#2 [ REMINDER: As A Friend ]

222 19 3
                                    

Title: REMINDER: As A Friend

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•

Zoe's Point of View:

Lahat ng mga ginagawa niya.

All of them are just 'as a friend'.

So always remember:

You two, are just a friend.

'Di ko naman sinasadya na main-love sa kanya. Hindi ko rin alam kung saan ba talaga na hulog
ang puso ko. Sa kanya ba talaga o sa bike.

Siya pala si Michael Angelo or in short 'Milo' - Milo Energy Drink.

Charing.

Parehas kaming 18. Magkaklase kami since high school.

Simple lang siya. Sporty person, mahilig mag bike at mag volleyball kaya maganda katawan.

Ako naman? eto lampa lampa na walang alam gawin sa buhay.

That day nang pumunta siya sa bahay namin at niyaya niya na kong mag bike kasama siya sa park pero "the hell" 'di ako marunong mag bike.

Nanalo kasi siya ng 1st place sa bike racing contest sa Baguio at nag promise siya na kapag nanalo siya tuturuan niya akong mga bike. Kaya eto ako ngayon -.-

I don't have siblings. One and only child ako kaya minsan na s-spoiled ako nina Mama at Papa sa mga gusto ko. As usual walang time si Papa para turuan akong mag bike dahil always busy sa work niya. Tapos si Mama naman kapareha kong 'di rin marunong mag bike.

And because kaibigan ko siya, ayokong umayaw sa kanya kahit natatakot ako *grrrrr kasi naman pa minsan-minsan lang siya magyaya sakin ng ganito.

"Milo, 'di ba 'di nga ako marunong mag bike?" Nahihiya at pabebeng tanong ko sa kanya.

"Then? It's fine, Sabi ko naman 'di ba? I'll teach you. Magbihis ka na, hihintayin kita." Utos niya habang naka ngiti sakin at napangiti rin naman ako. Ang sarap niyang titigan kapag naka smile. Manipis labi niya at naka brace pa. Ang cute niya! shiii-t

"Oy! Zoe, bilisan mo na!" Sigaw niya ulit habang naka ngiti pa rin.

Excited 'tong gagong 'to e.

Excited makita akong malaglag sa bike.

"Oo, eto na po." Tumakbo na ko sa room ko para nagbihis at kinuha mga gamit ko. Pagkatapos binuksan ko garahe ni Papa at kinuha ang bike niya.

~~~
At the Chrysanthemums Park.

Nag lakad kami papunta sa paborito niyang park - kung saan siya mahilig mag practice ng biking kasama mga tropa niya.

"Oh Zoe! Tignan mo muna ko bago kita turuan ah?" Hindi ko na siya sinagot at sumakay na siya sa kanyang bike.

"My gosh!" 'Di ko maiwasan mapapa nga-nga sa kanya dahil gumwa-gwapo siya  habang nag ba-bike. Iyong tipong kahit mabilis siya mag bike nag s-slow motion pa rin siya sa paningin ko.

"Tara na Zoe."

"Zoe?"

"Zoe turuan na kita."

"Huy Zoe! Huy."

Fck! Nakatulala ako kay Milo, Tapos na pala siya. Ugh! Ba't kasi ang cute niya. Sobra.

"Sorry, sorry. Iniisip ko lang si Snow. (alaga kong husky)" Palusot ko na lang at sumama na sa kanya.

Sumampa na ko sa bike at pupunta naman siya sa likuran ko.

'Di ko alam kung anong mararamdaman ko nang ipatong niya kamay niya sa kamay ko habang nakawak ako sa manubela. "Ang lambot ng palad niya."

"Zoe, tumingin ka lang ng direstsyo para 'di ka ma tumba ah?. Bibitawan na kita maya maya." Tumango na lang ako habang siya hawak hawak pa rin kamay ko.

Nag simula na kaming mag bike. Amoy na amoy ko pa ang pawis niya. Ba't ang unfair? "Ang bango!" HAHAHA.

Binitawan na pala niya ko. Kasi naman wala siyang pa sabi.

Shiit~

At sa 'di ko ina-asahan na ina-asahan ko rin naman pala. Ano raw? 😂

"Ouch! ang sakit Milo!" At nahulog nga po ako sa bike. Sakto sa mga basuran ako na punta.

Ang sakit talaga.

Nagsimula ng dumugo ang sugat ko sa tuhod.

"Aysh." Inis ko.

"Bat 'di ko kasi ma balance." Dagdag ko na naiinis pa rin.

Etong si Milo naman tawang tawa sa pagkakatumba ko.

Nagulat nalang ako nang sinabi niyang pumunta ako sa likod niya.

Kaya doon ako nag simulang ma fall ng todong todo sa kanya kung sa bike ba? o sa kanya?

After that scene, Umuwi na kami na karga karga pa rin ako. Siya rin mismo nang gamot sa sugat ko.

"Milo, thank you ha?" Sabi ko sa kanya.

"Sh, no need to be thankful. Normal lang 'to sa mga magkakaibigan 'di ba?" Napaisip ako sa sinabi niya at natulala. Lalo na lang ako kinabahan na umamin sa nararamdaman ko para sa kanya.

Oo nga naman.

Gagamutin niya ako 'as a friend'

Kakargahin niya ko 'as a friend'

Tuturuan niya ko mag bike 'as a friend'

So 'wag kang mag assume Zoe.

Hanggang kaibigan lang talaga tayo sa kanya.

"Practice pa tayo next week?" Biglang tanong niya sa'kin pagtapos niya gamutin sugat ko.

Tumango na lang ako sa kanya. Alam niyo naman na malakas 'to sa'kin.

Tumayo na siya at "Sige! pagaling ka ah?" Hinimas pa ulo ko bago siya umalis ng bahay.

Napaka sweet talaga niya.

Ang swerte ng magiging girlfriend niya

2 years later

Nagtagal pagka-kaibigan namin ni Milo. Hanggang sa makahanap siya ng girlfriend.

Dahilan na rin minsan nawawala na 'yung bonding namin ni Milo na kaming lang dalawa.

Si Ivana Monterey - kasama niya sa pag ba-bike.

Lagi niyang kasama kapag umaalis kami. Minsan naiinis na lang ako pero wala naman akong karapatan.

Nilihim ko na lang 'tong feelings ko sa kanya.

Someday makaka-amin din ako.

Not now

Now today

Not this moment

But all I know.

On that day, alam ko na may lakas ng loob na ko para umamin sa kaniya

Para na rin malaman niya na hindi lang talaga 'as a friend' ang turing ko sa kanya.

THE END

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon