Chapter 14: Cassiopeia

14.2K 493 33
                                    

Chapter 14: Cassiopeia

***

[ Fiera's POV ]



"Guys hindi pa ba kayo nagugutom? Kasi ako gutom na gutom na! Kanina pa sigaw ng sigaw tong sikmura ko." Sabi ko habang tinutulungan si Luke at Kaizer na gumawa ng tent namin.



Hapon na at malapit nang mag dilim kaya inaassemble na namin ang tent na tutulugan namin mamaya. Dalawang malalaking tent ang mga ito. Yung isa ay para samin ni patty at yung isa naman ay para sa kanilang tatlong lalaki. Then sa gitna ng mga tent namin ay may bonfire incase na ginawin kami mamaya.



"Sandali na lang Fiera. After natin magawa 'to hahanap na tayo pagkain." Sagot ni Kaizer.



"Fiera hindi pa ba sapat ang kagwapuhan ko para mabusog yang mga mata mo?" Banat ni Luke kaya mabilis siyang binatukan ni Patty na nag aayos ng bonfire namin.



"Anong pinagsasabi mo jan kay Fiera? Mandiri ka nga!" Sabi ni Patty.



"Bakit Patty mylabs selos ka ba? Hayaan mo mamaya mag ka-quality time tayo." Sabi ni Luke at nagsmirk pa.



"Ewww! Wag ka ngang mag smirk! Kinikilabutan ako sayo eh." Patty.



"Bakit masyado ba akong gwapo pag nag ssmirk at talagang kinikilabutan ka pa?" Luke.



"Oo! Nakakamatay yang itsura mo!" Patty.



"Kaya pala patay na patay ka na sakin." Luke.



Natawa nalang ako sa kanilang dalawa at umalis na umiiling. Haynako bahala nga silang mag away jan. Mukha namang yan lang yung way nila para ipakita nila ang pagkagusto nila sa isa't isa. Pfftt ano ba tong sinasabi ko? Eh hindi naman yata gusto ni Patty si Luke at itong si Luke ay mukhang trip lang naman si Patty. Pero infairness ang cute nilang couple kung magkakataon na maging sila.



"Fiera, saan ka pupunta? Mapanganib dito sa gubat kaya mabuti pa dito ka nalang manatili." Sabi ni Kaizer.



Nilingon ko naman siya at nginitian. Concern ba siya sakin? Medyo kinilig ako dun ah.



"Uhh Kaizer hindi naman ako lalayo. Mag papahangin lang ako sa tabi-tabi. Saka para hindi na din ako ma bored dito." Sabi ko.



"Sige. Basta bumalik ka kaagad." Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya at umalis na.



Habang nag lalakad ako ay dinadama ko yung sariwang hangin. Grabe kanina pa talaga ako nagugutom! Nag mamakaawa na yung sikmura ko! Tapos mag hahanap pa daw kami ng pagkain namin! Jusko hindi na yata kakayanin ng sikmura ko ang gu---



"Fiera..."



"Ay kalabaw!" Napasigaw ako sa gulat nung marinig ko na may nag salita sa likod ko.



Lumingon ako upang tignan kung sino yung tumawag sakin at nagulat ako nang makita siya. Anong ginagawa niya dito? Sinundan ba niya ako? Teka ang ilusyunada ko naman! Baka na bored lang din siya kaya nag pahangin lang din! Tama baka ganun nga.



"Ace, anong ginagawa mo dito?"



"S-sabi mo nagugutom ka na diba?" Nauutal niyang tanong tapos nag iwas siya ng tingin.



"Oo. Actually kanina pa! Kaya lang busy kasi sila sa pag aayos ng ten---"



"Here."



Halos mag liwanag na yung mukha ko nang makita ko yung dala niya. Ang daming iba't ibang klase ng prutas na naka lagay sa malaking dahon! Saan naman niya nakuha ang lahat ng iyan? Grabe ang dami! Lalo tuloy akong nagutom!



The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon