Chapter 35: Save Her (PART 2)
**********
[ Ace Nixon POV ]
Andito padin ako sa hinpapawid sakay ng pegasus. Ilang oras na akong nag lalakbay pero ni anino ng dark academy ay hindi ko makita. Alam ko na duon dinala si Fiera.
Nakasakay lang ako sa likod ng pegasus ng may matanaw ako na kastilyo sa malayo.
Itim na kastilyo at nababalutan ng itim na aura ang paligid nun. Baka ito na ang hinahanap ko.
"Pegasus, dun tayo." Sabi ko sa pegasus at tinuro yung malayong kastilyo. Sinunod naman ako nito.
Hindi ko akalain na gagawin ko ito para lang sa isang babae. Pero wala eh, alam ko sa sarili ko na mahal ko na si Fiera. Oo mahal ko na siya matagal na. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na showy. Gusto ko sinasarili ko lang. Pero ngayon ay ipagtatapat ko na sa kanya. Mahirap na. Alam ko naman gusto din siya ni Kaizer. Tss ayokong maunahan ng lokong iyon.
Nang makarating na kami sa kastilyo ay bumaba na kami. Pinag masdan ko ng maigi ang kastilyog ito. Nakakatakot at misteryoso.
'Dark Academy'
Iyan ang nakalagay sa taas ng malaking pinto ng kastilyo.
Sabi ko na nga ba. Ito na ang hinahanap ko.
"Dito ka lang pegasus, tatawagin nalang kita pag kailangan kita ok?" Sabi ko sa pegasus na tumango naman ito.
Papasok na sana ako sa pinto ng kastilyo nang bigla akong nakuryente.
Ugh shit! Ano yun?! Siguro ay napapalibutan ng barrier ang academy na ito. Kung ganun paano ako makakapasok?
Bigla akong may naisip. Alam ko na. Gagawa ako ng ingay dito nang sa ganun ay matawag ko ang atensyon ng mga nasa loob at pag nangyari yun ay mawawala ang barrier syempre lalabas sila para tignan at duon na ako papasok.
Diba? Ang talino ko talaga.
"Pegasus pwede ka bang gumawa ng ingay? Yung malakas na malakas at yung matatawag ang atensyon nila." Sabi ko sa pegasus at tumango naman ito.
Nagtago na ako sa likod ng isang puno.
Binuka ng pegasus ang bibig niya at biglang may rainbow energy ang lumabas dun at sumabog sumabog sa mga puno.
Woah may kapangyarihan pala ang pegasus na 'to.
"Anong ingay iyon?" Biglang may bumukas yung malaking pinto ng dark academy at lumabas ang limang kawal.
Dahan-dahan akong naglakad papasok. Wala na nga yung barrier. Buti nalang ay hindi nila ako nakita.
"Pegasus lang pala." Sabi ng mga kawal at pumasok na sa loob ng dark academy. Nagtago ako sa likod ng isang pader.
Sisimulan ko na ang pag hahanap kay Fiera.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Maikli lang.
BINABASA MO ANG
The Fire Princess [COMPLETED]
FantasíaHer name was Fiera Kim Cress. Inilipat siya ng kanyang ama sa Mystinious Academy dahil sa kadahilanan na hindi niya kayang kontrolin ang kanyang kapangyarihan. Siya ang may hawak ng fire element. Kung saan iyon ang makapangyarihan sa lahat ng elemen...