NOTE: PAGIPAUMANHIN NIYO ANG TULANG ITO...
HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! XD! HINDI KO DIN PO ALAM ANG DAHILAN KUNG BAKIT KO NASULAT TOH! PERO ONE THING FOR SURE...
I WAS IN TRANCE WHEN I WROTE THIS... OR COMPLETELY DESPERATE. :D
either way... please vote! comment! and be a fan! BOOOOGGGSSSHHH!!!!
*CONFETTI*
____**____**____
Kapag patay na kayong lahat ako na ang mananaig.
Ako ang nasa tuktok at walang makadadaig
Dahil ang dugo niyong ibinulwak sa harapan kong banal
Ay siyang pampatibay sa aking bagong bayang walang dangal
At kung mamarapatin pati buto niyo’y aking lulubusin
Pansemento sa mga gusaling aking patatayugin
Para sa aking pangalang kasing tayog ng dilim
Babalot sa kalikasang kinitil ng isang patalim.
Ako ang sasambahin ng bangkay niyong malamig.
Sa aki’y walang puwang ang kasiyahan at pag-ibig.
Ang gusto ko’y magdusa ang lahat at ako lang ang masaya.
Sa ayaw at sa gusto niyo, ang lahat ng inyo ay akin na.
Ang inyong kapalara’y sa hukay ang punta.
Ako’y imortal habang kayo’y alikabok na.
Libingan niyo’y basurahang masangsang at mabaho
Samantalang ako’y nakaupo sa aking silyang ginto.
Ito ang aking sumpa sa inyong ako’y laging niyurak
Na sa aki’y walang kaawa-awang patalikod nanaksak
Ang aking imahinasyon at itong aking tula’y di sapat
Sumpang ako ang magwawagi kapag patay na kayong lahat.