Something New
It's Saturday today, and naghihintay ako kay Rissa kasi sasabak na naman daw kami sa panibagong Adventure. Wala na akong masabi kasi sya ang Boss eh. The last time na umalis kami eh sa Batangas kami napadpad. And it was totally an unforgettable experience, Lalo na for me kasi first time kong maranasan yung mga bagay na yun. Lalo na siguro yung Joy ride and Sing along sa kotse na kahit college ako eh hindi ko pa nagagawa. But now, San naman kaya ang punta namin?
"Sorry Im late!"sigaw nya habang tumatakbo sakin.
This time, iba naman ang ayos nya. Pero nakakatuwa pa rin. Shes wearing a Pink skirt with Leggings. And a Sleeveless top with a white cardigan. Tapos yung ayos naman ng buhok nya eh naka Fistail braid na may Silver headband sa ulo. Pero bakit hindi sya naka shades?
"Bat di ka nakapang-disguise?" tanong ko agad sakanya.
"Okay lang yan. Here take this.." sabi naman nya sakin sabay bigay nung guitar case.
"Ano to? Bat ito yung dala mo at hindi violin?" tanong ko naman agad.
"Marunong ka namang mag-gitara diba?" tanong naman nya.
"Oo naman. Bakit?" sagot ko naman.
"Good. Tutugtog naman tayo gamit nyan. Promise! Masaya to!" tapos hinila na nya ako.
"Ah san ba tayo?" tanong ko naman.
"Dyan lang tayo sa malapit. Dun sa may sea side sa Roxas Boulevard."
"Dun?" gulat na ani ko kaagad.
"Oo dun. Tara tara!"
At ayun nga, sumakay na kami dun sa kotse kot pumunta sa next destination. Kakanta ulit sya! Yehey. At para na naman akong bata ngayon.
"Saan tayo pwe-pwesto?" tanong ko naman sakanya habang dala dala yung guitar case nya.
"Dun! Gusto ko dun!" sabi naman nya sabay turo malapit dun sa mga statues.
"Okay okay." edi ayun pumunta na nga kami. Umupo ako dun sa may taas samantalang nakatayo naman sya.
Onga pala, habang nasa byahe kami eh napag aralan na namin yung mga kakantahin at tutugtugin namin. And yung mga songs. I dont know pero parang may Double meaning. First song is yung And I Love You So.
Nag-umpisa na akong mag-strum ng guitar at nung nag-umpisa na syang kumanta eh saka naman nagsitigilan at naglapitan yung mga tao (Dahilan para sobra ulit akong Ma-Amaze sakanya) lahat nakikinig at nakatingin kay Rissa, syempre isa na rin ako dun kasi gaya nila.. Sobra rin akong humahanga sa maganda nyang Boses. Shes really a gifted when it comes to music. Parang alam nya lahat.
"And yes, I know how lonely life can be.. The Shadows follow me and the night wont set me free. But i dont let.. Let the evening get me down, now that youre around.. Me." kanta nya.
And for some reasons, those words of her eh para bang tumama sa puso ko at pati na rin sa mga nakikinig. Kaya ayun, Tumutulo na pala yung mga luha namin. Upon hearing her words and her song. Its like.. After all those empty and lonely years of mine. Para bang nagkaroon na rin ng katuparan yung mga pangarap ko na maging kumpleto at maging masaya naman. Para bang.. Being with her is enough.
Its like, parehas kami ng pinagdadaanan na dalawa. The feeling of Longing for someone who is really important to you. But in my case, Im longing for someone whom I dont even know if it really exist.
Dati, ang hirap ng buhay ko. Kasi everytime na gumigising ako, pakiramdam ko talaga may kulang lagi. Parang may kung anong malaking butas dun sa puso ko na hindi ko magawa gawang takpan kasi hindi ko naman talaga alam kung anong dahilan sa simula pa lang. And ever since that I met her, For the first time in my life.. I finally feel Complete and not Empty anymore.
YOU ARE READING
Silver Strings II
ChickLit[Sequel to Silver Strings I] Silver Strings II: Ebony & Ivory When I met her. After I heard her play, I don't know.. It just caught me off guard and then I realized that She's the one. She's the one that my heart's waiting for. She's the one who...