*Jess’s POV*
Malamig na naman. WHOOO. Ang sarap-sarap-sarap ng hangin dito samin kapag Christmas season. Parang walang nangyareng trahedya sa lugar na to dati. Parang napaka-peaceful. Pero ang totoo, madaming buhay na nawala. Madaming pamilyang nasira.
Well, anyway, puro kadramahan!! Bakit ko ba kailangang magdrama? Pasko nga e, Dapat nag-cecelebrate dahil birthday ni Jesus. Dapat nagdadasal, nagsasaya at iba pa. Hay. Sino nga ba ako para malungkot? E si Jesus ang nagligtas sa atin, dapat talagang nagsasaya ako dahil birthday niya. Pero basta, mahirap para sa akin.
Naalala ko nung bata ako 7 or 6 ata ako noong mga time na yon. Ganito din kalamig ang simoy ng hangin. Ang sarap, as in super saya gumala. Jacket or sweater lang ayos na. Hay. Ang saya. Umaga pa lang, mahalumigmig na ang atmosphere. Nandoon kami sa bahay nina Isha noon. Gumagawa kami ng mga gagamitin namin pang-caroling, pati na rin ang iba pang bagay na may relasyon sa Pasko nung time na yun. Naalala ko kung gano kami kalakas tumawa, wala kaming pake kahit malaglag yung cookies na nasa bibig namin na binigay ng mama ni Isha.
“Tignan niyo to! Gawa tayo ng dadaanan natin sa pagngangaroling!” Sabi ni Isha. Ngumuya-nguya pa siya ng cookies at nilalagok ang iced tea na hinain sa amin ng mama niya.
“Anak, don’t talk when your mouth is full. That’s not good baby. At tsaka baby, nagstustutter ka na naman.. di ba sabi ko sa’yo ang tawag dyan ay ca-ro-ling.” Sagot naman ng mommy niya sa sweet na boses.
Ewan ko ba. Katorse na ako pero naalala ko pa din kung gaano ako nainggit kay Isha nun. Ang sweet kasi ng mama niya, si Tita Anya.
“Opo mommy. Ca-ro-ling.”
“At tsaka baby anong sinasabi ninyong daan dyan for caroling? Ano yan?” Sabi ni Tita Anya.
“Yun pong magiging route po namin for our caroling. Kung saan po kami dadaan.” Sabi ng forever matalinong si Mikka. Since kinder, siya na ang top sa school. Naaccelerate siya sa grade 4, habang kami grade 1 pa lang noon. Hay. Kay talino nga naman.
“Oh.. thank you Mikka. Oh, basta di kayo lalagpas sa subdivision natin ha? Kahit saan pwede basta dapat makarating kayo dito before mag 7 ha? Okay?” Sab ni Tita Anya sa mala-jigglypuff niyang boses.
“Opo tita!” Sabay-sabay naming sabi nina Kyle, Mikka at Nikko. Meanwhile, cute little Isha is still gulping her iced tea.
“Oh Isha?? What’s your answer baby?” Sabi na naman ni Tita Anya.
“Y-yes mommy!” Sabay lunok sa cookies at iced tea. Kahit kailan, matakaw si Isha.
“Lunukin mo agad yang food mo baka matig-akan ka!” Tapos pinunasan ni Tita Anya yung bibig ni Isha. Hay, sweet mother overload.
Habang kinakain namin ang masarap na cookies na gawa ni Tita Anya at iniinom ang Iced tea, gumawa na kami ng mga gagamitin namin. Nagprint si Tita ng lyrics ng mga Christmas songs (dahil mayaman sila at may computer at printer na sila noon) habang si Kyle ay naggigitara, si Isha nagmememorize at kami nagvovocalize *charot kala mo ang ganda ng boses namin e*
Ayun. Nag-caroling na kami. Lahat ng bahay na mapuntahan namin, binibigyan kami. Ang ganda kasing boses ni Isha. Hay nako. Wala e. Ang ganda niya e. Si Kyle yung naggigitara, si Isha at Mikka yung kumakanta, si NIkko yung nagtatambol at ako yung nagtatambourine. Oh well. Napakaimportante ng ginawa ko no? *sarcasm* kakaasar.
Pero ang pinakatumatak talaga sa isipan ko noon ay isang pangyayaring hindi ko talaga inaasahan. Isang pangyayaring di ko pa din gets hangang ngayong masmatanda na ako.
BINABASA MO ANG
Exchange gift
عاطفيةSabi nila, ang personality at kabuuan ng isang tao ay biyaya mula sa Diyos. Ang bawat characteristic mo daw ay regalo mula kay God. Payat o mataba, matangkad o maliit, kulot o straight or wavy, matalino or average, lalake o babae, matanda o bata, mu...