[ A/N: Hi, I just want to inform you that this is a 'BL' story. Yes, a boy's love story. Enjoy. ]
Title: "Hindi Pa Pwede"
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•
Paul's Point of View:
"Sana 'yung katagang hindi pa pwede, pwede pa kapag pwede na."
Halos hatid - sundo ko siya araw - araw sa kanyang office.
Accountant siya sa isang magandang restaurant.
Nagka kilala kami through social media.
Ito si Eric.
Sabi nila magka mukha raw kami.
Kaya pag may nakakakita samin na magkasama, akala nila brothers kami instead of lovers. Hahahaha. Nakakatawa kaya 'yung ganung moment. Feeling awkward - super.
''Yung feeling na ang harot naming dalawa 'tas pag kakamalan lang kaming magkapatid."
Totoo naman kasi na medyo magkamukha kami.
Parehas kaming singkit ang mata. Matangos ilong at may manipis na labi. Pag kakaiba lang namin may bigote ako at sobrang linis at kinis naman ng mukha niya. Parehas din kaming matangkad at maputi. Hindi naman sobrang payat namin, katamtaman lang.
22 na siya, 20 naman ako pero samin dalawa kung titignan mo sa mukha, mas mukhang matanda ako.
Mahilig kasi ako sa pag papatubo ng bigote. Maliliit lang bigote ko tska manipis kaya bagay na bagay sa'kin.
Sabi niya bagay ko raw 'yun. Kaya magsimula nang sabihan niya ko nang ganun 'di na ko nag sh-shave ng bigote. Sobra raw ang appeal ng bigote ko sa kanya.
Isang araw. Nang susunduin ko siya gamit 'tong regalo niya saking motor. 7:30 pm. 'Di ko pinaalam na susunduin ko siya. Sopresa ko sana sa kanya dahil 3 weeks na kaming 'di nag kikita. Busy sa school ko at busy naman siya sa work niya.
Naka school uniform ako nang pumunta ako sa restaurant na pinag ta-trabahuan niya. Halos 30 mins na rin akong nag hihintay pero 'di ko pa siya makita. Ayoko naman siya i-text baka makahalata siya.
Hanggang sa nag tanong nalang muna ako sa a ka trabaho niya.
"Ahh si Eric, nag leave muna siya ngayon. Pagkakaalam ko may family gathering daw sila ngayon. Umuwi 'yung lolo at lola niya galing States." Sabi ng manager ng restaurant.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
JugendliteraturDIFFERENT PEOPLE. DIFFERENT EMOTIONS. DIFFERENT STORIES. ALL IN 1. These are some of my corny and cheesy stories na talagang matatawa na lang kayo dahil sa ka-cornihan. Gawa po ito ng aking pansariling imahinasyon na tiyak makaka- ralate kayo. Enj...