Demonic 39

13.8K 339 5
                                    

Demon's POV

Magtatanghali na nang magising ako kaya tumayo na ako at dumiretso sa C.R.Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay bumaba na ako at naabutan ko sila sa may sala.Dumiretso ako sa Kitchen dahil nagugutom na ako-_-

Kumain lang ako ng Chocolate Cake.Mabubusog naman ako dito right?tss.Pagkatapos kong kumain ay nagtungo (tsk masyadong malalim) na ako sa sala.

"Nandyan ka na pala Iha,kamusta pakiramdam mo?"tanong sakin ni Tita Amey

Umupo ako sa single couch namin.

"I'm fine naman po..uhm anong pinag-uusapan nyo?"tanong ko

"Nothing apo"sabi ni lolo

Tsk.

Nagring ang cellphone ni tita Amey kaya nagexcuse muna ito para sagutin yung tawag.

"Lo,asan sila Shai?"tanong ko dahil napansin kong sila lolo lang ang nandito.

"Maagang umalis eh.Hahanapin daw si Ash at yung nobyo nya"sagot ni lolo

Nobyo?as in boyfriend? Ah baka si Kris yung tinutukoy nito.

"Kailangan nating pumunta sa Hospital!"biglang sabi ni tita Amey.

Kita ko ang pagkataranta nito kaya posibleng....sh*t!si Draniem!

Agad akong tumakbo papuntang garage at hindi pinansin ang pagtawag sakin nila Lolo at Tita Amey.Kailangan kong puntahan agad si Draniem!Mabilis kong pinaandar yung kotse hanggang sa makarating ako sa Hospital.Agad akong tumakbo ng mabilis at hindi ko pinapansin yung mga tingin sakin ng tao hanggang makarating ako sa kwarto ni Draniem pero may nurse na humarang sakin...f*ck!

"Sorry ma'am pero hindi po kayo pwede pumasok sa loob"

"Can't you see!?I need to know if he's Ok!!"galit kong sabi sa nurse

"Ma'am please makakagulo lang po kayo sa loob.Ginagawa na po ang lahat para po maging maayos ang lagay ng pasyente"

"Fine!pero kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.I will kill you all!"sabi ko sa kanya at tinignan ng masama tss.

Nakita ko ang takot sa mga mata nya but the hell I care!?Pumasok na sa loob ang nurse at naiwan ako dito sa labas ng kwarto.Nakita kong patakbo ding pumunta dito sila Tita Amey.

"How's my son?"tanong ni Tita

"I don't know"sagot ko

Nakita kong napaupo si tita sa isa sa mga upuan dito.

Ano ba kasing nangyari?sh*t!
Tumayo ako tsaka naglakad papuntang CCTV room.Narinig kong tinanong pa ako ni Tita kung saan ako pupunta pero hindi ko sya pinansin at nagtuloy tuloy.

Pagkadating ko doon ay binuksan ko ang CCTV room and luckily walang nagbabantay..tsk!.Tinignan ko ang footage sa kwarto ni Draniem at pinanood.May nakita akong pumasok na naka itim sa loob at tumingin-tingin sa paligid.Lumapit ito sa kama ni Draniem at tinanggal ang oxygen na nakakabit sa kanya.
Hindi kita ang muka nito dahil may nakalagay na mask pang hospital.Nasanggi nya ang button na pang in case of emergency kaya dali dali syang lumabas at saktong dumating yung doctor.

F*ck it!anong klaseng hospital ito at hinahayaan nilang makapasok ang ibang tao!?sh*t lang!!Umalis na ako sa CCTV room at pumunta sa kina Tita Amey.Nakita kong kausap nila Tita Amey ang doctor tsaka umalis.Agad akong lumapit sa kanila at nagtanong.

"Kamusta po si Draniem?"

"Stable na daw sya.Naabutan daw nilang hindi sya makahinga ng maayos dahil nakatanggal ang oxygen na nakakabit sa kanila.Buti daw at naagapan nila"sabi ni Tita Amey at bakas sa muka nito ang pag-aalala.

Pumasok kami sa loob ng kwarto at nilapitan ko agad si Draniem.Hindi talaga sila titigil.Sh*t!oras na malaman ko lang kung sino kayo.Malalagot kayo sakin dahil sa mga pinaggagawa nyo kay Draniem.

"Kailangang may laging nagbabantay kay Draniem 24/7"sabi ko kila Tita Amey at sumang-ayon naman sila.

Ashlene's POV

Nandito kami sa oh-so-called-secret place ni Kris.Biruin mo meron pala syang paganto-ganto tsk.

"Kain ka muna oh"sabi nya at binigay sakin ang pagkain.

Masasabi kong mabait at gentleman tong lalaking to.And to tell you hindi mo sya matatawag na 'silent person'.
Ewan ko ba dito kung bakit ang daldal kapag ako ang kasama nito-_-.

"Wala ka ba talagang balak na ipaalam tong ginagawa natin kila Denise?o kahit kina Carlie?"tanong nya

Hindi ba talaga to titigil sa kakatanong?pang limang beses na nyang tinatanong yan eh.

"Limang beses mo na yang tinatanong at limang beses ko ding sasagutin sayo na wala at gusto kong kahit papano ay makatulong ako kay Denise"sabi ko sa kanya at inirapan..napaka-annoying tss

"Easy lang haha.Nagtatanong lang eh"sabi nya pero hindi ko na sya pinansin.

Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap tungkol sa Pernicious Org.

Yeah yan nga ang organization ng step dad ko.Alam ko din kung sino sya,kung sino ang kalaban nila Denise pero hindi ko pa sinasabi dahil gusto ko munang makausap ang step dad ko.Baka sakaling matigil ang away nila.Madami nang nadadamay.

"Lene!"tawag sakin ni Kris.Ewan ko ba dyan kung bakit nya akong tinatawag na Lene tss.

Hindi ko sya pinansin at ininom ang binigay nya sakin kanina na juice kasama ng pagkain ko pero hindi ko muna kinain.

"Oy lene tara dito dali"pilit nya sakin.

Hindi ko pa rin sya pinansin at pinagpatuloy ang pagtatype...tss so annoying-_-

"Bahala ka!sige ka hindi mo mababasa kung anong nilalaman ng sulat.Galing kay Ferni?sino to?"sabi nya kaya dali dali akong pumunta sa pwesto nya at inagaw ang sulat sa kanya.

"Whoa!easy..sino ba kasi yang si Ferni at naagaw nya agad ang atensyon mo?..............now I'm jealous and curious"

Sabi nya pero hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi nya dahil binuksan ko na ang sulat galing sa step dad ko.

Hi my dear step daughter!haha namiss mo ba ang step father mo?ikaw kasi bakit mo ako nilayasan nung 7 years old ka?haha gusto mo bang malaman kung sino ang totoo mong tatay?Well kung gusto mo pumunta ka sa *** na lugar.See you there my step daughter!.

                  From your lovely step father,
                                 Ferni

Mabuti naman at hindi nya alam na alam ko na ang lahat.Kailangan ko syang puntahan.Nilapag ko ang sulat sa table tsaka naglakad.

"Oh wait!san ka naman pupunta?"tanong ni Kris habang sinusundan ako.

"Kay Ferni"sabi ko at nilingon sya.

Nakita kong parang biglang nagbago ang mood nya.

"Sasama ako tara na"sabi nya at nauna na sakin.

Problema non?tss.Sumunod na lang ako sa kanya at sumakay sa kotse.Sinabi ko naman sa kanya kung saan kami pupunta.

~~~~~~~~~~
Sorry sa late UD.Medyo busy kasi nung nakaraan kaya hindi ako nakapagsulat para sa next UD ko dito.Hope you Understand!And sorry sa mga typos and wrong grammar heheheV^^

Demonic EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon