Prove You Wrong

233 5 4
                                    

Mahal ko ang Camren (Camila Cabello and Lauren Jauregui) kaya sila nanaman ang leads dito. I just love them so much ^_^ Sorry not sorry.

DEDICATED TO Tres (Nixx)

______________________________________

CAMILA's POV

Peaceful Saturday night. Nakaupo ako sa kama ko habang nakasandal yung likod ko sa headboard. Nagbabasa ng Percy Jackson and The Titan's Curse.

Ganun ang pwesto ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang mahal ko. Joke. Ang best friend ko. Pero sige na nga, hindi na joke yun. Oo, mahal ko ang bestfriend ko. Siyempre bestfriend ko siya, pero higit pa doon ang nararamdaman ko. Plus, she's a girl. Uh.. No. Bisexual siya. Nakikipag date siya sa mga babae.

Pero hindi siya yung mga nakikita mo sa paligid na mukhang lalaki. No. Si Lauren (bestfriend ko), siya ang bisexual na mahilig mag heels. Sobrang ganda niya. She has gorgeous green eyes. Wavy brown hair. Porcelain skin. Yeah, she's stunning.

So back to the story.

Pumasok siya sa kwarto ko at sinara ang pinto. Nakasuot siya ng white shirt sa loob ng leather jacket niya. Naka jeans, at hindi mawawala ang beanie na nakapaibabaw sa nakalugay niyang buhok. Typical Lauren.

"Hey, nerd," she greeted. Her husky voice echoed to my ears.

"What are you doing here?" I asked rudely. Sanay na yan. Matatawag mo na kong maswerte dahil hindi niya ko iniiwan kahit sobrang weird kong tao.

Naglakad siya at nahiga sa tabi ko. Pinulupot niya ang braso niya sa maliit kong bewang at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Uh-oh. Something's wrong.

Hindi ko na pinansin ang bilis ng tibok ng puso ko, dahil ang nasa isip ko nalang ay kung anong problema niya bakit ganito siya ngayon.

Sinara ko ang librong binabasa ko at nilapag sa side table ng kama ko. I placed my left arm around her shoulder. My right hand lifted her chin. My eyes met her green orbs. Her green orbs that I love so much.

"What's wrong, Lo?" I asked softly. 'Lo' is my nickname for her.

Itinago ni Lauren ang mukha niya sa leeg ko.

"Hindi padin siya nagtetext,"she mumbled. Ayan nanaman. Problema sa girlfriend niya.

"Baka busy," sabi ko.

♪ ♫ ♩"You’re the boy with a real nice smile,

But a broken heart inside.

Give it to a girl, gave it to a girl,

And I think she lost her mind."♪ ♫ ♩

"Hindi ba ako nakakamiss?" parang bata niyang tanong.

Naramdaman kong nabasa ang leeg ko. Is she crying?

Parang tinusok ang dibdib ko. She's crying for that bitch. I want to kill someone.

"Camz," she whispered. Nakatago parin ang mukha niya sa leeg ko.

"Hmm?" I said as I stroked her brown hair.

"Is there something wrong with me?" her voice broked. Napapikit ako.

♪ ♫ ♩"Are you giving up and done?

Are you through with all this?

Are you tired of the pain?

Torn to pieces."♪ ♫ ♩

Inangat ko ang mukha niya gamit ang isang kamay ko.

Ininda ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng magtama ulit ang mga mata namin.

ONE SHOTS ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon