:20

Ang aga ko pala masyado. 7:30 pa simula ng klase namin. Nilabas ko yung phone ko at tinext sila Kyle.

To: Kyle Panget, Josh Monggoloid, Drei PMS

Message: Maaga ako nagising. Mauna na 'ko. Sabay sabay na lang kayo.

Sinend ko na yun tapos sinuot ko yung jacket ko na itim. Lumabas na ako ng unit at bumaba sa parking lot.

Pagkadating na pagkadating ko sa pwesto ng kotse ko sumakay agad ako at pinaandar yun.

Magma-Mcdo muna ako. Di ko trip kumain sa condo kanina eh.

Umorder ako ng isang large fries, isang chicken fillet, isang coke at isang chicken sandwich.

Nagdalawang isip ako kung saan ako kakain. Kapag dito ako sa Mcdo kakain eh ang loner ko tignan. Ang pogi ko namang loner.

Sa school na nga lang ako kakain. Lumabas na ako ng Mcdo at sumakay na sa kotse ko. Nilagay ko muna sa shotgun seat yung mga pagkain na inorder ko at nagdrive na papunta ng school.

Pagkarating ko ng school eh ang konti pa lang ng mga estudyante. Napagisipan ko na sa music room na lang ako kakain. Panigurado walang tao doon.

Naglalakad na ako paakyat ng 2nd floor papunta ng music room ng may narinig akong naggigitara.

Nang marating ko yung pinto ng music room, may nakita akong babae na naggigitara at kumakanta. Aalis na sana ako pero narinig ko kinakanta niya yung paborito kong kanta. Vegas Skies ng the Cab.

It's Twelve O'Clock and I need your attention

it's like the alcohol making my head spin

Your scent is the rum, the room is a bottle

Keeping me hopeless 'til I wake tomorrow

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Napakaganda ng boses niya..

If tonight ever makes a difference

The way that I feel

The way that I'll remember it

I'll take this down until the glass remains

Swallow the words that i was meant to say

Gusto ko makita yung mukha niya. Kaso para akong napako dito sa kinatatayuan ko. Napakaganda talaga ng boses niya. Nakakapanghipnotismo. Napakasarap pakinggan.

It's a long drive back to Vegas Skies

So why don't I make one more wrong turn tonight

Nakatayo parin ako dito sa tapat ng pinto ng music room. Sinabayan ko na lang siya sa pagkanta hanggang sa natapos yung kanta.

Tumigil na siya sa pagstrum at pagkanta kaya tumigil na din ako. Ilang minuto ako nakatitig sa pintuan ng music room baka sakali na lumabas siya at makita ko yung mukha niya.

Nagtaka ako ng wala paring lumalabas kaya pinasok ko na yung music room. Akala ko andito padin siya kasi di pa siya lumalabas, ngunit walang tao dito.

Napatingin ako sa bintana na nakabukas. Lumapit ako doon at nakita ko yung garden ng school. May isang malaking puno sa tapat nitong bintana ng music room at kayang kaya ko bumaba galing dito sa music room pababa ng garden gamit itong puno.

A Dare KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon