Kabanata VI

435 19 3
                                    


I Will Be Here


"Oh Hey Good morning." bati ko agad sakanya nung magising na sya. Humihikab pa sya't tumitingin tingin sa paligid ng bigla syang napatayo agad at napatingin sakin ng masama.

"Oh No. Did we−" gulat na tanong nya kaagad.

"Did what? Ah. Of course no.." sagot ko naman kaagad.

"Really??" at tumingin siya sakin na parang di siya naniniwala.

"Really." I assured her. "Here. Kumain ka muna." sabi ko naman sabay lagay nung breakfast dun sa lamesa.

"Kung hindi.. Eh pano? Sinong nagbihis sakin? Hindi naman siguro −" at tumingin muli siya sakin ng masama.

"Rissa. Relax. Yung Housekeeper ko yung nagbihis sayo. Don't worry.. Wala akong ginawang masama sayo habang tulog ka so please stop thinking unnecessary things." sagot ko naman.

"Okay. Sabi mo eh.." sabi naman nya sabay upo tapos hawak dun sa ulo nya.

"Oh damn. Naparami ata yung inom ko kagabi. I really passed out, didn't I?" tanong naman nya.

"Yes. And mas worst eh sa swimming pool pa. Grabe, ang bilis mong malasing." sagot ko naman sabay tawa.

"Yeah Yeah. Ang sakit tuloy ng ulo ko."

"Kung gusto mo, matulog ka muna dun sa kwarto ko." suggest ko naman.

"Ah No. May kailangan akong puntahan ngayon. Makikipagkita ako dun sa kaibigan ko. Kaya lang wala akong damit .. Asan na nga pala yung gown ko?" tanong naman nya.

"Ihahatid na kita dun sa bahay mo ng makapagpalit ka. Alangan namang isuot mo pa rin yung gown mo diba?" sagot ko naman.

"Ihahatid mo ko?" gulat na tanong niya.

"Yup. Bakit, ayaw mo?" tanong ko naman.

"Hmm. Hindi naman.. Sige na nga."

"Great. Mag-aayos lang ako."

After kong maligo't magbihis eh, lumabas na agad kami't sumakay dun sa kotse. Sinabi nya lang sakin yung address at di ko aakalain na ganung klase yung bahay nya.

"Dito ka nakatira?" tanong ko naman sakanya.

"Yep. May problema ba?" tanong naman nya.

"Ah Wala. Ang ganda tsaka kakaiba lang kasi." sagot ko naman.

"Thanks. Ah, Thank you nga rin pala sa paghatid sakin ha? Ang dami ko ng utang sayo. Di bale, babawi na lang ako pag di ka na busy. Promise !"

"Wala yun. Basta ikaw.."

"Thanks Jace." tapos pumasok na sya sa loob.

Merong 2nd floor yung bahay nya. Malaki ito't puro Window Glass yung pader. Kakaiba sya kasi ang ganda talaga. Tapos ang dami pang halaman at puno lalo na yung mga bulaklak sa paligid na iisipin mong nasa ibang bansa ka. Kakaiba sya pumili ng lugar at ng bahay. Siguro kasi, mag-isa lang sya. Pero sabi nya, babawi sya sakin diba? I can't wait for that. Pero sana, habang kasama nya ako eh hindi nya maisip si Johann.

*****

Bumalik na muna ako sa bahay ko't kumuha ng gamit saka pumasok ulit sa trabaho. Nakalimutan ko, marami pa nga pala akong dapat gawin. Anu ba yan. Masyado ko na tuloy naitutuon ang sarili ko kay Rissa, pero di bale naging masaya naman ako eh.

Axell's Calling ..

"Hiyow! Jace ma men! Di ka na nagparamdam ah! Kelan ka ba babalik dito sa Aria ha?" tanong nya agad sakin pagkasagot na pagkasagot ko pa lang.

Silver Strings IIWhere stories live. Discover now