Chapter 40:_The last and only last")

875 20 2
                                    

Chapter 40:

                   _The last and only last")

 

Roscel POV

[Picture ni J.L---->>>>]

Matapos naming mag reaunion doon sa restaurant na yun. Isa isa na kaming nagsiuwian. Pagod na din kasi ako. Sasakay na sana ako ng kotse ni Jolo ng may biglang tumawag sakanya.

"Hello. Po si Liscel, ah sige po. Opo" rinig kung sabi ni Jolo.

"Naku! Roscel hindi ka ata namin mahahatid sa bahay niyo. Pinapapunta kasi kami ni Liscel sa bahay ni Mommy."

Putek yan! Edi sana pala dinala ko na ang sasakyan ko.

"Ok lang! mag ta-taxi nalang ako..." sabi ko sakanila.

Kita ko ang pagtingin ni Jolo kay J.L. naku! Masamang senyales ito.

"J.L kaw nalang maghatid kay Roscel sa bahay nila" oh no! huli na ako.

"Sige" yun lang ang sinabi ni J.L at agad na siyang pumunta doon sa sasakyan niya.

Tiningnan ko ng masama si JOLO. Lumapit na din ako kay Liscel para magpaalam, ganun na din ang ginawa ko sa iba. "Ingat lang and nasabi nila" Papasok na sana ako ng biglang buksan ni J.L ang malapit sa driver seat. Tss gusto ko pa naman sa likod umupo! No choice. Doon tuloy ako umupo sa tabi niya. Putek!

Nang makapasok na siya. Agad akong may hinalungkat sa bag ko. Gusto ko mag sunglass at magpanggap na natutulog...

Nang Makita ko yung sunglass ayun umayos naman din ako ng upo at sinandal ang katawan ko sa upuan at sinuot ang sunglass. Pero nung aalis na sana kami, bigla siyang lumapit saakin. What the? Anung gagawin niya.?

"Hoy! Anong gagawin mo?" tanong ko

Ngumiti lang siya at sabay na may kinuha sa may upuan ako. Yung seatbelt pala. Yung ngiti niya! After so many years ngayon ko nalang ulit nakita yung ngiti niya.

Nang matapos niyang nilagay yun. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa labas.

Kuakabog na naman ang dibdib ko...

"Thanks" yan na ang huling sinabi ko sabay pikit ng mata. Dinadalaw na talaga ako ng antok...

*********

Pagising ko! Agad akong napabangon. Nasaan ako. Bakit nasa loob ako ng sasakyan? What the. Bakit hapon na?

Teka isipin ko nga kung ano nangyare kanina.

Si J.L kotse niya to...

Hinanap ko kung nasaan siya, kaya nakapagdesisyon na akong lumabas. Pero laking gulat ko kung nasaan kami. Ito yung lugar kung saan siya nag propose saakin.

Ano na naman ba ito?

"Gising kana pala!"

Hindi ako umimik.

"Bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong ko.

"Wala kasi akong maisip na lugar kung saan pwede kang makatulog ng mas matagal. Ayaw naman kitang gisingin."

Hindi nalang ako umimik...

"Tanda mo pa ba to?"

Napatingin ako sakniya. "Bakit? Eh ano ngayon kung tanda ko pa to"

Nagiinit na ang ulo ko. Unang una bakit niya ako dinala dito. Nakakainis ah! Hindi na nakakatuwa...

"Ito yung lugar kung saan ako nag propose sayo..." sabi niya habang nakatingin sa papalubog na araw.

My Angel Girl (1 and 2) [Completed] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon