Endlessly

110 2 1
                                    

Not CAMREN. ;(

Dedicated to kay.. itatago natin siya sa pangalang boywaley.

(BxG) na ito.

****

"There's a shop down the street,

where they sell plastic rings,

for a quarter a piece, I swear it.

Yeah, I know that it's cheap,

not like gold in your dreams,

but I hope that you'll still wear it."

"Hoy, Ivan!" tawag sakin ng isa sa mga barkada ko, si Nicolo. "Kanina ka pa tulala. Iniisip mo nanaman si ---"

Hindi na niya naituloy sabihin yung pangalan dahil tinakpan ko ang bunganga niya. "Takte. Ang ingay mo. Baka marinig ka ng iba!"

Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya. "Ang baho ng kamay mo! Tsaka ano naman ngayon kung may makarinig? Alam naman niya."

Tinignan ko siya ng masama. May point siya, alam naman ni Paula na may gusto ako sakanya. Ako yung umiwas nung nalaman kong alam na niya. Tanga ko noh? Duwag kasi ako. May pabigay bigay pa ko ng singsing, sa labas ng gate ng school ko lang naman nabili. At hindi ko napapansin na sinusuot niya yun.

"Tol, si Pau oh," sabi ni Niccolo sabay turo sa likod ko. Agad naman akong lumingon. Nandun nga si Paula. Papasok ng room. Kasama ang mga barkada niya.

Huminga ako ng malalim. "Ang ganda niya talaga."

"PAU ANG GANDA MO DAW!" sigaw ni Nicolo.

Napatingin naman si Pau sa pwesto namin ni Nicolo. Hindi ko sigurado kung ano itsura ko ngayon. Nalaglag pa yung ballpen na hawak ko.

Ngumiti lang siya bago naupo sa upuan niya.

Ngumiti siya..

Kwinelyuhan ko si Nicolo. "Ngumiti siya," nanggigigil kong sabi.

"Oo. Nakita ko! Ako yung nginitian niya," sabi ni Nicollo. Tinignan ko siya ng masama. "De joke. Ikaw. Bitaw nga! Nalulukot yung uniform ko!"

"Yeah, the ink may stain my skin,

and my jeans may all be ripped.

I'm not perfect, but I swear,

I'm perfect for you."

"Ivan!" tawag ni Judy Ann sakin. Isa sa mga barkada ni Paula. Ang pinakaclose ko sa lahat ng kaibigan niya. Siya ang unang naka alam na gusto ko si Paula.

"Bakit?"

"Anong ginagawa mo?" tanong niya tapos naupo sa tabi ko at sinilip yung notebook na sinusulatan ko. Agad ko naman itong sinara at ngumiti.

"Wala," sagot ko.

"Tss. Nagcocompose ng kanta yan," paglaglag sakin ni Nicolo dahilan ng pagbato ko sakanya ng ballpen na hawak ko.

Ngumiti naman si Judy Ann ng nakakaloko. Isa pa to eh.

"Pabasa! Tapos mo na?"

"Hindi pa!" agad kong sagot. Tinago ko sa bag ko yung notebook.

"Alam mo bang type ni Paula ang mga lalaking mahilig sa music," sabi ni Judy Ann na tinataas baba ang kilay.

Parang nagdiwang naman ang kalooban ko sa sinabi niya. "Talaga?"

Tumango siya. "Kaso gusto niya, matangkad." Bumagsak ang balikat ko. Hindi ako ganun katangkad, pero hindi ako maliit. "Tsaka gwapo at marunong tumugtog ng instrument." Halos halikan ko na ang armchair sa sobrang yuko ko.

ONE SHOTS ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon