Chapter I

18 1 0
                                    

"ALEX, nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Mr. Villanoble?" ani Joy. Ang tinutukoy nito'y ang may-ari ng pabrikang pinagtatrabahuhan nila. Kapwa sila nagbabalot ng mga gawang tsokolate. 

   "Nakadiyaryo na nga eh. Balita ko ang kaisa-isang anak niya na lalaki ang papalit sa kanya." Ani Alex na hindi inaalis ang mata sa ginagawa. "Ano kaya ang itsura niya? Siguro gwapo kasi mistiso si Sir Anton eh," anito. 

"Tsaka mayaman, kaya alaga ang balat," aniya.

      "Pumunta nga dito kahapon ang sekretarya ni Sir Anton. Gusto daw ng anak may PA siya, para daw mas madali," doon napa-angat ang mukha ni Alex. "Ang sosyal naman. Sa tingin mo mabait siya?" ani Alex sa kaibigan. 

"Hindi ako sigurado. Dito daw sila kukuha. Malamang ngayon hinahalukay ang mga Bio-data natin sa itaas," nakangiting turan nito.

    Nasa ganoong usapan sila nang dumating si Sheila na humihingal. "Alex, andiyan si Migs!" anito na ang tinutukoy ay ang makulit na manliligaw ni Alex na kanyang kinaiinisan. 

"Anak ng gorilya! Naman oh... Sabihin niyo wala ako," aniya sabay nagmadaling magtago. Mula sa pinagtataguan niya naririnig at nakikita niya sina Joy habang kausap si Migs. "Wala nga siya dito. Hindi siya pumasok kasi nagkatigdas sa kilikili at tinubuan ng pimples sa puwit," palusot ni Shiela. 

       "Baka naman tinatago niyo lang." Pilit ni Migs. "Saan namin itatago 'yun, aber? Sa panty namin? Hindi rin namin pwedeng isahog sa chocolate 'yun." Inis na asik ni Joy. Matalim magsalita si Joy, nakakasugat. 

"Sige na Migs! Umalis ka na, kasi nakakaabala ka na," ani Shiela. "Gusto ko lang siyang kausapin," pilitn parin nito. Hindi parin kumbinsido. "Anong akala mo kay Alex? Panyo na pwede naming isingit kahit saan? Pwedeng ibulsa?" Inis na inis na si Joy. Mapilit parin si Migs. Kung hindi pa siya lalabas mangungulit parin ito. Hindi na siya nakapagtiis.

        "Ano ba Migs! Sabi nang wala ako dito eh. Ba't ba ang kulit mo?" asik niya nang makalabas siya sa pinagtataguan niya. Salubong naman ang kilay ng dalawang kasama niya. "Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho dahil sayo? Kapag nangyari 'yun, tatamnan ko ng buko 'yang mukha mo!" asik niya dito. 

Napakamot naman ito sa ulo at laglag ang balikat na nagsalita. "Gusto lang naman sana kitang makausap. Pero mukha talagang ayaw mo. Sige aalis na ako, pasensya sa abala," anito at kusang lumabas. Nakahinga siya ng maluwag. 

          Nagkatawanan naman sila nang tuluyan na itong maka-alis. "Ang galing mo rin ano! Pinilit mo kaming itago ka, lalabas karin pala," ani Shiela. "Akala mo, nasiyahan ako sa sinabi mong may tigdas ako sa kilikili at pimples sa puwit? Kung hindi pa ako lumabas mlamg sinabi mong  umaagas ang uhog ko sa ilong o 'di kaya'y hindi ako nakapagbunot ng buhok sa kilikili," aniya.

"Hindi naman ako gan'on kasama, kala mo," anito at muli silang nagkatawanan. 

~pagdating sa bahay~

"NAY! Andito na po ako," ani Alex sabay mano sa ina. "Ginabi ka yata, anak," ani Aling Myrna. "Nag-overtime kami nay eh. Si kuya po?" ania tukoy sa kapatid. "Alam mo naman 'yun," mailap na sagot ng ina.

      Black sheep ng kanilang pamilya ang kuya Ivan niya. Tatlo lang silang magkakapatid at nag-iisa lang siyang babae. Naging working student siya hanggang makapagtapos siya ng kusang BS Psychology sa  UP Diliman. Nagdisisyon siyang mag-under employment dahil ayaw niyang malayo sa pamilya, lalo na't siya ang kumakayod upang buhayin ang mga ito. 2 years old na siya. Ang bunsong kapatid ay pitong taong gulang pa lamang at nasa elementarya. 

"Eh si Angelo po?" tukoy sa bunso niyang kapatid. "Natutulog na. Kumain ka na ba? Kumain ka na at magpahinga, maaga kapa bukas," ani kanyang ina.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boss Kong Masungit, Sa Puso Ko NakaipitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon