Chapter 3

14 1 0
                                    

Shiro's POV

'It's Twelve O'Clock and I need your attention it's like the alcohol making my head spin. Your scent is the rum, the room is a bottle keeping me hopeless 'til I wake tomorrow'

Tch. Napatingin ako sa phone ko, 5:56 na. Napahiga ulit ako sa kama dahil sa sakit ng ulo. Hangover.

"Shiroooo? Brad? Pitt?" Hindi ko pinansin yung nagsalita at nagtakip lang ng unan sa mukha.

"*Pok* Corny mo!" Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at may narinig akong nilapag sa side table ko.

"Hoy shiro! Kape oh. Libre ni Drei yan wag ka magalala." Sabi ni Josh. Tinanggal ko yung unan at umupo bago uminom ng kape.

"Salamat pre." Sabi ko at uminom pa ulit ng kape. Umayos naman pakiramdam ko kahit konti.

Napatingin ulit ako sa kanila. "Paano pala kayo nakapasok dito?" Tanong ko. Baka sinira nila yung pintuan ng unit ko eh.

"11-11 lang naman password mo sa pinto eh. Hahaha!" Sabi ni Kyle at nagpeace sign. Ganun kasi yung lock ng mga pintuan ng unit namin, para siyang box tapos may numbers. Connected sa phone ko.

"Birthday mo lang pala password," Sabi ni Drei habang nakangisi.

"Akala ko 69----" tuloy sana ni Josh ng takpan ni Kyle bibig niya.

"Hoy! Aga aga!" Sabi ni Kyle at binatukan si Josh na tumatawa.

"Hahahaha. Joke lang. Tara na nga baka malate pa tayo!"

"Nice idea. Layas na! May pasok pa tayo." Tumayo ako at tinulak sila palabas ng kwarto ko. Hindi na ganun kasakit ulo ko. Makaligo na nga.

Dumerecho ako sa banyo at nagbabad sa bathtub. After 30 minutes tsaka ko naisipang lumabas. Nagtwalya na ako at lumabas ng banyo.

'It feels just like it was yesterday we were in love, why's it falling apart

I've never been one to walk away but I've had enough and it's breaking my heart'

Lumapit ako sa side table ko kung saan nandun phone ko. Tinignan ko caller ID. Sinagot ko naman agad yung tawag pagkatapos ko tignan.

"KUYAAAAAAAAAAA?! MIKO TOOOO!" Nailayo ko yung phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw ni Miko. Napailing na lang ako habang nakangiti... Namiss ko siya.

Siya si Tamiko Kobayashi, kapatid kong babae. 6 years old na siya at grade 1 na. Akala ko nasa Japan siya. Dun na kasi siya nag-kinder. Tuwing summer pumupunta ako ng Japan para dumalaw.

"Hello tammy." Sabi ko ng nakangiti. Naiimagine ko na mukha niya ngayon na naka-pout. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag ko siyang tammy

"Hmp. I hate you kuya! Panget pangalan nyan!" I chuckled. Hindi padin siya ganun kagaling magsalita ng tagalog. Nakakaintindi siya pero pag siya na nagsasalita, nahihirapan.

"Hahahaha. I was just kidding! Anyway, bakit hindi ka sumama kay mommy sa school kahapon?" Tanong ko.

"I fell asleep eh. But mommy said punta kami school later!" Masiglang sabi niya.

"Nice. Well kuya need to get ready for school already. See you later okay? Love you tammy." Sabi ko. Napatingin naman ako sa wall clock ko. 7 na. Kailangan ko na kumilos.

"Okay kuya. Hmp. Love you too!" Binaba ko na yung tawag at nagbihis na.. Cereal na lang ibbreakfast ko kesa bumili. Wala na 'kong masyadong oras.

-

"Pwede na kayong mag-recess." Haaaay. Bagal ng oras. Sana uwian na.

"Mga pre. Hindi muna ko sasabay. Lunch na lang ako kakain." Sabi ko kila Drei. Tumango sila kaya naglakad na 'ko palabas ng room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Dare KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon