Chapter 32:
_Year passed")
Roscel POV
3 MONTHS.
6 MONTHS
9 MONTHS
And 1 year. Isang taon ang lumipas. Isang taon na ganun padin. Mahal pa din namin sila. At kagaya nga ng napagka sunduan namin. Ngayon na namin tatawagan sila Paolo at Cristoff. Pero sila lang. sa loob ng isang taon namiss din namin ang mokong na yun.
Graduate na din kami ni Liscel...
"Roscel kinakabahan na talaga ako. Sure akong galit satin ang dalawang yun" sabi ni Liscel. Nakaharap na kasi kami sa Laptop. Dapat talaga tatawagan namin pero nagbago isip namin kasi OL sila sa skype. Wahhhhh!! Gumawa pa kami ng another account para lang hindi nila malaman na kami ito.
"Game na!" at clinic na ni Liscel ang skype at biglang lumayo sa laptop. Natakot ata!! Ako naman hindi nagpakita sa Camera. Katulad ni Liscel nahiya din ako.
"Hello" sabi nung nasa kabila. Boses yun ni Paolo. I miss his Voice.
"Hi!" bulalas ko habang hindi parin nakatingin sa Camera.
"Teka nga ako nga diyan" boses yun ni Cristoff. Feeling ko nagaagawan sila.
"Ako na nga sabi! Hindi pa siya nagpapakita" boses ni Paolo.
"Kahit kailan talaga.!! I miss the vote of you" bulalas ko. Nangingilid na ang luha ko. Lumapit saakin si Liscel at hinagod ang likod ko.
"Teka lang. kilala ko yung boses na yun"-si Paolo
"Ako din"-Cristoff
"Hoy mga ugok kami ito. Mga cousins" at hindi na nakapagpigil si Liscel nagpakita na siya sa Camera.
"Weh di nga! Picture lang yan eh" pabirong sabi ni Paolo. Sumilip na din ako at nakita na din nila ako.
"K-Kayo ba talaga yan?"-Cristoff
Tumango kami ni Liscel.
"Bakit ngayon lang kayo nagpakita at bakit ngayon lang kayo nagpakita saamin" galit na sabi ni Paolo
"Sorry..." nakayuko kami habang sinasabi ito sakanila.
"Hay naku!. Alam niyo ba kung ano ang ginawa niyo sa mga boyfriend niyo dito. Iniwan niyo sila. INIWAN NIYO" at kita namin na nag walk out na si Cristoff.
"We know"-sabi ko. Naiiyak na naman ako.
"Paolo. Please huwag niyo na muna sabihin sa kanila ito. Ayokong maalala pa nila kami kasi tanga kami. Paolo please. Kayo palang ang nakakakita saamin. Paolo please" pagmamakaawa ko.
"Fine!" galit na sabi niya
"Thank you"
"Nasaan ba kayo?" tanong niya.
Nagtinginan kami ni Liscel, hindi namin alam kung dapat pa ba naming sabihin kung nasaan kami ngayon.
"Kapag hindi niyo sinabi. Sasabihin ko talaga sakanila ito"
Napabuntong hininga kami...
"We're in France"
"Nasa France pala kayo. Akala namin nasa America kayo. Ayan tuloy napun-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang dumating si Cristoff at humarap ulit saamin.
"Sorry Cristoff!" pareho naming sabi ni Liscel.
Inisnaban lang niya kami... HAY! Pati pinsan namin galit saamin paano nalang kaya sila ni J.L.
"Ano ba kasing ginawa niyo at nangiwan kayo"si Cristoff
Tumingin saakin si Liscel at tumango nalang ako.
Kwinento niya lahat. Lahat lahat pati yung sa sakit ko at sa kasunduan namin na after 3 or 4 years ang balik namin.
"So ano na ang balak niyo ngayon?" tanong ni Paolo. Mukhang nagets niya na kung bakit kami umalis.
"Hindi muna kami uuwe. Doon na kami uuwe kung ready na kami na harapin sila..." ako
"Bahala kayo! Basta ang masasabi ko lang sainyo nagkakasakitan lang kayo sa mga ginagawa niyo"-si Paolo
"We know that. Kaya nga pinagbabayaran na namin lahat diba... Paolo Cristoff. Please huwag niyo sabihin saknila ito. Ayokong mas masaktan sila lalo. Ayokong malaman nila ito. Please. Kontento na din naman kami sa nakukuha naming impormasyon saknila."si Liscel
Napabuntong hininga ang dalawa.
"Bahala kayo. Basta kapag may iba na sila huwag na huwag niyo kaming sisisihin kasi binalaan namin kayo"
Tumango nalang kami.
"Ok sige bye. Gabe na din! Maaga pa pasok namin bukas" paalam ko
"Oh sige! Skype ulit tayo sa ibang araw..." si Cristoff
Nagkatinginan kami ulit ni Liscel...
"Sorry Cous. But we think ito na ang huli. Doon niyo nalang ulit kami makikita sa pagbalik namin. Sorry cous pero ito na yung deal namin..."nakayukong sabi ko.
"Ganito ba talaga kayo kaseryoso sa kalokohan niyo. Ha" galit na si Paolo.
"Sorry. Pero kung gusto niyo kami Makita just call mom. At padadalhan niya kayo ng picture namin" pabirong sabi ni Liscel
Sinamaan lang siya ni Cristoff... "Hindi kami nagbibiro! Serysoso kami" galit na din si Cristoff.
"But cous we're serious about this" sabi ko naman
"Bahala kayo kung yan ang gusto niyo!"-si Paolo
"Sorry" sabi naming ni Liscel
"Ok bye" at pinatay na nila ang skype. Hindi man lang kami hinayaang magsabi ng goodbye. Tatlong taon din ang hihintayin namin bago namin sila ulit makausa. GALIT talaga sila.
"HAY! Na istress ako saknilang dalawa" bulalas ni Liscel habang nakahiga sa kama.
"Ako din." At humiga na din ako sa kama ko.
"Roscel naisip mo na ba ang mangyayare sa oras na magharap harap tayo ulit?" tanong saakin ni Liscel.
"Kung ako tatanungin. Ou naiisip ko na."
"Ano sa tingin mo?" tanong niya
"Tingin ko makikita ko kaagad ang mukha ni J.L na na galit na galit. At hindi ako magtataka kung sampalin niya ako. Pati na din sila Ate Michelle at Roseann. Hindi ako magtataka kung bakit galit sila saakin."
"Ako din! Ganyan na din ang naisip ko" sabi ni Liscel
Napatingin nalang ako sakniya. Makikita mo talaga sa mata namin ang lungkot at pangungulila.
Namimiss ko na ang lance ko.
Gusto ko na yung mga yakap at halik niya.
Namiss ko na ang amoy niya. At ang mukha niyang napaka gwapo.
At higit sa lahat namimiss ko na ang pagmamahal niya.
[To be continued]
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]
Teen FictionUnder Construction- Love wins over everything, Piniling magmahal ni Roscel sa taong sobrang nagbibigay saya sa buhay, and when she's committed,everything about it will be good because for once in a lifetime she fell in love with the thought of servi...