Sabihin Mo Lang
By: JADE
Hindi mo naman kailangang magpanggap
Sabihin mo lang. hindi na kita pipilitin pa.
Pagkat ayaw ko namang para sayo'y mahirap
Kung talagang pag-ibig mo'y wala na.
Bakit ko ba ipagsisiksikan pa ang sarili ko,
Kung mas maiging magkalayo na lamang tayo?
Dahil kung sawa ka na sa ating kahibangan
Itigil na natin ang ating paglolokohan
Dama ko ang tiis mong ginagawa para sa'kin
Di ko naman sinabing ako'y iyong mahalin
Kung ayaw mo na ay maaari ka ng lumayo
Sino ba ako para ipagpilitan pa tayo?
Marahil nga ay di na natin kinaya ang mga pagsubok
Ika'y biglang mawawala na para bang ika'y usok
Sabihin mo lang kung talagang hindi mo na kaya
Sapagka't ako'y likas na mapagparaya
Sabihin mo lang kung may mahal ka ng iba
At sasabihn ko sayong makakaalis ka na
Ngunit dating pakikisama ko sayo'y di na maibabalik
Dahil ikaw ang lumayo at kumalas sa hawak ko
Pero kahit anong tanggi ko, sayo ako'y sabik
Sabihin mo lang kung babalik ka, nandito pa rin ako.