Demonic 34

14.6K 366 5
                                    

Third Person's POV

Nagkakagulo na ang mga studyante dahil sa narinig nilang putok ng baril.Lumabas ang mga ninja at armadong mga lalaki at kasama na doon ang pitong lalaki na nakisali sa Masquerade ball.Lahat sila nakamaskara.

May sumugod na tatlong lalaki kay Demon.Naiwasan nya ang isang Katana at sinipa ito pataas para makawala sa kamay ng ninja at sinalo ito.

'Easy' sabi nya sa kanyang isip.

Naramdaman nyang may tatama sa bandang kanang ulo nya pero yumuko sya at umikot papuntang gilid nito at sinaksak sa tagiliran.

Pinagmasdan nya ang Katana na may bahid ng dugo.

'Mukang magiging madugo to' isip-isip nya

Sa kabilang banda naman ay lalong dumadami ang mga kalaban.Nagmistulang battle of the Blood ang iskuwelahan dahil sa daming naglalaban.Madami na ding nasawing mga studyante at sugatan.

Dumating na din ang mga taga Mafia Ekans at Snake at nakipaglaban sa mga kalaban.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang taong nanonood sa isang malaking screen..Ang pinuno ng kalaban.

"Sige!patayin nyo silang lahat!hahaha"

'Mauubos din ang mga lahi ninyo'puno ng galit nyang sabi

Pinagpatuloy nya ang panonood na kala mo ay isang pelikula lamang ang kanyang nakikita.Nagulat sya ng konti konti nang nauubos ang mga tauhang pinadala nya dahil sa isang tao.

'Ang Mafia Empress!f*ck!'sabi sa kanyang isipan.

Nakita nya kung gano ito kabilis gumalaw at parang buhawi lamang na dumadaan sa mga kalaban.Dahil pagkatapos nya itong madaanan ay nagiiwan ito ng malaking pinsala.Ang iba ay may saksak sa bandang puso o hindi kaya ay sa mga organ nya ito pinapatamaan.

'Mukang masyado kitang minaliit little Empress'

May idinial sya sa kanyang cellphone pagkatapos ay binanggit ang mga salitang

"Get him"utos nya sa isa nyang tauhan

"Yes boss"

"Sa susunod na lang Empress at sisiguraduhin kong tayong dalawa naman ang magtutuos hahaha"

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay umalis na sya at pumunta sa lugar kung saan dadalhin ang inutos nyang kukuhain.

Rence's POV

Kalaban ko ngayon ang pitong lalaki.Mukang mahihirapan ako nito dahil pito sila at mukang malalakas pa tss.

"Sumama ka samin"sabi nung isang lalaki

"What?are you crazy?do you think sasama na lang ako sa inyo ng basta basta?tsk stupid"cold na sabi ko sa kanila

Nagtinginan sila pagkatapos ay tumango sa isa't isa.

Sabay-sabay silang sumugod.May naramdaman akong susuntok sa gilid ko pero naiwasan ko ito.Sinipa ko sa sikmura ang isang lalaki at sinuntok naman sa panga ang isa pa.Pero agad silang nakatayo.Dehado ako ngayon.

"Argh!"daing ko nang naramdaman kong may tumama sa tagiliran ko.Sh*t!

Ininda ko lang ito at nakipaglaban na ulit.Sinuntok ko ang isa pero naiwasan nya ito at gumati din ng suntok.Pinalilibutan na nila ako at nahawakan ako ng dalawang lalaki.May naramdaman akong konting kirot na parang kinagat ng langgan sa bandang batok ko pero hindi ko pinansin.

Nagpumiglas ako sa nakahawak sakin at nakawala ako.Kinuha ko ang dagger na pagmamay-ari ko at isasaksak na dapat sa lalaking nasagilid ko nang bigla akong nahilo.Arg!may in-inject sila sakin na pampatulog f*ck!.

Nabitawan ko ang dagger na hawak ko at napaluhod sa sahig.Unti unti akong nilalamon ng dilim hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Demon's POV

Unti-unti nang nauubos ang kalaban at punong puno na din ako ng dugo sa katawan.Hindi sa aking dugo kundi dugo nang isang kalaban.Mabaho..malansa..tsk.

May isang ninja na sumulpot sa harapan ko at tinangkang hiwain ako pero naiwasan ko ito.

Nasan na sila Draniem? Alam kong kaya nila ang sarili nila pero si Draniem..Masyadong malakas ang kalaban at may duda akong sya ang pakay nila.Ngunit bakit sya?

"Sh*t!" Daing ko nang mahiwa ako sa braso.Nadistract ako kaya nahiwa nya ako.Sinaksak ko sa kanya ang ispadang hawak ko na puno ng dugo pagkatapos ay kinuha.Kailangan ko nang mahanap sila Draniem.

Napatigil ako sa pagtakbo ng makarinig ako ng isang putok ng baril.Nakita kong unti unti nang umaatras ang mga kalaban hanggang sa mawala na sila.

Nakita kong tumakbo sa gawi ko sila Carlie pati na din sila James pero hindi ko nakita si Draniem.

"Ayos ka lang?Ang haba ng hiwa sa braso mo"sabi ni Carlie

"Where's Draniem?"tanong ko sa kanila dahil sila ang magkakasama kanina

"Si Draniem?ang alam ko tumakbo sya papuntang stage.Hindi mo ba sya nakita?"tanong nya kaya umiling ako.

"Tara hanapin natin baka nandyan lang yun"sabi ni Mike

Iba ang kutob ko..Masama.

"Alam nyo nagtataka ako bakit kaya may sumugod dito?"tanong ni James

Wala nga pala silang alam.Hindi na lang ako sumagot pinagpatuloy ang paghahanap kay Draniem.Nakita ko sila Tita Amey at Tito Alfer kasama si lolo na papunta sa direksyon namin.

"Oh may gad!are you ok iha?punong-puno ka ng dugo at ang haba ng hiwa mo sa braso"sabi ni Tita Amey.

Hindi din nila kasama si Draniem. Napatingin ako sa lapag ng may maapakan ako..dagger?kinuha ko ito tsaka pinagmasdan.

"Wait,dagger yan ni Rence right hon?"tanong ni Tito Alfer kay tita Amey

"Yes..by the way nasan nga pala si Draniem?hindi nyo ba sya kasama?"tanong nya

Hindi kami makasagot dahil hindi namin alam kung nasan sya.Hindi din ako sigurado kung kinuha nga ba sya ng kalaban.Pero malakas ang kutob ko at isa pa itong dagger.Hindi nya basta-basta na lang ito iiwan.Kung hawak nga sya...kailangan ko nang magmadali at hanapin kung saan nila sya dinala.

Maglalakad na sana ako palayo ng may humarang sa daan ko.Si lolo pala

"San ka pupunta?"seryosong tanong nya.

Hindi ko sya sinagot dahil alam kong alam nya ang tumatakbo sa isip ko.

"Kailangan mo munang magamot"sabi nya

"No"

Wala nang oras..baka kung ano nang mangyari kay Draniem.

"Umuwi muna tayo at gamutin yang sugat mo..wag ka magpadalos dalos"seryoso pa ding sabi ni lolo

"Iha pagplanuhan muna natin to"sabi ni Tito Alfer

"But how can we--"

"Magtiwala ka kay Draniem..kaya nya ang sarili nya.Sa ngayon umuwi muna tayo para makapaglinis ka na ng katawan"sabi naman ni Tita Amey

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila dahil alam ko namang hindi nila ako papayagang umalis.I hope you're fine Draniem just wait for me.Ililigtas kita,namin.

Sana nung una palang hindi na ako umalis sa tabi nya.May duda na akong sya ang sinasabi don sa note na nakita ko sa kwarto.Ngunit paano napunta yon sa mansion at sa kwarto ko..may traydor kaya doon??

Kung sino ka man.Wag kang magpapahuli sakin dahil kamatayan mo ang kapalit nito, kahit kaibigan pa kita.

Mag hintay ka lang Draniem oras na may mangyari sayong masama hinding hindi ko sila mapapatawad.

Pero paano at saan kita makikita? Paano kita matutunton? Nasaan ka na ba kasi?

Saglit akong napatulala nang may naalala ako.

'Tama! bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na iyon? tsk'

~~~~~~~~~~
Whoo!UD Done!

Demonic EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon