Demonic 38

14.6K 386 53
                                    

Demon's POV

Pagkatapos sabihin ni Carlie ang nangyari kay Draniem ay para akong nanghina.Kulang pa ba?kulang pa ba ang effort na binigay ko para maligtas sya?bakit ganun?ako ang pinakamalakas right?but why is he now..
.

.

.

.

.
In Coma? Yes coma, na-coma sya dahil masyadong nabugbog ang katawan nya at hindi na nya ito kinaya.Kinailangan din nya salinan ng dugo dahil madaming nawalang dugo sa kanya mula dun sa X na nasa kanyang dibdib.

"I want to see him"sabi ko sa kanila

"What?but--"sabi ni Shai

"Please?just this one..I want to see him"pakiusap ko sa kanila

"Pero hindi pa magaling ang sugat mo sa tagiliran.Tsaka kailangan mo pang magpahinga"

"I'm fine..I just want to see him"

Gusto ko syang makita.Gustong gusto ko syang makita.

"Ok pero dahan dahan lang ha?"

Tumango na lang ako sa sinabi ni Ash.

Tinulungan nila akong tumayo.Hinawakan ko ang tagiliran ko dahil medyo kumikirot.

"Are you Ok?"tanong ni Shai

"Yes"

Dahan dahan kaming lumabas ng kwarto kung saan ako nanggaling hanggang sa makapunta kami sa kwarto ni Rence.Naramdaman ko namang umalis muna sila sa tabi ko.Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Bakit sayo pa nangyari to?Hindi dapat ikaw ang nandyan.Ako,ako ang dapat nandyan.Mahal na mahal kita Draniem please gumising ka na.Susuyuin mo pa ako diba?Galit pa nga ako sayo dahil sa ginawa mo nung sa camping natin eh.S-sige ka hindi na kita b-babalikan!"sabi ko sa kanya

I look like a crazy, kinakausap ang taong tulog hahaha.

"Alam mo?cold akong tao.Walang pakialam sa paligid ko pero nung m-makilala kita b-binago mo ako alam mo ba yun!?Dahil s-sayo kaya ako nagbago kaya please!gumising ka na dyan!hindi ka si Sleeping beauty dahil una Hindi ka babae h-hahaha..pangalawa hindi kita hahalikan no!ikaw ang hahalik sakin kaya gumising ka na!"umiiyak ko sabi.

"M-miss na miss na kita!Ni h-hindi mo nga ako nasayaw nung m-masquerade ball eh!M-mahal na mahal kita Draniem kaya gumising ka na"

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago umalis.

'I promised Draniem.Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo, pagbabayaran nila ng malaki'

Ashlene's POV

Mula dito sa labas ay rinig namin ang ang sinabi ni Denise kay Rence pati ang iyak nito.

Nakita naming lumabas na sa kwarto ni Rence si Denise kaya tinulungan namin sya at dinala na sa kwarto nya.

"You okay?"tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya sa tanong ko.

*sigh* I hope you will be fine.

"Alis muna ako"paalam ko sa kanya.

Lumabas ako at nakita kong nakasandal sa wall malapit sa pintuan si Kris.Tinanguan ko sya at ganun din ang ginawa nya kaya naglakad na sya at sumunod naman ako sa kanya.May gagawin pa kami.Kami lang dalawa ang nakakaalam nito.Para ito sa kanila, para ito kay Denise.

Tutulong kami sayo Denise lalo na ako.Tutulungan kita hindi dahil kaibigan kita, kundi dahil..








Kapatid kita.

Demon's POV

After 7 days

Hanggang ngayon ay hindi pa din sya gumigising.Isang linggo na ang nakakalipas kaya medyo magaling na ang tama ng bala sa tagiliran ko.Wag daw muna akong magbubuhat ng mabibigat na bagay tsk hindi naman ako Cinesarean no-_-

Pauwi na kami sa mansion kaya pumunta muna ako sa kwarto ni Draniem.

"Tsk hoy kumag,gumising ka na dyan.Masyado ka naman atang nagenjoy!Uuwi muna ako ah?Promise araw-araw kitang bibisitahin.May kailangan lang akong gawin.Tandaan mo mahal na mahal kita kahit kumag ka tsk"sabi ko pagkatapos ay lumabas na ako.

Nakita ko naman na nandoon sila lolo pati sila Tita Amey at Tito Alfer sa labas.

"Lets go?"tanong ni lolo kaya tumango ako.

Nagpaiwan naman sila Tita Amey at Tito Alfer.Mamaya na lang daw sila susunod wala daw magbabantay kay Draniem.

Pagkadating namin sa Mansion ay sinalubong kami nina Carlie.

"Yun oh!sa wakas nakauwi ka na!Nakakamiss yung pagsusungit mo eh hahaha"sabi ni Carlie kaya inirapan ko sya.

Napansin ko namang wala si Ash at Kris kaya tinanong ko sila Carlie.

"Where's Ash and Kris?"

"Ewan,Tingin ko nga may relasyon na yung dalawang yun eh.Laging magkasama tsaka laging umaalis"sabi ni nya

"Tss parang sila lang naman ang may relasyon?"asar na tanong ko sa kanya kaya namula sya.Tsk masyadong pahalata.

"H-hindi ah!Hindi naman kami ni Mike eh!"sabi nya

"Tsk wala naman akong sinasabing si Mike yun ah?"sabi ko sa kanya

"A-ah eh..ah basta!hmmp!"sabi nya tsaka nagwalk out.Kita ko namang nagpipigil ng tawa sila Shai.

Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na sa kwarto ko.

Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman kung sino at nasaan sila.Kinuha ko ang loptap ko at nagsearch tungkol sa bungo na may pa-X sa likuran nito.Nakita ko ito sa bandang dibdib ni Mirraine kaya nasisiguro ko na ito ang tattoo nila para malaman kung kasapi ka ba sa kung anumang organization yun.Tago ang mga tattoo nila para walang makaalam kung sino sila.

Mautak tsk!.

'Error'

Tss..sinarado ko ang laptop dahil pagkatapos lumabas ang salitang 'error' ay bigla na lang ito namatay. Isa lang ang pumasok sa isip ko, may Virus psh-_-

Malalaman ko din kung sino kayo.

Anonymous POV

Hindi mo ako maiisahan little Empress hahaha!!Sayang nga lang at hindi tayo nagtagpo.Hindi pa ito ang tamang panahon.Darating din tayo dyan.Maghintay ka lang, sa ngayon ay uunahin ko muna ang pinakamamahal mong lalaki.

Tok!tok!tok!

"Come in"

Pumasok sa loob ang isa sa mga tauhan ko.

"Anong ipag-uutos nyo Master?"tanong nito.

"I want you to go to this place"sabi ko at binigay ang picture.

"Room 33 and you know what to do"patuloy ko sa sinabi ko.

"Yes,master"sabi nito at lumabas na ng office ko.

Pagbabayaran ng mga anak nyo ang ginawa ninyo.Amey,Alfer at lalo na sa inyo Dave at Faye.

Ginawa ng asawa ko ang lahat para lang mapunta sya sayo Dave pero hindi mo man lang sya napansin.Puro ka na lang Faye.Nagdusa sya ng mahabang panahon habang dala dala ang naging bunga ng pinaggagagawa nya sayo.Nabuntis sya dahil lang sa isang gabi.Isang gabing ginawa nya ang lahat para malasing ka lang.Pero mas pinili mo pa din si Faye.

Pagbabayaran ng anak ninyo ang ginawa nyo sa aakin at sa asawa ko.
Sa ngayon kailangan ko lang hanapin at harapin ang Step Daughter ko.Si Ashlene Gwyneth Alcantara or should I say.
.
.
.
.
Ashlene Gwyneth Elgae

~~~~~~~~~~
Thanks for reading!

Demonic EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon