Chapter 48: Dark Elixir

7.8K 245 10
                                    

Chapter 48: Dark Elixir

**********

[ Kaizer's POV ]

"Kaizer..."

Nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin ang lalaking tumawag sakin.

"Anak..."

Si Dad yun. Kilala ko ang boses ni dad.

"Dad?" Tanong ko ngunit hindi ko padin siya makita.

Madilim ang paligid at napapaligiran ako ng matataas na puno.

"Ako nga anak."

Mula sa likod ng isang puno ay nakangiting lumabas si dad at lumapit sa'kin. Napangiti ako at agad itong niyakap. Sobrang namiss ko si Dad. Ang tagal ko siyang hindi nakasama.

Niyakap niya ako pabalik ngunit laking gulat ko nang mag salita ito at iba na ang kanyang boses.

"Napaka dali mong linlangin." Agad ko itong natulak nang mapagtanto na hindi ito ang dad ko.

Ang dark king.

"Anong kailangan mo sa'kin?"

"Simple lang." Sa isang pitik ng daliri niya ay may kung anong maliit na bote ang lumitaw sa kamay niya.

"Ano iyan?"

"Ito ang dark elixir. Kung sino man ang nilalang na makaka-inom nito ay mag wawala ang kapangyarihan. Kokontrolin nito ang uminom at susunod sa lahat ng ipag-uutos ko." Sabi nito.

Ngumisi ako. "Huwag kang umasa na iinumin ko iyan."

Natawa siya ngunit agad din na nag seryoso. "Hindi ko ito sayo ipapa-inom.."

Kung hindi sakin... "Kanino?"

"Kay Fiera."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi. Hindi niya maaaring galawin si Fiera. Dadaan muna siya sakin.

"At sa tingin mo ay hahayaan kitang ang balak mo?"

"Oo. Dahil ikaw mismo ang mag papainom nito sa kanya."

WTF? Kahit kailan ay hindi ko ipapahamak ang babaeng mahal ko. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon.

"Ako? Kung tingin mo susundin kita. Nag kakamali ka." Sabi ko.

Natawa nanaman ito. "Sa ayaw at sa gusto mo ay susundin mo ako. Kung nais mo pang makita ng buhay ang tatay mo."

Ikinumpas niya ang kamay niya at nagkaroon ng magic screen sa harap ko. Ipinakita nun ang isang lalaki na nakadena ang buong katawan.

Kilala ko ang lalaking iyan...

Si Daddy! Shit anong nangyari sa kanya?!

"Anong ginawa mo kay Daddy?!" Akmang susugurin ko na siya nang itapat niya ang kamay niya sakin at pinigilan niya ako gamit ang dark force. Dahilan para umatras akong muli.

"Easy kid. Buhay pa ang tatay mo. Ngunit kapag hindi mo ginawa ang pinapagawa ko sa'yo... Ay magiging isang malamig na bangkay nalang ang tatay mo." Akmang susugurin ko na siya nang bigla nalang itong naglaho sa harapan ko.

Namalayan ko nalang na hawak ko na ang maliit na bote na nag lalaman ng dark elixir.

***

Agad akong napabangon dahil sa isang masamang panaginip. Pawis na pawis ako at naghahabol ng hininga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang isang maliit na bote na naglalaman ng dark elixir. Nakita ko pa ang isang itim na uwak na nakatayo sa bintana ko ngunit pag tingin ko ay agad itong lumipad palayo.

Posible kaya na ang uwak na iyon ang nag dala dito ng dark elixir?

Shit. Hindi ko kayang gawin iyon kay Fiera.

'kapag hindi mo ginawa ang pinapagawa ko sa'yo... Ay magiging isang malamig na bangkay nalang ang tatay mo.'

Iniling ko ang ulo ko nang mag flashback sa isip ko ang sinabi ng dark king mula sa aking panaginip.

Hindi ko kayang pagtaksilan si Fiera. Pero hindi ko din pwedeng pabayaan ang daddy ko. Siya nalang ang meron ako. Ayokong pati siya ay wala sa'kin.

Ugh shit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko itong pag isipan ng mabuti.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano sa tingin niyo ang magiging decision ni Kaizer?

Vote and comment pooo~

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon