#1 [ In A Millions Stars ]

344 17 6
                                    

[ A/N: Hi everyone! All stories under this book are purely work of fiction. All places, events, names, and characters are just fictitious. Otherwise, real people, living or dead, or real events and businesses are just in coincidental. :) ]

Title: In A Million Stars

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•

Elaine's Point of View:

Si Cyril Esguerra pala the guy who's behind the nickname starlight.

Ako nga pala 'yung babaeng asa nang asa sa kaniya or in other words imposibleng maging kami.

By the way, Hey there! I'm Elaine Bautista, 18. Laging umaasa. Laging pinapaasa. Bow.

• • •

"Kailan kaya?"

"Kailan kaya niya ako mapapansin?"

Tanong ko lang sa sarili ko habang nakatitig sa mga letrato niya. "Gwapo mo talaga!" Sabi ko sa isip ko.

Napaka amo ng mukha niya. Matangos ilong, napaka bilog ng mga mata, maputi, makinis, matangkad. Hay parang 'di tumatanda. Kaya ang daming babae at mga baklang habol ng habol sa kanya kasi nga famous siya.

Kaya ako ginawa ko na lahat para mapansin niya pero wa-effect lagi sa kanya.

Pag alam mo na malabong maging kayo dapat itigil na 'to 'di ba?

Pag alam mong 'di talaga kayo pwede para sa isa't isa.

"Guys si Papa Cryril oh may hinihintay sa room natin!" Sigaw ng baklush kong kaklase. Kaya minadali kong itago lahat ng mga letratong hawak ko at ako naman curious kung sino man 'yung hinihintay niya.

"Hindi naman ako 'yun." Sabi ko sa sarili ko.

"Alam ko no! I'm not assuming." Sabi ko ulit sa sarili ko.

Bwesit! Para akong tanga dito! Kinakausap mag isa ang sarili. -.-!

"Okay class, dismiss." Utos ng prof. namin at umalis na rin siya.

Sabay sabay nang nagsitayuan mga kaklase ko at ako hinihintay kung sino ba talaga itong hinihintay ni Cyril. Nang makita ko kung sino 'yun.

Lalo nakong napaisip kung hanggang pag tingin lang talaga ako sa kanya. Hindi ba pwedeng makamit ko naman 'yung taong gusto ko? Kaya nawalan na rin ako ng pag asa para kay Cyril.

Hay! ano ba 'tong sinasabi ko? wala akong karapatan umarte ng ganito.

"Gising Elaine, gising." Hindi nga niya ko kilala tapos umaarte ka ng ganito. Tanga mo talaga Elaine - super.

It was Denise Valencia. Maganda 'yan! katulad din ni Cyril, famous sa buong campus. Kumpara sakin mayaman at napaka fashionista niya at siya talaga ang hinihintay ni Cyril.

"WOAH! Bagay kayo Denise, Cyril!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko kina Cyril at Denise. Kita ko ang kilig nilang dalawa nang marinig nila 'yun.

"Sheee-t sana all."

"Ay ang sweet oh! nila-langgam ako."

"Uy! Ninang ako sa kasal ah."

"Sagutin mo na kase Denise!"

"Denise 🖤 Cyril = DenRil! DenRil! DenRil!" Sigaw ng mga kaklase ko na sobrang kilig sa kanila.

Then my heart beats slowly.

I bluff my self.

I resist my tears.

I want to die!

now!

Just die.

Char.

Parang tanga 'to! HAHA ewan basta na realize ko lang this time na ...

"Pag ayaw, 'wag pilit, alam mo na rin na 'di kayo para sa isa't isa." Napa buntong hininga na lang ako ng malamim.

Sa dinami raming mga lalaki kasi rito sa school namin dito pa sa taong imposibleng maging kami.

Para bang mga stars.

In a million stars in this universe.

Sa star na 'di ko kayang abutin pa ko nagka gusto.

Sa star na 'di pwedeng maging akin dahil sa sobrang liwanang nito.

Para bang mga star na 'di bagay sa isa't isa.

Nakita ko kung pa'no kunin ni Cyril ang bag at mga gamit ni Denise.

Kung pa-paano niya 'to ligawan.

Paano niya 'to pagsilbihan.

Napaka gentleman naman niya.

Ano 'to? pinapa inggit mo talaga ako?

"pakyu!"

Opps bad ka na Elaine.

Sorry mga fren.

Swerte kasi ni Denise. Pakipot pa kasi 'tong babaeng 'to kung ako lang ... sasagutin ko na si Cyril - agad agad!

Umuwi na lang ako ng matamlay. 9 pm na at nasa room na ko. Buti na lang walang pasok bukas. Maka pag break muna ako kay Cyril.

Hindi ako makatulog.

Ugh! Kainis.

Lagi ko siyang iniisip kahit alam ko na may gusto siyang iba.

Tumayo ako sa kinahi-higaan ko at binuksan ang mga bintana.

Sarap ng malamig na hangin.

Nakatingin lang ako sa langit at sa mga bitwin.

Parang bitwin si Cyril -

Maningning at sikat.

Kahit kailan hinding - hindi ko maaabot.

Hinding- hindi mapa-pasa'kin.

Kaya mag simula noon. I let go my feelings to him.

Pag naa-alala ko siya tumitingin lang ako sa langit.

Naging sila ni Denise at okay lang. Masaya naman sila at bagay din naman sila sa isa't isa.

"I just wish na sana ... Cyril will become my starlight forever.

Para kahit kailan siya gustong titigan, as always na nariyan siya

Nasa langit at nagbibigay liwanag sa buhay ko."

Makakahanap din ako ng taong katulad mo.

Taong kaya kong abutin

'Yung taong pwede kong ipagmalaki sa buong universe.

Habang buhay.

THE END

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon