Mula sa pag-uwi namin ay parang gumaan ang aking pakiramdam, samantalang ang dalawa 'to ay kilig na kikig! Sus! Hindi mawala ang ngiti sa kanilang dalawa at sila ay kanta ng kanta ng "Ohh baby!" Para silang sira no? Hahaha pero worth it yung pagpunta namin kasi hindi ko lang siya nakita, nasuka pa ako sa damit niya pero hiyang hiya parin ako sa kanya at natatakot ako sa manager nila! Tssskk! Baliw!
*sa kotse*
"Mga bes, bakit kaya an tagal lumabas si Niel?" Tanong ni Jai saaming dalawa
"Ahh?"
Napatulala ako at walang masabi pero aminado ako na nakalimutan na ni Niel yung nangyari at sana nga ay hindi na galit sa akin yung manager nila.
"Why? Bes? Parang nakatunganga ka?"
Nakatunganga ba ako? Haha siguro hindi ko namalayan ito.
"Ahh? H-hindi a!" Sabi ko sa kanya.
"Namumutla ka e, sigurado ka ba talaga na okay ka lang? Kanina ka pang ganun e!"
Namumutla ba ako? Siguro sa pagtakbo ko kanina sa loob ng dressing at exit door. Mamamatay na ba ako?
"Kaya ko pa. Huwag kayong ano ha!" Patawa kong sinabi sa kanya. Pero nararamdaman ko talaga na hindi ko na kaya.
After 15 min ay nakarating din kami sa bahay. Nasa labas sina itay at inay.
Yung akala ko ay sila lang ang nasa labas ay hindi pala, may kasama silang nga lalaki at isang babae at 'yun ang isa saga P.A ng mga artista kanina. As-in P.A, Personal Assistant.
Ano kaya ang sasabihin nila e gabing gabi na.
Naku! Kinakabahan ako pero "Kalma ka lang May, grrgr!" Sabi ko sa sarili ko.
Nakarating kami sa tapat ng aming bahay at biglang tumayo si inay sa kanyang kinauupuan at ako naman ay daling nagtago sa isang unan, tinakpan ko ang mukha ko. Natatakot ako kasi parang nagagalit yung babae at kasama niyang mga lalaki. Pero bahala na! Basta mag-asta nalang ako na hindi ako yung babae este baklang nagsuka sa loob ng dressing room
*tok tok tok*
"Jai! Kasama mo si May?" Sabi ni inay na nagagalit.
Sa totoo lang, hindi ko nasabi kina Jai at Kai na hindi nila sasabihin na nandito ako pero sa isang iglap..
"Ah? O-opo tita!"
"Huh? Asan?"
"Diyan po sa likod tita!"
"Ahh? Wala naman ahh?"
Tumingin si Jai sa likod at ako naman ay pasimpleng sumitsit sa kanya. Sa totoo lang, nanginginig ako at hindi ko alam ang gagawin ko! Hu! Ano ba kasi 'to e! Wala na bang matinong tadhana?! Grr!
"Ahh wala po pala tita!" Sabi ni Jai kay inay na pinagpapawisan pa.
"Jai, huwag mo akong pinagloloko ha!" Sabi ni inay na galit na galit!
"O-po tita!"
Great! Galing mo bes ha! Haaha I Love You bes.. Haha
Pero sa ssndaling iyon ay lumingon ako sa labas, oo wala na ang mga tao sa bahay namin pero akala ko lang pala 'yun.
"Bes ibaba mo nalang ako sa kanto."
Tinigil niya sa tapan ng tindahan at doon ako bumaba malapit sa aming bahay.
Biglang nakaramdam ako ng panghihinayang at kaba syempre takot ako ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakita ko na may kakaibang sasakyan sa labas ng aming bahay.
BINABASA MO ANG
A Gay Story
Historia CortaAng kwentong ito ay pwede sa lahat ng mga nambabasa. Itong kwentong ito ay kathang isip lamang pero ang mga lugar sa kwento ay may katotohanan. Enjoy reading 😍