New School Year. New Chapter . New Partner !?

10 0 0
                                    

[ Rey's POV ]

KYAAAAAHH~  First day of school naa~~~

Leche T___T .. Naranasan mo na ba na tamarin kang pumasok ? Yung ayaw mo talagang pumasok ? Kasi alam mo namang wala pang gagawin, pero pinipilit ka ng Mams mo . Kung hindi mo pa naranasan .

Congratulations! Sayo na ang Masipag Award :P

"Rey! ~" di ako kumibo, nagtalukbong ako.

"Rey, bangon na *knock.knock* masarap ang ulam, Pakbet.  Paborito mo." pang aakit sakin ng Inay ko.

tatamamad-tamad kong tinanggal ang kumot ko "Ayan na Mams, susunod na! Mauna ka na"

Hinanap ko yung tsinelas ko, at naghanap ng pamusod para pusurin ang mga ahas sa ulo ko (Medusa eh). Then, kumain ng masiglang tinatamad. Nakipaglaban sa tabo. nagsuot ng uniporme at naglakbay na patungo sa isang lugar na madaming madaldal, at iba iba ang trip ng kabataan.

Ang lugar na Kung tawagin ay  *sound effects* Paaralan.

"Hi Sissy Rey :)" -Allison

"Hi Sissy Ey -___-" tinatamad kong sabi  " Where's Sisa?--- Ugh.  I mean Where's Sissy Jey ?"

May kabuteng sumulpot sa harap ko, "Looking for me ? Miss mo ko Sissy Rey? *hugs* I miss you tooo, " - Sisa

"Kyaaah~~ Oo na miss na kita. *choke* wag mo lang akong sakalin"

"You, Two ? *pointing to me & alli* Aren't you excited?"-Jiana

Nagkatinginan kami ni Allison, "Excited for what ?"- Alli & I said in chorus.

"Kunwari pa kayo, lalo na yung lalakerong Alli nato. Ano ba girls, new school year means new chapter. New characters . New story. New PARTNER ;)" feel na feel na sabi ni Jiana.  "But for Allison, It's partnersssss. A lot of 'S'. ^___^V"

"Pwede ba !? 4th year na tayo yan' parin ang una mong iniisip, pag first day of school ?"-Allison

"Ey, is right. besides pag may nanliligaw nga sayo hindi mo namn sinasagot. You're weird sisa *laughs*"

"Trip niyo talaga ko nooh ? A right guy for a right time. Di naman ako katulad ni Alli lahat sinasagot :D, kaya mainit sa mata ng chismosa" -pagbibiro ni Jiana.

"Kesa magpaloko ka diba ? At umiyak ka ng umiyak"-Allison

"Tara na mga sissy Tigilan niyo na yan. baka magwrestling pa kayo dito nakakahiya sa mga tao"

---

Pumasok na kami, at as usual.

Nagpakilala lang ang mga teachers, diniscuss ang grading system, sinabi ang color ng notebooks per subj. at break time na ngayon. At syempre pag breaktime nasa canteen ang students :P

"Bili mo nalang ako Sissy Jey"

"Ay, tamad !? Ano naman bibilin ko dito ?"-Jiana

"Kung ano nalang bibilin mo"

"Hoy, Allison di kaba sasama sakin ? di ka ba bibili ?" -Jiana

Siniko ko si Alli na text ng text .

"Huh ? Ano Yun?"

"Bibili ka daw ba sabi ni Jiana ?"

"Ah, sige ! Tara na Jey"

Magisa na ako sa table, at nagbabasa sa cellphone ko ng isang story . Ito talaga ang hidden agenda ko Kung bakit ako nagpaiwan eh .

"Hi X-Rey ^__^, bat parang ngayon lang kita nakita ?" -enzo

"Aba, malay ko sayo, anong section kaba ?"

MY Guitar HERO , Is in your hands ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon